Desperately 12

95 4 0
                                    

Hey! It's been three months since the last update and I hope you'll still continue to support this story until the end. I'm also promoting my one-shot story, Love After Death. Sana magustuhan niyo ❤❤

Brietta's POV

"Good morning, hubby!" maligaya kong bati sa lalaking kaharap ko ngayon na katatapos lang maligo.

"There's nothing good with the morning if I'll see you, woman," kunot-noong tugon ni Denver sa akin habang pinupunasan ang basang buhok. "And stop calling me hubby."

Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanda ng almusal. Even though I'm not a morning person, gumising talaga ako ng sobrang aga para paglutuan lang siya ng makakain.

It's been two days ever since the confrontation happened at the Valcore's mansion at ngayong Linggo magsisimula ang unang araw ng opisyal na pagsasama namin ni Denver. Gustuhin ko mang agad-agad nang magsimula noong Biyernes ay pinagbigyan ko na lamang ang kahilingan ni Tita Levi na hayaan muna ang anak niya para mahimasmasan. Wala naman akong magawa kung hindi ang pagbigyan ang manugang ko.

Manugang, huh? I smiled at the thought.

And that's how we arrived at our current scenario, starting our play, wherein I, alone is the only character.

"Ano na naman ang nasa isip mo at nakangiti ka nang ganyan?" iritadong tanong ni Denver sa akin.

Mas nilaparan ko pa ang pagngiti ko sa kanya habang iniiling-iling ang ulo, dahilan upang mas lumalim rin ang pagkakakunot ng kanyang noo.

"Kain ka na muna, hubby. Pinagluto kita ng bacon and egg. May toasted bread na rin dito at tsaka hot chocolate," sabi ko sabay ayos ng hapagkainan niya.

Malaking ngisi ang isinalubong ko sa kanya pagkaupo na pagkaupo ko pero parang tinapunan ako ng malamig na tubig sa ginawa niya.

He just threw the breakfast I prepared for him. Plate and all. Inside the garbage can.

"I said stop calling me hubby, woman. Hindi ka ba makaintindi? Akala ko ba matalino ka?" nanlamig ako sa tonong iginawad ni Denver sa akin. "Ano? Tuluyan ka na bang nabaliw sa mga pinaggagagawa mo?"

"P-Pero totoo naman, hindi ba? You're my husband and I'm your wife," sagot ko habang inililipat ang tingin sa kanya mula sa pagkaing itinapon niya lamang.

"Really?" he said with clear mockery in his voice. "Hindi ibig sabihin na nandito ako sa harap mo ay tinanggap ko na ang kapalaran ko. I'm just here dahil nirerespeto ko pa rin ang nanay ko at ang pamilya mo."

Napayuko ako sa sinabi ni Denver sa akin at dahan-dahang kinuyom ang mga kamay para matigil ang nagbabadyang panginginig ng mga ito.

"Don't degrade yourself further, woman. Mahiya ka naman sa sarili mo. O kahit man lang para sa pamilya mo," pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumunta siya sa kwarto niya.

Hinigpitan ko pa ang pagkuyom sa mga kamay ko sa inasal ni Denver. How dare he do this to me? To a Miralde? Hindi porket ako ang naghahabol sa kanya ay may karapatan na siyang gawin ang lahat ng ito sa akin. Anong tingin niya sa puso ko? Bato na hindi nakakaramdam at nasasaktan?

Napaangat ang tingin ko nang masilayan ko si Denver na palabas ng kwarto niya. Unti-unting nagtagpo ang mga kilay ko ng makita kong bihis na bihis ito at mukhang may lakad.

"Saan ka pupunta?" tanong ko na nagpalingon sa kanya.

"You really want to know?" he smirked at me.

"Oo. Kaya nga nagtatanong, hindi ba?" I answered with a blank look.

Oo. Gusto kong malaman. Gusto ko alam ko ang lahat tungkol sa iyo. Kahit alam ko na ang magiging sagot, gusto ko pa ring malaman.

Desperately Making Him MineWhere stories live. Discover now