Chapter 10 - The Wedding

26 0 0
                                    

It's been a month since the proposal. Ayos na pala lahat ng sa wedding namin.  Inayos niya na matagal na panahon na.  Yung sa simbahan na lang ang inintay namin. 

Kaya itong araw na to ang araw ng kasal namin.  Oo tama kayo ng basa.  Kasal na namin ngayon. 

Nasabi ko bang yung company na pinagmomodelan ko ay sa amim pala. I mean sina lolo at lola ang namamahala non hanggang ngayon.

Napaka sama ko na makalimutan ko sila. The day of the proposal O saw them, and said how sorry I am for forgetting them. But they just said its fine and then hug me. 
"Oh bakit tulala ang bride?" saad ng tatlong babaeng kakapasok pa lang sa room ng bride. 

"Wala naman. May naisip lang ako" saad ko sa mga ito

"We are so happy for you, our friend" saad ni Belle

Ngumiti ako sa mga ito. Niyakap naman nila akong tatlo.

"I am so glad for you" saad ni Selena

"Mag-iiyakan pa ba tayo? Papaiyakin pa ba natin ang bride? Lagot tayo kay Sir Ri" saad naman ni Wynter na ikinatawa namin

Ngunit natigil ang tawanan namin ng may pumasok naman.

"Hello girls, can I borrow my sister-in-law?" saad ni Gab

Nginitian ako ng tatlo bago lumabas. Kaya tumayo ako to face Gab. 

He hugged me

"Congrats. I know my twin brother. He will do anything for the both of you. Lalo na sayo. Take care of each other. Matagal niyong hinintay ang pagkakataong ito." mahabang saad niya

"Ooops tama na pala. Baka umiyak ka.  Masapak ako non. Oo nga pala here pinapabigay niya" dagdag niya. Kaya naman bago pa tumulo ang luha ko ay napatawa agad ako. Inabot naman nito sa akin ang isang paper bag.

Isa itong kwintas na may nakalagay na Queen sa loob ng infinity. Basta ganon siya. Sinuot naman ito ni Gab sa akin.

Hindi namin namalayan na nasa loob na din pala sina mom at dad. Bigla na lang itong nagsalita na hihiramin ako. Agad namang nagpaalam at sinabing "See you later" tumango na lang ako sa tinuran nito.

"Anak we are so happy for you my princess" saad ni dad

"Oh oh. Dad don't make our princess cry. It's her day" saad ni mom at lumapit sa amin ni dad at niyaka kami

"Later you'll be your special someone's queen" saad ulit ni dad

Kaya naman hinampas na ito ni mom ng tuluyan. Natawa na lang ako sa kanila ni mom. Naputol lang ito ng finally tinawag na kami ng wedding coordinator namin na kailangan na naming umalis papunta sa church.

Nang makarating na kami ay hinanap agad ng mata ko ang aking groom. But soon as I arrived the wedding started immediately. Siguro ay nasa harap na ito ng altar at iniintay ako.

Nang wala ng tao sa labas at sinundo na ako ng wedding coordinator sa kotse at pumwesto na harap ng pinto. Sina mom at dad ay nasa gitna at doon ako susunduin para ihatid sa magiging asawa ko.

Nang marating ko ang kinaroroonan nina dad at mom ay agad akong napatingin sa harap ng altar.  Nakita ko doon Si Gab kasama si Adriel at mga magulang nito. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid ko. Diretso lang kaming nakatingin sa isa't isa.

Nang marating na namin ang kinaroroonan ni Adriel ay agad akong humarap sa magulang ko at niyakap ito at nagmano. Ganon din ang ginawa niya sa magulang niya. Nagmano na din ako sa magulang niya at siya naman sa magulang ko.  Nang iabot na ni dad ang kamay ko sa kanya ay agad akong napaluha at napangiti. 

Lover's Paradise 1: I Am HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon