Pagkaraan ng ilang sandali matapos naming mag-usap ni Forielle ay bumalik ang mga lalaki na may dala-dalang juice at mga pagkain. Napansin yata ni Zyron na may tensyon sa aming tatlo kaya hindi siya natuloy sa pagsasalita pero manhid yata iyong dalawa at umupo lang na parang walang nangyari.
"Drink some juice, Forie. Freshly-squeezed daw iyan sabi ng waiter," alok ni Denver sa kaniya at akmang susubuan pa yata ang babae ng dala-dala niyang fries. The hell with him! Baka gusto mong putulan kita ng kamay diyan, Denver!
"She has her own hands, Mr. Valcore. Hindi ba hindi ka ipinanganak para magsilbi ng ibang tao?" ulit ko sa sinabi niya sa akin kanina nang utusan ko siyang pagbuksan ako ng pinto.
"You're the one I'm talking about, woman. Ikaw ang hinding-hindi ko pagsisilbihan," and he threw me a cold stare. "Iba siya. Iba si Forielle. Gusto ko siyang pagsilbihan."
That statement pierced my heart for the nth time. Ang sakit makumpara sa isang tao na walang-wala naman sa kalingkinan ng mga effort ko para sa kanya.
"Lev- I mean D-Denver, hindi na muna ako kakain. Busog na kasi ako," singit ni Forielle. At ano iyong dapat na sasabihin niya? Lev?
Levian?
No one can call Denver by his second name dahil napapangitan siya sa pangalan na iyon, which I found very handsome though, tapos pinayagan niya ang kaibigan ko na tawagin siyang ganoon? Is that how important she is to him para bigyan niya ito ng permiso para gawin ang bagay na iyon?
"Ganoon ba? Then drink this juice instead," sabi ni Denver sa kanya.
"H-Hindi na, busog na kasi talaga ako. Hindi na kaya ng tiyan ko," kinakabahang palipat-lipat ng tingin si Forie sa aming dalawa ni Denver.
"No, I insist," pilit pa rin ng lalaki kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang inumin ang juice dahil pinagduldulan na talaga ni Denver ang baso kay Forielle.
Hindi ba talaga siya makaintindi ng ayaw niya nga? Bakit namimilit pa?
Unti-unti na namang napakuyom ang kamao ko sa mga nasasaksihan nang hinawakan ng malaking palad ni Marden ang kamay ko. Surprisingly, it calmed me a bit.
The happy mood of the event continued kahit taliwas naman ang nararamdaman ko. For the last two hours of the party, I just stayed seated at our table.
Hindi na rin ako sumayaw pang muli dahil wala na naman akong gana pa. Sina Zyron at Willona naman ay naglibot-libot para makighalubilo sa iba pa naming mga kaklase. As for Denver and Forielle, ayon. Sinimot na yata lahat ng kanta hanggang sa pinakadulo dahil nandoon lang sila sa dance floor magdamag.
Huwag na kayong bumalik ha? Sige, sayaw lang. Pakamatay kayo diyan.
Actually, many boys approached me naman to ask if I could dance with them pero hindi ko sila pinaunlakan. What's the point of dancing with someone kung hindi naman palagay ang loob mo rito, hindi ba? I don't care kung sabihin nilang suplada ako. I'm just being true to myself.
In the end, si Marden lang ang first and last dance ko, who just stayed with me for those two long hours.
Mabuti pa 'tong taong ito, loyal at hindi ako iniwan.
The last song ended kaya nagbigay na ng closing remarks ang aming student council president, saying thank you for enjoying the night.
The hell with that. I did not enjoy even a single moment.
Sabay na kaming anim na pumunta sa may parking lot dahil malamang, nandoon nakapark ang mga kotse namin na siyang sasakyan namin pauwi. So paano kami uuwi kung hindi kami pupunta sa parking lot?

YOU ARE READING
Desperately Making Him Mine
RomanceLove enables a person to show his or her selfish side. No matter how self-sacrificing you are, the side of wanting someone to be yours will surface. Brietta Reneith Miralde is not an exception. The moment she laid her eyes on Denver Levian Valcore...