Willona's POV
Wala akong nagawa kung hindi ang himasin ang likod ng kaibigan ko para tumahan na ito sa pag-iyak.
"He fell for her, not me. Walang katumbas na sakit, Will, walang katumbas."
Awa akong napatingin kay Brietta dahil sa sakit na nadarama nito. Surely, Denver made her happy when he came into her life pero nakikita kong mas lamang ang sakit at pighati ni Brietta kaysa sa saya mula noong dumating ito.
She may look invincible in the eyes of others but for me, she's just a lost child. Nawawala siya dahil wala siyang maramdamang pagmamahal. Hindi naman sa nagkulang ang pamilya niya sa pagbubuhos ng aruga sa kanya but everything just changed when she lost someone very dear to her. Kasabay nang pagkawala ng taong iyon ay nawala rin ang palangiti at masiyahing Brietta.
I thought na wala nang pag-asang bumalik ang dating kaibigan ko but fortunately, it happened.
It was all because of Denver.
Kaya hindi na ako tumutol sa mga pinaggagagawa niya para makuha lamang ang lalaki dahil nakikita ko namang masaya si Brietta. I could not afford to stop her from being happy.
Pero nothing changed! Three years already passed and still, the same scenario always flashes before my eyes. Isang Briettang nagkakandarapang maghabol at mag-effort sa isang Denver na palagi lamang tumatakbo palayo at binabalewala ang kaibigan ko.
Naiintindihan ko namang naiinis na rin siya kay Brietta for her wrong actions when it comes to pursuing him pero hindi naman niya kailangan ipahiya at murahin ang kaibigan ko sa harap ng maraming tao, saying that she's the worst person for doing such things to him. Eh kung susumahin mas masahol pa nga ang ugali niya kaysa Brietta! No one dare to curse at her dahil makarinig pa lang siya nang mura ay sinasapak na niya ang taong iyon. Siya lang talaga ang natagalan ni Brietta na taong nagmumura.
I already tried to stop her from her foolishness dahil hindi ko na kaya pang makita ang kasiyahan sa labi niya pero sakit naman ang mababanaag sa mga mata niya. Pero nawalan ako ng kibo sa isinagot niya sa akin.
"Love. Just let me fight for my lost love, Willona. Just please, let me," nakangiti niyang sagot sa akin.
Simula noon ay pinabayaan ko na lamang siya at binigay na lang ang suportang hinihingi niya, tutal naman at wala na talaga akong magagawa para baguhin pa ang isipan niya. Marahil sinasabi rin ng utak ko na bibigay rin si Denver sa kakulitan ni Brietta and they will achieve the happy ending that Brietta always has in her mind.
Pero nagunaw yata ang paniniwala kong iyon dahil sa iniusal niya sa akin. The probability of that "ending" happening is brought to zero and that's because of Forielle emerging into the picture. At natatakot ako sa pagiging involved ni Forie dahil ayaw kong dumating sa punto na kailangan kong mamili sa dalawa kong kaibigan. At paniguradong mahihirapan rin si Brietta kung anong relasyon ang isasalba niya, dahil hindi naman maiiwasan na may maisuko siyang isang tao dahil sa sitwasyon.
And I think I know who she would choose to give up.
Brietta's POV
Nang mahimasmasan ay inayos ko ang mukha ko at lumabas na ng CR. Mabuti na lamang at waterproof at makapal ang make-up ko sa may mata kaya hindi nahalatang galing ako sa pag-iyak.
Pero muling bumukal ang galit at sakit sa dibdib ko nang makita kong masayang nagtatawanan sina Denver at Forielle sa lamesa namin. The nerve of you, Mr. Valcore to smile at her amidst of my presence!
Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Willona sa braso para pakalmahin. Alam kong nakikita niya rin ang nakikita ko. Mabuti nalang at pinigilan niya ako kung hindi ay magkakagulo talaga dito sa party na ito!
![](https://img.wattpad.com/cover/150899124-288-k446360.jpg)
YOU ARE READING
Desperately Making Him Mine
RomanceLove enables a person to show his or her selfish side. No matter how self-sacrificing you are, the side of wanting someone to be yours will surface. Brietta Reneith Miralde is not an exception. The moment she laid her eyes on Denver Levian Valcore...