REASON 7: To be An Inspiration of Femininity

11.7K 475 22
                                    

Facebook Page to read #10RTLW for free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•

and in Facebook Group: MARPLE DAME Stories.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

"OH? May lakad ka? Nakapang-bihis ka 'ata." Tanong ni Aling Aurora nang makapasok nang tuluyan sa bahay matapos mag-dinner sa labas kasama ang dalawang anak at si Rose.

"H-Huh? W-Wala po." Pilit na ngiti ni Avery sabay pasimpleng tiningnan ang mahinang pagsara ng pinto sa kwarto niya.

"Wow! Ganda damit natin ngayon 'ah!" Umikot si Rose sa kaniya sabay puna at dama sa damit. "Ganda ng tela..." Napalula ito sa tag na nakita sa may zipper. "C-Chanel?! Authentic Chanel to?!"

"Mahal 'yan 'ah." Komento ng ate niya na naglapag ng plastic bag sa mesa na lama'y mga sobrang pagkain. "I saw that in a magazine." As a former beauty queen, Avery's sister is fan of the up-to-date with fashion trends. "Nirampa 'yan sa isang fashion show."

Nagulat si Avery. 'ANAK NG--- Totoo?!' "O-Oh? T-Talaga?"

"Binili mo?" Tanong ng ina niya na umupo sa sofa at hinihilot ang paa.

"M-May nagbigay." Pilit na ngiti niya.

"Ate? May bisita ka?" Nakatingin sa labas ng bintana si Andro.

"H-Huh? Wa-Wala." Pinagpapawisan siya ng todo kaya kinuha niya ang twalya na nakasampay sa upuan at nagpunas sa leeg at noo.

"Eh, kaninong mamahaling sasakyan 'tong nakaparada sa may gate natin? Audi 'to." Puna ni Andro.

"A-Ano... s-sa kapitbahay siguro?" Panay niyang tingin sa kwarto niya sa second floor.

"Okay ka lang, Ava?" Tanong ni Andrea na kanina pa nahahalatang balisa ang kapatid.

"Uh-huh." Parang asong tango niya. "'D-Di pa ba kayo matutulog, Ma?"

"Busog pa kami, bes." Hinimas pa ng maskuladong bakla ang tiyan nito.

"I-I see." Ngumiti siya at umakyat sa hagdan. "M-Matutulog na po ako! G-Good night!"

Salubong ang kilay ni Andrea na nilingon si Rose na halata ring naguguluhan sa inasal ni Ava.

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋  

MAINGAT na sinara ni Avery ang pinto nang makapasok sa kwarto at dinikit ang noo doon sabay hinga ng malalim. "Hoo... okay--- " Paglingon niya'y sakto namang pinulot ni Isaac ang isang underwear niya na may Spongebob Squarepants print sa sahig. "Ano ba?!" Hablot niya sa damit-panloob mula sa daliri ni Isaac. "P-puwede ba?" Mahinang boses niyang itong pinandilatan.

Nilibot ng paningin ni Isaac ang paligid. "Your room is small."

"Pasensiya na po, mahal na hari. 'Di kami mayaman." Dinikit niya ang tainga sa pintuan baka may papa-akyat. Dadaan pa naman sa harapan ng kwarto niya si Andrea at ang ina niya para makapunta sa kani-kanilang kwarto.

"What now?" Tanong ni Isaac na hinubad ang coat at sinampay sa upuan ni Avery,

"Shhh!" Babala niya rito. "Y-You stay here until they go to sleep."

10 Reasons To Lose WeightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon