Facebook Page to read #10RTLW for free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•
and in Facebook Group: MARPLE DAME Stories.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐
Enjoy!
🐖🐖🐖🐖🐖🐖🐖🐖🐖🐖
PUNO ang mansion ng mga Miller buong linggo sa mga nakikiramay. Famous politicians, celebrities and big names are there to pay their respects on the late Elijah Miller's ashes.
Isaac, on the other hand, has been recluse by staying at his room despite people looking for him to relay their sympathies. Nagkagulo rin nung nakaraang araw dahil may reporter ang iligal na pumasok sa mansion at pilit kumuha ng litrato sa pribadong pagtitipon.
The next thing everyone knew, binalita nalang sa TV na naging major stockholder si Isaac ng mismong TV Station kung saan naka-empleyo ang naturang reporter at tinanggal ito sa trabaho.
Kasalukuyang nakatayo si Avery sa balkonahe ng ikalawang palapag at nakatingin sa malawak na hardin habang kausap ang pamilya sa cellphone.
📱Andro: "Ate! Ate! Pwede ba kaming makiramay diyan?"
Tiningnan ni Avery ang iilang kotse na nagsisidatingan. Narinig niya ang boses ng ina niya sa kabilang linya.
📱Aling Aurora: "Hoy, Andro! Tumigil ka bata ka! Di masayang pagtitipon ang pupuntahan na'tin."
"Puwede naman siguro kayong pumunta rito, Ma. Kilala naman kayo ni Isaac." Umupo siya sa balustre. "Bisitahin niyo na rin ako."
📱Andro: "Tingnan mo 'ma! Pwede! So ate, pwedeng maka-selfie kay Isaac? Ang yaman pala----"
Umiling si Avery. "'Wag muna, Andro. Magbigay tayo ng respeto na sa nawalan. Isa pa, wala sa kalagayang ngumiti ni Isaac ngayon.
Narinig niyang inagaw ng Ate Andrea niya ang cp mula kay Andro.
📱Andrea: "Ava, okay lang ba siya?"
"Hindi ate, eh. 'Di ko pa nga siya nakakausap ng matagal kasi mas gusto nitong mapag-isa. Pinabayaan ko muna. Kung pwede ko lang sigawan ang mga abogadong pumupunta rito para i-discuss raw ang transition of power and authority sa kaniya bilang bagong CEO, matagal ko nang ginawa. Di nila nilulubayan si Isaac."
She then heard Andro shouts in the background.
📱Andro: "Wow! Girlfriend lang ang peg, ate ah!"
"Ate... tuli-in mo nga uli 'yang si Andro."
📱Andrea: "Ibababa ko muna tawag ko, Ava. Sasamahan muna naming magsimba si Mama."
"Ingat kayo." Ini-off niya rin ang cellphone. Pumasok siya sa bahay at nakitang kaka-akyat lang ni Jinkie dala ang isang tray. "Merienda ni Isaac?"
"Opo, Miss Avery." Lahad nito sa tray na may orange juice at strawberry cookies na may raisins sa tuktok.
"Ito na naman? Kaka-serve lang natin nito sa kaniya kaninang umaga 'ah?"
Nagkibit-balikat si Jinkie. "Request niya po 'eh."
Naalala ni Avery ang cookie na binigay niya rito sa Batangas na sana ay para kay Liam kung di lang siya pinigilan ni Helga kasi nga raw may allergy ang idolo sa raisins.
BINABASA MO ANG
10 Reasons To Lose Weight
Romance"You're pretty." Isaac told her while she's crying and eating two slices of pizza. Napatigil si Avery at napatitig sa kaharap. Isaac is Liam's manager. Liam is the Nation's Idol. Avery is Liam's bestfriend and soon-to-be-girlfriend(?). In the world...