#10RTLY Reason 2: Her Lips 💋

8.4K 366 59
                                    

'Your lips are my persuasion, your love will be my cure.' - Billy Squier  (from the song: You Know What I Like)

Facebook Group to read #10RTLY for free (even with no data): MARPLE DAME Stories.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

Habang sakay sa kotse papuntang opisina, inalala ni Isaac ang sinabi ni Avery kanina.

"You'll fall inlove with me again. I promise!"

Kinagat ni Isaac ang ibabang labi para itago sana ang ngiti pero 'di talaga niya mapigilan ang pagsilay niyon. Pa-simpleng tinakpan niya ang bibig.

Lihim ding ngumiti si Albert na nagmamaneho nang makita ang mukha ng amo. Sa loob ng halos dalawang linggo niyang paninilbihan rito, 'di niya halos ito makitang ngumiti. Iba talaga kamandag ni Teacher Avery.

Tumingin si Isaac sa labas ng bintana habang dumadaan sila sa isang overpass. Parang kailan lang, desidido siyang lumayo kay Avery dahil sa paglala ng episodes niya. But after his accident, Avery words earlier gave off a genuine sense of healing. As if the tangled strings of his memories are slowly mending into straight line.

He decided to open his heart to her a little. Maybe she'll guide him to recover his lost memories.

Pero pinagsisihan niya iyon matapos ang ilang linggo.

"Isaac!" Malapad ang ngiti na sigaw ni Avery nang mag-salubong sila sa company isang araw.

Avery's been shouting his name a lot...

"Isaac!" Avery calls his attention when he happens to pass-by the canteen.

...to the point that it embarrasses him.

"Isaac!" Narinig na sigaw ni Isaac nang lumabas siya sa elevator kasama si Cheska. Hindi na siya dapat lumingon para malaman sino ang tumatawag sa kaniya. Sinapo nalang niya ang noo para itago ang pamumula. Napatawa nalang si Cheska na siyang kumaway kay Avery.

And it's been almost two weeks of Avery has been like that. Wala itong pakialam kung may tao o wala.

Isang araw, binagalan ni Isaac ang paglalakad sa stoned pathway na papunta sana sa factory.

Nahalata iyon ni Chesca. "Okay lang kayo, Sir?" Baling nito patalikod sa kaniya.

Huminto si Isaac. "Dadaan tayo sa fountain 'di ba?"

Tumango si Chesca. "Opo. Bakit?"

Shit! May photoshoot doon si Avery. "Sa ibang daan nalang tayo"

Pero huli na ng may pamilyar na boses na naman ang sumigaw. "ISAAC!"

Nakapameywang nalang siya at napabuga nang hangin pataas. Nahilot niya ng de-oras ang batok. Not again.

Avery runs towards them with a wide-smile on her lips. "Hi!" Her eyes on Isaac.

"Wow! Ang ganda mo po! Hindi na kailangan ng make-up!" Puri ni Chesca sabay dinama ng pisngi. "Pero 'di ba may photoshoot kayo?"

Namula itong ngumisi. "Oo. Greek Gods/Goddesses kasi ang theme ngayon ng Mega Magazine. Greeks are known to be naturally beautiful with their signature dark lipstick." She pouts to let Chesca see her very dark shade of red lips.

10 Reasons To Lose WeightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon