"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?" tanong ko sa kanya dahil nakatayo lamang siya sa may labas ng kotse.
"Use your own hands, woman. Hindi ako ipinanganak para magsilbi sa iyo," blangkong sagot ni Denver.
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba nalang dahil tiyak na hindi niya talaga gagawin ang iniuutos ko.
The heck with this man! Wala man lang siyang sinabi sa itsura ko gayong pinaghandaan ko ito ng sobra dahil nga makakasama ko siya ngayong gabi. Manhid ba talaga ito sa kagandahan ko o sadyang wala lang talaga itong pakialam sa akin?
Kinabit ko ang braso ko sa kanya nang bigla niyang binalikwas ang kamay ko.
"Don't touch me with your filthy hands, woman! Pinalagpas ko lang iyong nangyari kanina dahil may respeto pa rin ako sa ina mo at kay Kuya Brett. Stop ogling at me kung ayaw mong ipahiya kita dito sa party ninyo." pasigaw niyang bulong sa akin.
Binalewala ko naman ang sinabi niya at binalik ang kamay ko sa braso niya kaya napaigtad siya at binalak ulit na tanggalin ang braso nang magsalita ako.
"Subukan mo lang at talagang hindi mo magagamit ang pinakamamahal mong kotse sa loob ng isang buwan," banta ko sa kaniya na nagpalaki sa kanyang bughaw na mga mata.
"Remember this, Mr. Valcore. Kakampi ko ang pamilya mo at lalo naman ang pamilya ko, so you don't have any option but to answer to my demands. You might continue to disregard me pero alam mong sa huli ay sa akin pa rin ang bagsak mo," mataman lang siyang nakatingin sa akin kaya nagpatuloy ako, "so stop refusing me dahil hindi mo na talaga magagamit pa iyang kotse ko kapag tinopak na naman ako."
Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at hinila na lamang si Denver papasok ng venue. I salute the organizers and designers for the event. Black, gold, and silver were the motifs for the night. Dagdagan pa ng mga estudyante na napakaganda at napakagwapo sa mga suot nilang mga dress at tuxedo kaya mas lalong naging kabigha-bighani ang naturang lugar.
Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa dagat ng mga tao at masuwerte namang nakita ko si Willona sa may gitna, wearing a violet tube dress which complimented her fair skin. Kinuha ko ang atensyon niya sa pamamagitan ng isang kaway, pero imbes na siya lang ang makapansin ay napalingon rin ang iba sa akin.
Awe and admiration are evident on their faces as they looked at my direction. Ngunit hindi ko naman alam kung para sa akin ba ang paghangang iyon o kung para sa lalaking katabi ko na panghakot naman talaga ng atensyon ang napakaperpekto nitong mukha. Wala naman akong pakialam kung pagtinginan nila kami dahil hanggang sulyap lang naman sila at hindi nila ito maaaring hawakan sapagkat pag-aari ko na ang lalaking ito.
Or so I thought.
Lumapit kaming dalawa ni Denver kay Willona na halata ang pagkabigla pagkakita sa partner ko. Nabigla nalang ako ng hilain niya ako palayo kay Denver.
"Seriously, Brietta? How did you manage to make him as your escort for tonight?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin.
"Mahal niya ako eh," I said it with a smirk.
"Huwag mo nang lokohin sarili mo, Brietta dahil alam ko at alam mo rin na hindi totoo iyan," basag trip niyang sabi at tinawanan pa talaga ako. Napabuntong-hininga nalang ako.
"The truth is kinausap ko si Tita Levy para pilitin si Denver," amin ko sa kanya.
"I knew it. Baliw ka talaga," napatawa na naman si Willona. "But kidding aside, you look gorgeous, Brietta! Magkaibigan talaga tayong dalawa!"
I just rolled my eyes at her dahil sa pambobola niya, kahit naman alam ko sa sarili kong ang ganda ko. "Ikaw rin naman, you look fantastic in that dress."
YOU ARE READING
Desperately Making Him Mine
RomanceLove enables a person to show his or her selfish side. No matter how self-sacrificing you are, the side of wanting someone to be yours will surface. Brietta Reneith Miralde is not an exception. The moment she laid her eyes on Denver Levian Valcore...