Desperately 10

143 2 1
                                    

As you can see, I've re-posted this part since ngayon ko lang napansin na hindi pala maayos ang pagkakasulat sa may dulohan. Thank you @Bab_Oon for commenting. Dahil sa'yo, napansin ko pagkakamali ko kaya naayos ko ito.

Brietta's POV

Naalimpungatan ako sa isang oras ko lang na tulog nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Brietta, gising na. Ala-sais na at hindi ka pa naliligo," si Mama pala iyong pumasok.

Hindi ko siya sinagot at ipinikit nalang ang mga matang namamaga dahil sa kakaiyak buong gabi.

"Bumangon ka na diyan at maaga pa tayo sa eskwelahan ngayon," seryoso pang tuloy ni Mama bago lumabas ng kwarto.

Napipilitan man ay bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at pumunta na nang banyo.

I was not surprised when I saw my horrible face in the mirror.

Eyebags. Red eyes. Pale lips.

Sobrang laki ng mga eyebags ko sa kadahilanang wala akong tulog at pahinga kagabi. Pulang-pula rin ang aking mga mata na tila ba nakahithit ako ng droga kahit ang totoo ay resulta lamang ito ng walang tigil na pag-iyak at pagluha. Ang mga labi ko naman ay namumutla, na tila ba naubos ang lahat ng tubig sa buo kong katawan.

Kitang-kita rin sa aking mukha ang mga natuyong luha, ebidensya ng mga pinagdaan kong pait at sakit na nangyari lamang kahapon.

Tinitigan ko nang matagal ang aking mga mata na sa kabila ng pamumula ay makikita pa rin ang kalamigan nito.

How I badly wish to the heavens to not see those eyes ever again.

Dahil ang mga matang iyan ang nagpapaalala sa akin kung bakit ako naging ganito.

Naging sakim sa pagmamahal ng isang tao.

Matapos ang ilang minutong pakikipagtitigan sa sarili ko sa salamin ay naligo na ako at nag-ayos saka bumaba nang hapagkainan kung nasaan nakaupo ang aking buong pamilya.

"Good morning, Ietta," bati ni Kuya Brett sabay halik sa pisngi ko.

"Morning, Kuya," tangi kong sagot.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin, baby?" saad naman ng ama ko na nakabuka ang mga kamay, tanda na gusto niyang yakapin ko siya.

I walked towards Mr. Baron Gray Miralde, the head of the Miralde household.

"Good morning, Pa," binigyan ko siya ng tipid na ngiti at saka siya niyakap.

Kahit hindi ko makita ang ekspresyon ni Papa ay alam kong nakangiti siya. Ganyan naman ang ama ko, masiyahing tao pero marunong rin namang magseryoso minsan.

Pagkatapos kong batiin ang ama ko ay bumaling naman ako sa ina kong seryosong nakatingin sa akin. Kinabahan naman ako sa ekspresyong binibigay niya sa akin dahil kadalasan naman siyang nakangiti. Minsanan lang talaga siyang magseryoso at magalit.

"G-Good morning, Ma," at binigyan ko siya ng beso na hindi niya sinuklian, bagkus ay binati niya lang ako.

"Kumain na tayo para makaalis na agad," utos niya kaya madali naman akong pumunta sa upuang nakalaan sa akin at kumain na.

Matapos ang agahan ay nauna nang umalis si Kuya Brett dahil maaga pa ang klase niya sa araw na ito. Kasabay ko namang umalis sina Mama at Papa papuntang eskwelahan.

Pagkarating ay sabay kaming tatlong naglakad papuntang opisina ng principal na siyang nagpatawag sa akin at sa mga magulang ko ngayong araw na ito. Umuusbong na rin ang kaba at pangamba ko habang nalalapit kami sa lugar na iyon.

Desperately Making Him MineWhere stories live. Discover now