*Adriel's POV*
Nagpapaalaman na na kami ng humigpit ang kapit sa akin ni Celine maya maya pa ay nawalan na ito ng malay. Bago pa ito bumagsak ay nasalo ko na ito.
"Celine!" pare parehong sigaw namin
Hindi na ako nag atubiling isugod siya sa ospital. Sa kotse ni Gab kami sumakay dahil baka hindi ko kayaning mag drive sa nakita kong nangyari sa asawa ko.
*****
Nandito kami sa harap ng emergency room nag iintay ng resulta. Umiiyak na ang mommy ni Celine at hindi na din kami mapalagay lahat."Sino pong kamag-anak ni Celine Santamaria?" tawag pansin sa amin ng doctor
"Asawa po ako doc" saad ko pero lumapit din silang lahat
"Wala po tayong dapat ipag-alala. Ligtas po si Celine wala po siyang sakit" mahabang paliwanag ng doctor
"Bakit nahimatay ang asawa ko kung wala siyang sakit" napalakas na ang boses ko, hinagod naman ni mama ang likod pada kumalma ako
"Relax Mr. Santamaria. I want to congratulate you. Your wife is 3 weeks pregnant" saad nito
Napapalkpak naman ang mga magulang namin. Ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yon.
"Nasa private room na po siya. Pwede niyo na po siyang puntahan. Mamaya ding hapon ay maaari na siyang lumabas." paalam ng doctor at ngumiti na lang ito
"Doc! Pasensya na po kanina!" sigaw ko at tumango na lang ito
Nagmadali kaming pumunta sa room ng asawa ko. Nang makadating kami ay tulog pa ito. Agad akong umupo sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito.
Magtatanghali na pero tulog pa din si Celine. Pinabook ko na lang ulit kay Gab yung ticket namin. Kinausap ko naman ang OB ng asawa ko kung safe pa bang magtravel si Celine. Wala naman daw itong nakitang problema. Pwede naman daw at to make sure daw make it safer by taking care of her.
*Celine's POV*
Nagising ako sa loob ng isang puting kwarto.
"Love gising kana" yakap agad sa akin ni Adriel
"Ang baby ko may baby na" saad ni mom
Napatingin ako sa asawa ko.
"Buntis ako?" tanong ko agad naman itong tumango.
Napangiti na lang ako.
********
Halos walong buwan na kaming mag asawa ni Adriel. Sa Baguio na kami nakatira ngayon, sa LP. Pinag merge na din ang kompanya namin at kompanya nila. Gab's helping him.Every friday siya pumupunta sa main office at minsan pumupunta sya sa mga meetings and conference. Kaya minsan nandun ako sa dalawa kong kaibigan. Dahil si Selena ay nag aalaga din ng anak niya. But now my circle of friends became bigger.
Madami na akong nakilala na mga kaibigan din nila na naging kaibigan ko din. Yung CEO nitong LP, basta lahat. Napag-alaman ko din na kaibigan din sila nina Adriel at Gabriel.
Katulad na lang ngayon. Friday ng gabi pauwi pa lang si love from Manila. Narinig ko na ang busina nito. Kaya lumabas na ako para salubungin ito. Dahan dahan lang dahil kabuwanan ko na ngayon.
"Love. Sabi naman sayo hindi mo na ako kailangang salubungin mamaya mapaanak ka ng wala sa oras. Pero thank you. Alam mo naman na ikaw lang nakakapag alis ng pagod ko" mahabang lintanya nito
Napahalakhak na lang ako sa tinuran nito. Naglakad na kami papasok hanggan sa makarating kami sa kusina. Naghain na ako para sa aming dalawa. Nakaluto na din ako nung sinabi niyang after 1 hour nandito na siya sa bahay.
Nang matapos kami ay hinugasan ko na ang pinag kainan namin. Pero hindi na ako mapakali dahil ang sakit na ng tyan ko kanina pa.
