Andrea's POV
nagising na lang ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, dahan dahan kong dinilat ung mga mata ko at isang puting kisame ang nakita ko
inilibot ko ung tingin ko at nakita si Michelle na natutulog sa couch at si Dayle...na nakayuko dito sa tabi ko
I tried to sit down, nang gumalaw si Dayle, "okay ka na?" he asked tapos inalalayan niya ko para maka-upo
"okay naman ako. Nahilo lang ako, nasaan tayo?" I asked him
"nasa hospital. Andrea, you're anemic. yan ang sabi ni Gelo nung chineck ka niya" he said
right, nasa hospital na naman ako. napa-irap na lang ako, "magpapa-discharge na ko" tapos tinanggal ko ung mga swero na naka kabit sakin
"teka Andrea.." pigil ni Dayle
"sa bahay na ko magpapahinga. Ayokong magstay dito ng matagal" hindi niya na ko napigilan tapos lumaba na ko ng kwarto
agad kong nilapitan ung information desk, "magpapadischarge na ko" sabi ko sa nurse
"okay po Maam" then she checked something on her monitor
as I wait nakita kong may mag-inang naka wheelchair ang dumaan sa harap ko habang tulak-tulak sila ng isang nurse, sa nakikita ko parang bago siyang panganak.
my heart skipped a bit, kasi ang saya saya nung nanay habang hawak ung anak niya. ganun ba talaga ung feeling?! parang umiikot na ung mundo niya sa anak niya...na tipong silang dalawa lang at may sarili silang mundo
"Maam, okay na po" sabi nung nurse, I just nod at her and went back to the room
pagpasok ko nakaayos na ung mga gamit, "Ate, good morning. Eto nga pala ung mga damit mo" sabi ni Michelle
nakita kong busy na naman si Dayle sa pagbabasa sa isang tabi
"himala yata na--"
"Bawal ka kasi mastress ate kaya hahayaan ka namin sa gusto mong gawin" sabi ni Mich habang nakangiti, nagpalit na ko ng damit at agad din kaming pumunta sa parking
"Mich, ikaw na muna magdrive. take her home, punta lang ako sa office" narinig kong sabi ni Dayle from my behind, nauuna kasi akong naglalakad kaya huminto ako at nilingon sila
"bakit hindi mo sabihin sakin mismo? dont act as if I'm not here" naiinis kong sabi, pero hindi niya ko pinansin. He turned his back and walk away.
"a-ah..uhm Sige, Ate ako na magdrive kasi---"
"no, ako na. give me the keys" I insisted, agad din naman niyang binigay sakin ung susi kaya dire-diresto ako sa kotse; sumakay din naman agad si Mich
BINABASA MO ANG
Present, Mistaken Love (On-Going)
General FictionHindi ko akalain na mag eend up ng ganun na ang nakaraan; mahirap tanggapin at mahirap kalimutan, but in order for us to live, we should strive to move forward. Minsan lang may mangyaring maganda sa buhay natin, minsan lang tayo mabuhay kaya kung m...