Desperately 14

34 2 0
                                    

Brietta's POV

"Thank you, Forie! This dress is so cute!" sabi ko sa kaibigan ko habang nakatingin sa salamin.

"Walang anuman, Brietta. It's the least I can do for ruining your shirt," nakangiti niyang tugon sa akin.

"Okay na iyong sinamahan mo akong mamili. There's no need for you to pay for it, ang mahal pa naman nitong dress."

"It's really fine, Brietta," pagpupumilit niya pa sa akin.

Hindi ko na lang siya sinagot at patuloy nalang tinignan ang sarili sa salamin. In exchange for putting coffee on my shirt, na plinano ko naman simula pa nang makita ko sila sa mall, Forielle offered to pay for my outift. So to further satisfy my evilness, iyong may pagkamahal na damit iyong pinili ko. At least worth it iyong pagpunta ko dito, di ba?

"Sana iyon nalang pinili mo," sarkastikong tugon ni Denver habang nakaturo sa damit na nasa mannequin na nagkaka-halagang sampong libo.

"Ayaw ko namang malugi iyong kaibigan ko, Valcore," peke kong ngiti sa kanya. "Okay na tong tag-limang libo lang na dress."

Hindi na lang nagsalita pa si Denver. Siguro kung wala pa dito si Forie ay kanina niya pa ako sinigawan dito sa may counter.

"Levian, okay lang talaga," pang-aalalo ni Forie sa kasintahan. "At saka, limang libo lang naman iyon. May natitira pa naman sa baon ko from last week."

Naliliitan lang siya sa limang libo? Dapat pala iyong nasa mannequin nalang ang binili ko.

"Anyway, hindi pa ba kayo uuwi?" istorbo ko sa kanilang dalawa.

"It's only eleven in the morning, woman," kunot noong tugon ni Denver.

Alam kong alas onse pa lang, may relo ako.

"Huwag ka namang magalit, Valcore. Nagtatanong lang naman ako. I'm just wondering if I can invite you two for lunch?"

"May plano kaming dalawa ng girlfriend ko."

"Ganoon ba?" sabi ko habang dahan-dahang tinutungo ang ulo ko para magpaawa. "Wala kasi akong kasamang kumain. Mom and Dad are on a meeting tapos si Kuya ay busy doon sa ginagawa niyang paper."

Mas ginalingan ko pa ang pag-arte para makumbinse ang dalawa na isama ako sa lunch nila. Nilaro-laro ko ang aking mga daliri at patuloy pa rin sa pagtungo.

"Ayaw ko namang makaistorbo sa inyong dalawa. Sige, aalis na lang ako, bye," sabi ko sabay paskil ng malungkot at nanghihinayang na ngiti bago tumalikod.

Ilang lakad pa lamang ang nagagawa ko ay tinawag na ako ni Forie. Napangiti nalang ako nang masama sa sarili dahil tagumpay ang naging plano ko. Pero para hindi mahalata ay nagbingi-bingihan muna ako hanggang siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Brietta, sandali," sabi niya habang nakahawak sa siko ko.

"Forielle!" peke kong gulat. "Anong ginagawa mo?"

"Sabay na tayong kumain," inosente niyang sagot sa akin.

"Talaga?" arte ko pa. "Pero sabi ni Denver ay may plano kayo, hindi ba? Ayoko namang makigulo sa inyo," sabi ko habang nakatungo ang ulo.

"It's really fine, Brietta. At saka, huwag mo nang pansinin si Levian. Wala rin namang magagawa iyon," sabay tawa niya pa. Aba't talagang under pa iyong isang iyon sa kaibigan ko?

"Then, I'll take you on your offer, okay? Nagugutom na rin kasi ako."

Ako na ang humila kay Forielle pabalik sa kung nasaan nakatayo ang iritadong si Denver. Mabuti na lang talaga at hindi ikinabawas nang kagwapohan niya ang palaging pagkabusangot.

"So, dahil pumayag na rin naman si Forie, I don't see any reason for you to reject my proposal na?" panunudya ko sa kanya.

"You cunning witch," tiim-bagang niyang sagot sa akin.

"Levian!" suway ng kaibigan ko kay Denver. "Huwag mo na siyang pansinin, Brietta, okay? Let's just eat."

Naunang naglakad si Forie kaya nagkaroon ako ng tsansang lingunin si Denver. I grinned mockingly at him.

'Ano ka ngayon?' I mouthed at him.

Inaambahan niya akong susuntukin na ikinatawa ko na lamang nang tahimik. I know he wouldn't do it dahil ayaw niyang mapasama sa mata ng kanyang napakamamahal na girlfriend.

Sumunod na lang ako kay Forie na pumasok na sa isang mamahaling restaurant. Dito yata nila planong kumain simula pa kanina. I could have settled for a fastfood chain since palaging nalang high-end na kainan ang pinupuntahan namin nila Dad. Nakakasawa na minsan.

Well, dapat akong makisama sa kanilang dalawa para naman masagawa ko ang plano ko ngayon, which is ang sirain ang date nila.

"Here you go, baby," sabi ni Denver habang inaalalayan si Forie na umupo.

