*Celine's POV*
Kinabukasan pagkatapos ng party I just spend my whole day with my family. Namiss ko sila eh.
Nag foodtrip kami sa bahay, nag movie marathon, nag swimming kasama namin ang mga kasambahay namin.
That night din, kinailangan ko din umalis hindi na ako pwedeng magtagal pa. Baka kulitin lang ako nina Gab.
Nagpaalaman na kami nina dad. Ang gusto pa nga nila ihatid ako, kaso tumangi ako dahil natatakot ako na baka nandiyan lang sina Gab.
Kaya tumawag na lang kami ng masasakyan papuntang terminal ng bus at doon ako sasakay papubta ulit ng Baguio, since naiwan ang kotse ko doon, dahil na din sa sinundo ako nina Topher.
Tinawagan ko din si Topher na aalis na muna ulit ako. Sinabi din naman niya na susunduin na lang daw niya ulit ako kapag may project na ulit.
Bumili na ako ng ticket at heto na pasakay na ako ng bus. Pinili kong upuan ay malapit sa may bintana ang ibang mga damit ko naman ay nandon sa lagayan ng mga gamit sa gilid ng bus.
Syempre naka disguise ako, mahirap na baka may makakilala saken dito. Matunton pa ako. Mapurnada pa ang pagtatago ko.
After so many hours again ay nakarating na ako ng Baguio ulit. I just have to take a cab again para makabalik sa Lover's Paradise.
Since madaling araw pa lang, inaasahan ko na wala pang gasinong tao, wala pa ding tao sa reception area. Baka mga tulog pa.
Kaya napag desisyunan ko na pumunta na sa cabin ko. Inilapag ko na muna ang mga gamit ko. Mamaya ko na lang aayusin. Nahiga ako sa kama at nagbakasakaling makakatulog ako.
Ngunit sadyang hindi ako dinalaw ng antok malapit ng mag 4 am. Kaya napag pasyahan kong lumabas muna at mag gala gala.
Nag dala ako ng jacket. Dahil medyo malamig sa lugar na to at isa pa madaling araw pa lang.
May nakita akong isang lugar na kitang kita mo ang mga bituin. Napaka ganda nilibot ko ang paningin dito.
May nakita akong isang karatula na may nakasulat na "Promise Place" at naka lagay sa parang description ay kung sinong kasama mo na pumunta dito at may pinangako kayo sa isa't isa ay matutupad ito. Siya na din daw ang makakasama mo habang buhay.
May nakita akong duyan, naupo ako doon. Ilang saglit pa ay muntik na akong mapasigaw sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.
"Ang ganda ng mga bituin, no?" saad ni Gab.
Oo si Gab ang kasama ko sa mga oras na to.
"Bakit nandito ka?" tanong ko agad sa kanya.
"Sorry Celine sa nangyari nung Fashion Day mo. Nandito ako para sa isang business meeting bukas kakadating ko lang kanina" paliwanag niya
"Okay lang Gab. Nag over react lang siguro ako. May tama naman ang mga sinabi mo. Alam ko man o hindi, alam kong may importanteng dahilan si Adriel kaya niya nagawa yon. Naiintindihan ko. Titigil na ako" sagot ko sa kanya habang nakatingin pa din sa mga bituin. Titigil na nga ba talaga ako ng pagmamahal kay Adriel.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Ngunit hindi ito nagtagal ay binasag din niya ulit ito.
"Paano mo nga pala nalaman ang lugar na ito?" tanong niya
"Alin itong Promise Place o itong Lover's Paradise?" tanong ko ulit
Umupo na ito sa tabi ko at sumagot
"Pareho" maikling sagot niya
"Itong Lover's Paradise nakita ko lang sa internet, tas itong Promise Place wala naglakad lakad lang ako" paliwanag ko at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya
BINABASA MO ANG
Lover's Paradise 1: I Am His
RomanceCeline Lopez is a famous model. She fell inlove with Adriel Santamaria her childhood sweetheart. "She was my everything, but something change our feelings. No let me correct that something change her. That thing changes everything, us. Will she eve...