Desperately 04

82 2 1
                                    

Denver's POV

"I don't want to be with that woman, Mom!" reklamo ko sa aking ina. Palagi nalang ganito ang nangyayari kapag involved ang babaeng iyon at nakakainis na!

"Pagbigyan mo na si Brietta, iho. She just wants to be with you for her school's acquaintance party. At tsaka minsan lang naman manghingi ng pabor ang batang iyon."

I scoffed from what I've heard from my mother.

"Minsan?! Araw-araw ba ang ibig sabihin sa kanya ng salitang minsan, Mom?" napasigaw nalang ako sa frustration na nararamdaman ko. "She keeps on pestering me every day and night of my life for the past three years. Ang mga oras lang yata na hindi niya ako ginugulo ay iyong mga panahon na tulog siya o kung hindi naman ay kapag nasa eskwelahan siya!"

I'm really thankful dahil hindi ko nakakasama sa isang campus ang babaeng iyon dahil ikakabaliw ko na talaga kapag nasa iisang lugar lang kami araw-araw. My school is my only escape from her grasp! But heck! She is still somehow able to pester me even in the grounds of my own school. Kadalasan ay nagpapadala pa siya ng lunch at snacks tuwing break sa pamamagitan ng driver niya. It's so embarrassing dahil talagang pinapabroadcast pa niya sa buong campus ang delivery ng mga pagkain niya kaya sobrang hiya ang nararamdaman ko dahil pinagtitinginan na ako ng iba pang mga estudyante!

"Pabayaan mo na, Denver. Mabait naman si Brietta-,"

"Mabait?! Iyong babaeng iyon, mabait? What did that woman feed you to talk such things about her? No part of her screams goodness!" putol ko sa ina ko. "Mom! She ruins my relationships with girls. May tumingin nga lang sa akin ay sinusugod na niya at inaaway. She's freaking obssessed with me! And my dates, good Lord. She sabotaged every single one of them. At ito pa, she also spread outrageous lies!" Nagugulat nalang talaga ako dahil may naririnig akong usap-usapan tungkol sa akin.

"May nakakahawang sakit daw ako! And I am trying my best to keep it from being known by others daw dahil ayaw kong nilalayuan ako ng mga tao. Iyon pala ang rason kung bakit ako hinihiwalayan ng mga naging girlfriend ko, ang mga kasinungalingan niya. She's one hell of a pathetic, scheming, and cunning woman, Mom! Delikado ang buhay ko sa kaniya!" litanya ko.

I confronted her once dahil hindi ko na nakayanan pa ang mga pangingialam niya sa mga relasyon ko.

"I just did it for you, Mr. Valcore dahil gusto ka lang ng mga babaeng iyon dahil sa angkin mong kagwapohan at kayamanan. Ni hindi ka nga nila matanggap dahil lang may sakit ka. I just saved you from being left by others na hindi kayang tanggapin ang buo mong katauhan kung sakali mang may sakit ka," balewela niyang sabi sa akin.

"That's the fucking point, woman! I am not sick! So stop with your fucking lies!" sigaw ko sa kaniya.

"You also stop with your profanities, Mr. Valcore. Hindi mo talaga naiintindihan ang punto ko," iling-iling niyang pahayag.

"Dahil hindi naman talaga maintindihan. You have a twisted mind, so only you can understand your own thinking and own doings."

"But don't worry, Mr. Valcore, nandirito pa naman ako," I just know that the conversation will end to this, "at hindi kita iiwan," and she ended it up with a smile like how she always did. And still it had the same effect on me.

Inis.

Galit.

"Well, she's smart, I can say that," napabalik ang tingin ko kay Mommy.

"Really, Mom? That's all you have to say?" kunot noo kong tanong sa kaniya. " Bakit ba parang botong-boto kayo sa babaeng iyan para sa akin. She's nowhere near to the standards of my desired girl."

Desperately Making Him MineWhere stories live. Discover now