I scoffed at what I heard? Baby? Wala bang ibang endearment bukod diyan?

"Ako? Hindi mo ako ikukuha ng upuan, Mr. Valcore?" walang takot kong pahayag na ikinabigla naman ni Forie at mas ikinairita ni Denver.

I just laughed at their reactions. "Joke lang, eto naman hindi mabiro," natatawa ko pang sagot habang umuupo sa tabi ng kaibigan. Doon sana ako Denver tatabi pero baka mas lalong magduda si Forie kaya huwag nalang. It's too early to be caught.

Pekeng umubo si Forie, para na siguro mawala ang awkwardness. "So order na tayo?" sabay kuha ng menu.

Kukuha na rin sana ako ng isa nang makaramdam ng hapdi sa kamay matapos masagi ang menu.

"Aray!" bawi ko sa kamay ko na ikinalingon ng dalawa sa akin.

"Are you okay, Brietta?" alalang tanong ni Forie habang sinusubukang tignan ang kamay ko..

"Oo, okay lang ako. Don't worry," pangungumbinse ko pa. "Biro ko lang iyon, ang awkward kasi," sabay tawa ko pa habang itinatago ang kamay sa may bulsa ng damit.

"Brietta naman eh!" kunot noong sabi niya. "Akala ko ano nang nangyari sa iyo!"

"Sorry na, Forie," pilit na ngiting sabi ko. "Ano, punta muna akong restroom, okay? Ikaw nalang umorder para sa akin."

Hindi ko na inintay pang sumagot si Forie at pumunta na akong comfort room. Pagkapasok ko lang nilabas mula sa bulsa ang kanang kamay. Napangiwi nalang ako nang makita sobra ang pamumula nito na parang may pumalo nang napakalakas.

Napahilamos nalang ako nang maalala kung saan galing ang pasong iyon. Hindi naman ito sumakit pang muli kanina kaya nakalimutan ko na rin. Napalakas ata ang pagtama ng menu kaya sumakit nang kaunti.

"Wala pa naman akong ointment," napabuntong-hininga na lamang ako.

In-on ko nalang ang faucet at saka pinadaloy ang tubig sa palad ko. Mabuti na rin iyon kaysa walang gawin. Matagal-tagal ko ring binasa ang kamay ko hanggang sa humupa ang hapdi.

"Hindi naman siguro 'to sasakit kapag kumain na ako, hindi ba?" tanong ko sa sarili ko.

Nakatitig lang ako sa kanang kamay ko habang papalabas ng comfort room.

"Bakit ang tagal mo?"

Napalingon ako bigla nang may nagsalita sa likod ko.

"Denver?" gulat kong tanong nang makaharap kung sino ito. Anong ginagawa nito dito?

"Anong ginawa mo?" tanong niya pa.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit bigla kong itinago ang kamay ko sa likod pagkatapos niya akong tanungin. I could have shown him, right? Para naman makonsensya itong taong 'to.

"You know, girl thing," sabay ngiti para mas kumbinsido kahit alam kong pilit ang labas noon.

But he just kept staring at me at parang inaaninag ng titig niya ang nakatago kong kamay.

"Halika na? Hinihintay na tayo ni Forie. You don't want her having doubts, right?" pilit kong ginawang normal ang boses ko habang kinakausap siya ng palaro pero hindi siya sumagot.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Hindi ko na lang siya pinansin at nauna nang bumalik sa lamesa namin.

"Natagalan ka yata, Brietta?" tanong din ni Forie. Ganoon ba talaga ako katagal sa CR? Wala pa nga yatang limang minuto iyon.

"Girl thing lang," sagot ko nalang saka umupo na siya ring pagdating ni Denver.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin. Dahan-dahan ko namang inabot ang kutsara ko at lihim na napakagat-labi nang maramdaman ang hapdi sa kamay. Ang hinlalaki at hintuturo ko na lamang ang aking ginamit para hindi masyadong masagi ang paso ko kaya ang ending, para akong maarteng takot sa bacteria kung makahawak sa kutsara.

Nang makontento sa pagkakahawak ng kubyertos ay nagsimula na rin akong kumain ng inorder na beef steak with vegetable salad.

"Sayo na," bigay ko kay Forie ng vegetable salad.

"Brietta naman, kaya nga iyan iyong inorder ko para mapilit kitang kumain niyan. Bakit ba ayaw mong kumain ng gulay ha?" problemadong tanong ni Forie. Noon pa lang kasi ay nahihirapan na sila ni Will na pakainin ako ng gulay.

"Oh please, Forie. Hindi ako kambing para kumain ng damo," sabay irap ko.

Napabuntong hininga nalang si Forie sa tugon ko at kinuha nalang ang platito na naglalaman ng salad.

Masaya naman akong bumalik sa pagkain ng beef steak nang may naglagay ng hilaw na carrots at patatas sa plato ko. Handa na sana akong sigawan iyong pangahas na gumawa noon pero nabitin ang sasabihin ko nang makita si Denver na tahimik na dinagdagan ng patatas ang plato ko.

"Eat that at nang magkalaman ka naman," sabi niya sabay balik sa pagkain ng order niya.

Tulala pa rin akong nakatitig sa kanya, contemplating on why he's doing this. He's acting weird ever since that scene from the comfort room.

"Uy, Brietta," sabi ni Forie habang winawagayway ang kamay sa mukha ko.

"Ha?" wala sa sariling tugon ko.

"Ang sabi ko, kumain ka na," sagot niya pa.

Muli kong binaling ang tingin ko kay Denver na patuloy pa rin sa pagkain nang tahimik.

"Oo sige, sige," tulala ko pa ring sagot. "Pero ayaw ko ng carrots," saka nilagay ang carrots sa plato ni Forie na siyang ikinalingon ni Denver sa akin na nagpakaba sa akin.

"P-Pero kumakain naman ako ng patatas," sabay subo ng patatas. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako pero nakita ko si Denver na nakangiti nang kaunti habang ngumunguya.

But that's impossible, right? Bakit naman mangyayari iyon? Ngingiti siya dahil sa akin?

I mentally laughed. You're wishing for the impossible, Brietta Reneith.

Kahit nahihirapan sa paghawak ng kutsara ay pinilit ko pa ring kumain. Sayang rin naman iyong beef steak saka patatas.

Tahimik lang kaming kumakain ni Forie nang tumayo bigla si Denver.

"Saan ka, Levian?" tanong ng kaibigan ko sa kasintahan.

"May bibilhin lang. I'll be back," sabi niya saka hinalikan ang buhok ni Forie bago umalis. I just rolled my eyes in annoyance. Hindi man lang nagpaalam sa akin.

"So ano, sine tayo pagkatapos, Brietta?" alok ni Forie pagkatapos naming lumabas ng restaurant.

"Ano kasi, Forie. May lakad pa ako," pagsisinungaling ko sa kanya. Pagod na rin kasi akong sundan tong dalawa at magpeke ng ngiti.

"Saan ka naman pupunta?" walang emosyong tanong ni Denver na may dalang paper bag.

Bakit ba 'to tanong nang tanong? Dapat nga matuwa 'to dahil aalis na ako.

"Kasi date niyo 'to, hindi ba? You should enjoy the day," sagot ko.

"Hindi ka naman nakakaistorbo, Brietta. And you said 'di ba na wala kang kasama kaya samahan mo na muna kami. Sige na, please," pagpapacute ni Forie.

"Ano kasi," napakamot nalang ako sa batok ko dahil wala nang maisip na dahilan.

"Please?" at talagang nagpuppy eyes pa si Forie. "Please? Please? Please?"

"Oo na! Oo na, sige na!" suko ko dahil alam ko namang hindi ako tatantanan nito hanggang hindi ako napapa-oo.

"Yes! Hindi mo talaga ako matitiis!" ngiting-ngiting tugon niya. "Hintayin niyo muna ako dito ni Levian, okay? Bibili lang akong ticket."

"Bakit hindi ka kumontra?" tanong ko sa lalaking katabi ko. Hindi rin naman ako nagrereklamo dahil pabor sa akin na maiwan kasama siya.

"Let me see your hand," sagot ni Denver kahit hindi naman iyon ang sagot sa tanong ko.

Walang pag-aalinlangan kong inilahad ang kaliwa kong kamay.

"Not that. I mean your right hand."

Umusbong naman ang kaba sa puso ko sa tanong niya. Why is he asking for my other hand? May nakita ba siya kanina?

"I'm giving you my left hand, Valcore kaya huwag ka nang magreklamo," mataray kong tugon para pagtakpan ang kabang nararamdaman. Ayaw kong makita niya ang paso ko sa kamay. Nakakahiya.

"Brietta," nanghahamon niyang sabi.

"No," paninindigan ko naman. Baka kapag nakita niya ang paso ko ay malaman niyang hindi ako marunong magluto. Eh hindi na niya talaga kakainin ang mga lulutuin ko!

Marahas siyang napabuntong hininga at malakas na kinuha ang kanang kamay ko.

"Ano ba!" tinangka ko pang bawiin ang kamay ko pero huli na ang lahat, nakita na niya ang pulang-pula kong kamay.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at hindi ako sigurado pero may nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya. May kinuha siya mula sa paper bag na binili niya kanina at nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang ointment ang laman noon.

How did he know? Nakita ba niya noong kinuha ko ang menu? Kaya ba niya ako sinundan sa CR?

Halos sumabog ang puso ko sa nararamdaman habang marahan niyang nilalagyan ng ointment ang kamay ko. Hindi ko maintindihan pero alam ko sa sarili kong masaya ako. Masaya ako na ginagawa niya to sa akin.

Aasa na ba ako, Denver?

"Next time," panimula niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. I gulped when I saw how near our faces are. So near that I can clearly see his blue eyes.

"If you will cook again for me, then please," hindi nga ako nagkakamali, nakikita ko sa eskpresyon niya na nag-aalala siya para sa akin. "Alagaan mo naman ang sarili mo, Brietta."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Desperately Making Him MineWhere stories live. Discover now