Desperately 07

77 1 0
                                    

Forgive me for not being able to update yesterday. Tinamad lang hahaha. Anyway, enjoy this new chapter!

Willona's POV

"G-Guys, mauna na muna ako. Magkikita kasi kami ng pinsan ko ngayon," paalam ni Forielle sa amin.

"Edi umalis ka na," pabalang na sagot ni Brietta sa kanya.

It's been two weeks simula nang maganap ang mga pangyayari noong acquaintance party namin. Simula rin noong araw na iyon, napapansin ko na ang panlalamig ni Brietta kay Forie. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nakakairita rin naman kapag nahulog iyong lalaking sinisinta mo sa iba, and what's worse, sa kaibigan mo pa.

"Brietta, please. Huwag mo naman na akong kausapin nang ganyan," naluluhang sabi ni Forie.

She's really trying her best to reach out to our friend pero ito namang isang ito, hindi yata humuhupa ang nararamdamang selos at inis kay Forielle and maybe that's because of one thing.

Brietta seems to not see her as a friend anymore. She already sees Forielle as a threat. Isang banta sa relasyon nila ni Denver na kailangang mawala.

"Promise! Wala akong ginawa para maging ganoon ang trato ni Le-, I mean ni D-Denver sa akin noong gabing iyon," tuloy niya pa.

"That's it, you've literally done nothing but stand in front of the entrance wearing that blue gown and still, you managed to capture his attention," at tinaasan siya ng kilay ni Brietta, "na halatang gustong-gusto mo naman."

Sasagot pa sana si Forielle nang pinutol siya ni Brietta.

"Huwag mo nang ipagkaila. Kitang-kita ko ang lahat ng mga pangyayari. At hindi naman siguro nagsisinungaling ang mga mata, hindi ba?"

Napatungo naman bigla si Forielle na parang nagi-guilty.

Don't hang your head down, Forie. Huwag mong bigyan nang rason si Brietta na mapatunayan ang mga binibintang niya sa iyo. Don't give her evidences na nagtatraydor ka nga sa kaniya, na nahuhulog ka nga kay Denver.

Tahimik lamang akong nakatayo sa gilid habang nakikinig sa kanila. I don't want to butt in dahil problema naman nila itong dalawa. I also don't want to pick sides dahil pareho ko silang kaibigan.

They should clear their misunderstandings themselves para bumalik na ulit ang dating turingan at pagsasamahan nila.

"N-No, Brietta. What you've seen is all a misunderstanding. Natutuwa lang akong makipagkuwentuhan sa kaniya. Iyon lang iyon, Brietta. Nothing more, so please," pagsusumamo ni Forielle.

"Kung ganoon then give an assurance for the second time, my dear friend," at tinitigan ng mariin ni Brietta ang kaibigan.

"Gusto mo ba si Denver?"

Biglang naglikot ang mga mata ni Forielle at hindi na makatingin nang diretso kay Brietta.

Good God, this is bad. Really bad.

"W-Wala, Brietta," nakatungong sagot niya.

"Then good to hear that," malamig na saad ni Brietta pagkatapos ay bumaling sa akin. "Hindi muna ako sasabay sa iyong umuwi, Will. Kailangan kong magpalamig ng ulo."

Yumakap at bumeso siya sa akin bilang pamamaalam. Pagkatapos ay bumaling naman siya kay Forie na binigyan niya lamang ng isang tipid na tango tsaka umalis ng room namin.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Forielle pagkalabas ni Brietta.

"Ang lalim naman 'non," biro ko tsaka lumapit sa kinatatayuan niya.

"Will," namula naman ang mga mata niya senyales na malapit na siyang umiyak. "Si Brietta, hindi na kami friends. Ayaw na niya sa akin," parang bata niyang sumbong sa akin.

Desperately Making Him MineWhere stories live. Discover now