"I'm finally grabbing that chance. And unlike what I did that night, hindi na kita pakakawalan, Brietta."
Tulala lang akong nakatitig kay Marden habang sinasambit niya ang mga katagang iyon.
Did I just receive a confession from him?
"Masyadong na yatang matagal ang pagkakatulala mo, Brietta? Ngayon lang ba may nagtapat sa'yo?" tanong niya.
So it really was a confession? No! Hindi pwede! Masasaktan lang siya for my heart only belongs to Denver Levian Valcore.
"Ano kasi," pauna kong salita. Ugh! Bakit ba ang hirap magsalita bigla? I mentally slapped myself para gumising na ako sa pagkakatulala.
"You know what? I don't want to spoil our reunion so let's just forget what I said, okay?" pang-aalo niya sa akin.
Nagtagpo naman ang mga kilay ko sa narinig. Like the heck? Paano ko naman iyon makakalimutan? I am not a robot that can delete its emotions and memories in mere seconds.
"Uy," sabi ni Marden saka sunod-sunod na tinusok ang pisngi ko kaya tinakwil ko iyong kamay niya sa pagkairita.
"Ano bang problema mo ha?" salubong ang kilay kong tugon sa kaniya. "You just came out of nowhere, confessed to me, and now asking me to forget what you've just said? Are you crazy?"
"I'm crazy for you," ngisi niya na sinamahan pa nang kindat.
I scoffed from his gestures. Kung kanina ay hiya ang nararamdaman ko, ngayon naman ay parang pipitik na ang ulo ko sa inis sa pinaggagawa ng lalaking nasa harap ko.
"Seryoso ako, Marden kaya huwag mong pinag-iinit iyong dugo ko."
"Seryoso rin naman ako, Brietta."
Aba't paano ko naman paniniwalaan iyong sinasabi niya kung may malaking ngisi na nakapaskil sa pagmumukha niya? Ang labas ay parang tinatarantado lang ako ng taong ito.
Nginitian ko nalang siya as a sign of dismissal dahil baka mas lalong masira ang araw ko kung papatulan ko pa siya.
"You know what, Marden? I need to go. It was nice meeting you again, by the way," kahit binibwiset mo ako.
"Okay, Brietta," nakangiti pa rin siya. "I want to accompany you but I still have to arrange some papers so maybe next time?"
Wala nang next time. "Of course. Sige aalis na ako," paalam ko sa kaniya.
"Goodbye, Brietta. See you soon."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglabas ng condo.
"Now what I should I do?" tanong ko sa sarili ko. May plano naman akong gawin pero tila nawalang parang bula ang lahat ng iyon dahil kay Marden.
After a while, I smirked to myself when I thought of something naughty to do.
Bwiset na rin naman ako, bakit hindi nalang ako mangdamay ng iba, 'di ba?
Pumunta ako sa parking lot ng building para sana hanapin ang kotse ni Denver and as expected, wala nga ito. Gagamitin ko pa sana itong transportation since marunong naman ako magdrive. Maybe I should have thought of a better place to hide the keys para hindi ito makaalis ng basta basta.
Well, may pera naman ako para pambayad ng sasakyan so no worries. I looked at my phone and opened an app which can detect a person's location. Pagkatapos malaman kung nasaan siya ay pumara na ako ng taxi.
"Saan po tayo, miss?" tanong ng driver pagkapasok ko.
I smiled. "Mall lang. Pupuntahan ko lang iyong asawa ko kasama iyong kabit niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/150899124-288-k446360.jpg)
YOU ARE READING
Desperately Making Him Mine
RomantikLove enables a person to show his or her selfish side. No matter how self-sacrificing you are, the side of wanting someone to be yours will surface. Brietta Reneith Miralde is not an exception. The moment she laid her eyes on Denver Levian Valcore...