Nang makaakyat ako ay hindi na ako nag atubiling maglinis pa dahil masakit talaga. Kambal please. Ano bang meron? Nasabi ko bang kambal din ang dinadala ko? Kung hindi ayan kambal sila.Humiga agad ako. Bigla namang lumabas si Adriel sa banyo at kakatapos lang nitong maglinis ng kanyang katawan. Hindi ko ipinahalata na may masakit sa akin.
Maya maya pa ay may bumusina, sanhi ng kanyang pagbaba para tingnan kung sino ang nasa labas.
Ang sakit na talaga ng tyan ko sa hindi ko malamang dahilan."Yow sis-in-law!" bati ni Gab. Hindi ko din pinahalata na may masakit sa akin. Si Gab pala yung dumating.
Tinanguan ko lang ito. Si Adriel naman hindi pa nabalik. Sinasarado pa siguro nito ang mga pinto sa baba.
"Bakit naman pawis na pawis ka?" tanong nito at lumapit sa aircon
"Wala, naiinitan lang siguro ako. Wait lang naiihi ako. Dyan ka lang aayusin ko yung kwarto mo pagkatapos ko" saad ko at tumayo.
Kakapasok lang ni Adriel at nasa tapat pa lang ako ng pinto ng banyo ay naramdaman ko na nabasa ang sahig.
"Love? I think my water bag has broke" saad ko dito
Nataranta naman yung dalawa.
"Will you two calm down? Gab can you please get the babies things on their room? And can please ready our car?" saad ko dali dali naman itong tumango
"Love alalayan mo na ako para makababa tayo" saad ko at wala sa sarili itong sumunod
Hahawakan pa lang niya ako ay bigla nang sumakit ang tyan ko kaya nataranta ito at binuhat na ako.
****
Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng matiwasay sa hospital ng LP. Nandito na ako sa delivery room ngayon.*Adriel's POV*
Nasa loob na kami ng delivery room. Binilinan ko si Gab na tawagan ang mga magulang namin pati na ang kay Celine.
"Misis on three hingang malalim tapos push po. Naintindihan po?" tango na lang ang naisagot ng asawa ko siguro ay dahil sa sakit.
Tulad ng sabi ng doctor niya ay ginawa naman niya ito. Mga ilang push pa ay lumabas na ang una naming anak."Its a healthy baby boy!" sigaw ng doctor at narinig na namin ang iyak nito
"May isa pa po. Ganon lang po ulit" saad ng doctor
Ilang push lang ay lumabas na ulit ang isa pa. Narinig na namin ang iyak nito.
"Its a healthy baby girl!" saad ng doctor.
Binigay naman sa asawa ko ang mga anak namin. Dahil maganda daw na maramdaman nila ang init ng ina nila. Nagpapicture kami.
Maya maya pa ay kinuha na nila ito upang bihisan. Nakatulog naman si Celine siguro dahil sa pagod.
Welcome to outside world my children. Clyde Alastair at Corinne Amethyst.
Me and your mom loves the both of you.
****
*Celine's POV*Nagising ako dahil sa ingay nila. nakita ko si Adriel at si Gab na buhat ang kambal at pinapakita sa mga tao sa paligid namin.
Nandito na din sina mom at dad pati na ang mga magulang nila.
Masasabi kong kumpleto at masaya ang buhay ko, with him and our children by my side. Wala na akong mahihiling pa. Kasama ko ang mga magulang ko ang grandparents ko, ang bestfriend ko, ang mga kaibigan ko, si God, ang mga anak namin at ang asawa ko. No matter what happen makalimot man ulit ako. I am his and he is mine.
Celine Lopez Santamaria is signing off
Author's Note : No book 2 but Selena's story will be posted soon.
Special Chapter/s soon.
BINABASA MO ANG
Lover's Paradise 1: I Am His
RomantikCeline Lopez is a famous model. She fell inlove with Adriel Santamaria her childhood sweetheart. "She was my everything, but something change our feelings. No let me correct that something change her. That thing changes everything, us. Will she eve...