Chapter twenty six

1 0 0
                                    

Michelle's POV

"Uhm Kuya Ethan, okay lang ba na ako ung kasama mo? hehe busy kasi silang lahat"

bahagya siyang natawa, "oo naman, namiss rin kitang kasama"

ilang sandali pa nag-park kami sa tapat ng isang store, I can say na isa itong Art Shop. Tinanggal ko ung seatbelt at sabay na rin kaming bumaba ng kotse

pagpasok ng store amoy na amoy ang mga pintura at tila mga bagong kagamitan na pang-art, tinitignan ko lang si Kuya Ethan habang nakasunod ako sa kanya tila seryoso din siya sa pagpili ng mga gagamitin niya

"Naalala mo ba si Rianne?" biglang tanong niya

"po? uhmm hindi ako sigurado pero..." tapos sinubukan kong isipin

"siyang ung kaaway ni Sofia during their college years" tinignan niya ako at ngumiti, "ikakasal na siya this coming Saturday, ang bilis ng panahon noh?!"

ang totoo niyan hindi ko maalala kung sino ung tinutukoy niya, pero nang sabihin niyang kaaway ni Ate Sofia?! ewan ko, parang gusto ko tuloy siya makilala

"we've met already last time, and masasabi kong ang laki ng pinagbago niya. She even told me na bibisitahin nila si Sofia para makapag-sorry na siya" sabi pa ni Kuya Ethan, okay, change feels na ko towards that girl hihi

"Ethan?! omgggg!" nagulantang naman ako sa matining na tili ng babaeng bigla na lang sumulpot kasama ang isang lalaki na kasing-takad lang din ni Kuya Ethan

nakita kong niyakap si Kuya nung babae, "what are you doing here?" she asked Kuya sabay baling sakin, "and who is she? omg don't tell me.." tapos lumapit siya sakin as she lend her hand, "you must be his girlfriend? finally!! I'm Rianne. and by the way, this is Kevin, my fiancè" pakilala niya dun sa guy na kasama niya

"hi" sabi nung Kevin at nakipag shake hands kay Kuya Ethan then sakin

"anyways, why dont we have lunch together?" sabi nung Rianne

"I think that's a good idea" sabi nung fiancè niya, jusko hindi man lang ako nakapag-react maging si Kuya Ethan

wala kaming nagawa kaya dinala niya kami sa isang restaurant na katabi lang nung Art Shop, and ayun, nanatili akong tahimik kasi ang daldal ni Ate girl hahaha

"it's good to finally meet you Ethan, I mean, Rianne has been talking about you and Sofia. Dude, I really admire your love for her but good thing you've finally found someone" sabi ni Kevin sabay baling sakin

"what's your name?'' tanong sakin ni Rianne

"I'm Mich and actually.." nahihiya kong sabi eh kasi naman we have a misunderstanding here, "..I'm not his girlfriend, we dont have any romantic relationship. He is like an older brother to me since we've known each other for a long time" tapos tumingin ako kay Kuya Ethan na medyo natatawa

Present, Mistaken Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon