#10RTLW Spin-off: Rosauro x Chesca

11K 548 147
                                    

Facebook Page to read #10RTLW for free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•

and in Facebook Group: MARPLE DAME Stories.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

WARNING: SPG AHEAD

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

"Jet... Jet."

Naalimpungatan si Rosauro (Rose) sa boses ng kaniyang lola na kumakatok sa pinto ng kwarto niya. "Lola..." Ungol niya. "Nag-be-beauty rest ako." Hinila pa niya pataas ang malambot na blanket hanggang sa panga niya.

Naiinis itong pumasok sa kwarot niya. "Jet!"

"What?!" Tumayong paupo si Rosauro sa kama niya na suot lang ang pulang mushroom-printed shorts niya.

Nameywang ang lola niya. "Your voice, young man!"

Tumikhim si Rose. "Good morning, Lola." Mahinahon at pilit niyang ngiting sabi.

"What did I tell you about eating together as a family? Breakfast is ready. Come down." At lumabas rin ito.

Humiga uli si Rose sa kama at pumikit.

Name: Rosauro Jeth Barrios-Loyzaga

Age: 25 years old

Sex: Female (Preferred)

His grandmother is a disciplinarian. Principal ang lola niya sa isang all-girls academy kaya medyo strikta ito sa manners/etiquette. Alas-7 ng umaga ay gising na sila lahat dapat sa bahay. Nakabihis, naka-toothbrush at nakasuklay tsaka sabay-sabay na mag-agahan.

Tumayo si Rose at lumapit sa closet niya. Binuksan niya iyon  at kumuha ng pink w/ teddy bear print na tshirt, tsaka nag-suklay ng maayos sa buhok.

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋   

Pagpasok niya sa kusina, nakita niyang nakaupo na sa kabisera ng lamesa ang lola niya (Luzviminda), sa kaliwa nito'y ang unang ate niya (Alexa), katabi ang pangalawa (Bianche). Nasa kanan naman ng lola niya ang pangatlong ate (Catherine) na katabi ang pang-apat na ate niya (Devron).

"Good morning." Bati ni Rose (Panglima at bunso sa magkakapatid/nag-iisang lalakeng-- binabae) at umupo sa upuang kaharap ang lola niya.

"Good morning." Sabay na sagot nila.

Kumuha si Rose ng baso at nilapag sa tabi ng plato niya nang  magsalita ang matanda. "Jet, you need to cushion your pinky finger underneath the glass so it won't make a sound when you put it down. I've been telling you that every morning." Saad ng lola niyang naka-pusod ang puro puting buhok nito at naka-cat-eye eyeglasses na mas nakadagdag sa pagiging strikta nito.

"I'm sorry, Lola." Kikay na sabi ni Rose.

Masaya naman sila kahit medyo controlling ang lola nila. Nilingon niya ang mga babaeng kapatid. Alexa is a reporter na gabi-gabing mapapanood sa isang TV News program. Bianche owns a salon with few branches already. Catherine is a prima ballerina and at the same time a ballet instructor while Devron collects dolls which doll collectors all-over the world spend millions of buying.

10 Reasons To Lose WeightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon