"Rii, Rii gusto kita! Paglaki natin pakasalan mo ako ha!" sabi ng batang babae sa panaginip ko
"Oo naman . . . Gusto din kita e. Papakasalan kita" sagot naman ng batang lalaki binangit niya ang pangalan ng batang babae ngunit hindi ito malinaw sakin.
"Celine! Gising na we have to prepare we have to go back in the Philippines." sigaw ni mommy sa labas ng pinto ko.
Yes wala kami sa Pinas dahil may business meeting sila, nasaktohan naman na may Fashion Show din dito ako sa US.
Kaya nagsabay sabay na kami. Pero mas mabilis natapos yung akin kesa sa kanila. Mine only took 3 days, yung kanila took almost 2 months.
Kaya madami akong free time. Wala pa din namang show sa Pinas kaya okay lang.
After billion years ago, charot hours lang naman. Nakalapag na kami ng Pinas.
"Tita, Tito, Celine!" sigaw ng lalaki at agad kong nakitang si Gab pala ito
Agad naman akong sinalubong ng yakap ni Gab at sinabing namiss daw niya ako. I said I miss him too.
Agad ko namang tinanong kung nasan si Adriel. Agad naman itong sumimangot
"Bakit ba laging siya ang hinahanap mo?" he asked
"Eh kase siya yung laging wala." then I laughed at napailing na lang siya sa sinabi ko
"Tita, Tito at ikaw. Tara na po" aya niya sa amin
"Kayo talagang dalawa para kayong aso at pusa. Kahit nung mga bata kayo ganyang ganyan kayo mag-away" saad ng aking ina
"Mom, hindi kaya kami nag-aaway. Diba Gab?" tatawa tawa kong saad habang nakatingin kay Gab
Napailing na lang si Gab, at sinakay na ang mga gamit namin sa sasakyan namin. Oo, sasakyan namin.
Laging si Gab ang sumusundo samin simula ng mag katrabaho kaming lahat. At as usual sa harap ako nakaupo, sa pasenger seat para na din makapag pahinga sina mommy at daddy sa likod.
Mahahalata mo naman sa kanila ang pagod, lalo na kay dad kanina pang walang imik.
"Nga pala Celine, kelan ka mag start sa work ulit?" basag ni Gab sa katahimikan.
"Kahit nasang lupalop ako, kelangan kong magtrabaho" buntong hininga kong sagot sa kaniya
"Grabeng lalim naman ng buntong hininga na yon." tatawa tawa niyang sabi saken
"Mas masarap mag-aral kesa magtrabaho. Minsan gusto ko na lang mag aral ulit."
At humagalpak ito ng tawa.
"Bakit?" Inosente kong tanong
"Wala lang. Mas masarap mag trabaho. Nakita ka na ng pera at nakakabili ka ng mga gusto mo" saad nito at focus na focus ito sa pag mamaneho
"Sabagay." sumang ayon na lang ako para hindi kami magtalo at napapagod ako.
"Matulog ka na muna. Halatang pagod ka" sita sakin ni Gab
"Okay. Thanks Gab" hinilig ko na ang ulo ko sa nay bintana, sinuot ko na ang shades at earphone ko at pumikit na.
Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Bumangon ako at inayos ko na muna ang sarili ko bago lumabas at bumaba.
Pagkababa ko ay nakita ko pa si Gab at binati ko ulit ito.
"Oh gising ka na agad, kakababa ko lang sayo ah?" tanong agad niya ng mapansin ako
"Yeah, okay na ako. Thank you Gab!" Sabi ko at umupo agad sa sofa dahil feeling ko nanlalambot pa ako.
Tumawa ito. Napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lover's Paradise 1: I Am His
RomanceCeline Lopez is a famous model. She fell inlove with Adriel Santamaria her childhood sweetheart. "She was my everything, but something change our feelings. No let me correct that something change her. That thing changes everything, us. Will she eve...