Chapter 9 - Surprises

26 0 0
                                    

Mag iisang buwan na simula nung bumalik yung alaala ko. But dito pa din ako nananatili sa Baguio dahil dito ko gusto sinabi din naman nina mom na dito naman daw kami sadya tumitigil noon ni Adrii pero magkahiwalay na kwarto kami dati.

Ngayon kasi sa iisang kwarto na lang kami. Bakante na din yung cabin ko. Kinuha ko na ang mga damit ko. Kung meron man kasi hotel room lang talaga ang kinukuha nila.

Dating gawi, nandito ko sa may reception iniintay mag out sina Selena. Well, Selena's tummy is now big. Hindi naman sobrang laki. Pero kapag tiningnan mo, malalaman mong buntis ito. Its three months now going four.

"Babae? Ano dyan ka na ba?" mataray na saad ni Belle

"Taray mo po! Teka lang" saad ko habang inayos na ang mga gamit ko.

"Ito naman. May period ka na naman!" saad ni Wynter

"Hindi naman. Kanina ko pa kasi siya tinatawag pero parang nasa kawalan anh isip niya" mahabang paliwanag nito.

"Oh my gosh! Wag mong sabihin na iniisip mo yung nag ano kayo ni sir Adriel?" excited na saad ni Selena

"Oh my Gosh!" sabay na saad naman nina Wyntet at Belle

"No! Mga baliw. Hindi pa namin yun ginagawa!" sigaw ko naman sa mga ito

"Bakit ka namumula?" panunukso ni Selena

"Hala tigilan niyo . . . " hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nawala ang ilaw

"Oh my gosh!" sigaw nung tatlo

"Nasan kayo?" tanong ko sa mga ito

"Bakit hindi kayo nasagot. Bakit hindi ko kayo mahagilap ng kamay ko?" saad ko ulit ngunit hindi pa din nasagot ang mga ito

"Huwag niyo naman akong lokohin. Sumagot kaya kayo!" sigaw ko na pero hindi pa din sila nasagot

Kinapa kapa ko na lang ang nilalakadan ko upang bumalik sa kinauupuan ko. Pero maya maya pa ay bumukas ang ilaw.

Nakita ko sina mom at dad, ang manager ko, si lolo at lola na nakalimutan ko din, si Gab at ang mga magulang nito. Pati na yung tatlo.

Madami pa akong nakita na mga lalaki pero hindi ko ito mga kilala. Nandon din ang iilang mga staff ng LP. Hinahanap ng mata ko ang nag iisang lalaki na gusto kong makita pero hindi ko ito makita.

Maya maya pa ay humawi ang mga staff at lumabas ang hinahanap ng mga mata ko. Ngumiti ito sa akin. Naglakad ito palapit sa akin. Hindi ako makakilos.

Sabay ng palapit nga sa akin ay ang pagtugtog ng This I Promise You.

"Hi love." Bati nito ng makalapit ito sa akin.

Napatawa na lang ako. Ngunit bigla agad itong lumuhod.

"Love? Ayoko nang mawalay ka ulit sa tabi ko. Gusto kitang protektahan sa tabi ko." hindi nito natuloy ang mga sasabihin pa.

"Kambal! Akala ko ba wala ng drama, bilisan mo malalate ako sa flight ko!" sigaw ng kambal niya
Nagtawanan namang ang mga tao.

"Fine!" sagot nito saka humarap ulit sakin habang nakaluhod pa

"Love, I want to spend the rest of my life with you. Will you marry me?" tanong nit

"Yes love I will" sagot ko habang umiiyak

Kaya naman pagkasuot niya ng singsing ay tumayo ito upang akapin ako.

"Bakit yakap lang?" sigaw ng mga tao

Natawa kaming pareho. Kaya naman hiniwalay niya ako sa kanya at saka hinalikan. Saka palang naghiyawan ang mga tao.

Lover's Paradise 1: I Am HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon