Chapter 6 - A Good News

22 3 0
                                    

Isang linggo na simula ng makaalis si Gab. My days went normal. Gala dito gala doon.

Medyo nakakabisado ko na nga ang lugar na ito. Si Gab nagtatanong kung pwede ba daw manligaw simula din ng araw na umalis siya laging may pabulaklak sa labas ng pinto ko o di kaya naman ay may magdedeliver habang nakain kami.

Tanghali ngayon at nakaupo lang kami ngayon sa damuhan, ako lang pala dahil yung tatlo mga nakahiga, nang tumunog ang cellphone ko.

"Yow! Topher! I miss you!" sagot ko agad sa tawag napabalikwas sila ng bangon

"Gaga!" sigaw agad niya

Yung tatlo naman hindi magkamayaw sa pagdikit ng mga tenga nila sa cellphone ko. Kaya ni-loud speaker ko na

"Ano ngang problema mo?" tanong ko

"May project ka ulit. Photoshoot for the month of October. Lumuwas ka ng Maynila. Babaeng to!" sigaw niya padin

"Highblood mo te! Kailan ba ako uuwi?" sigaw ko din

"Next week. Tatlong araw yon" sagit niya pa din ng nakasigaw

"Gaga ansakit sa tenga" sigaw ko

"Basta nex week umuwi ka. Monday dapat andito ka na. Dahil Tuesday ang start ng photoshoot mo." paliwanag niya. Normal na ang lakas ng boses niya

"Okay. Bye!" hindi ko na inantay na sumagot pa dahil magsesermon pa yon.

"Bakla?" si Belle

"Yep, manager ko" sabay ng sagot ko ay ang pagtunog ng cellphone ko pahiwatig na may nag message.

*Bastos mo te! Sesermonan pa sana kita! Basta umuwi ka na lang sa MONDAY!* text ni Topher

Di na ako nagreply masusundan pa ang mga text niyan. Wala din ako sa mood itext siya

"Ayy aalis ka ulit?" tanong ni Selena sa malungkot na boses

"Isang linggo lang naman yon" sabi ko at niyakap si Selena

"Alam mo Selena, kung hindi ka tinagusan nung isang araw iisipin ko na buntis ka" sabi ni Belle

"At si Celine ang pinaglilihian mo" segunda naman ni Wynter

"Oo nga. Parang ang takaw takaw mo ngayon." singit ko din

"Tapos yung mga gusto mong pagkain dati ayaw mong kainin" si Belle ulit

"Buntis ka ba?" tatawa tawang tanong ni Wynter

Tunahimik ito sandali na parang nalungkot at saka ito tumango.

Lahat kami ay nanlaki ang mata at nabigla sa naging sagot niya

"Gaga! Wag mo kaming biruin ng ganyan" sigaw ni Belle

"Ano ba Selena? Hindi magandang biro yan ha" natatarantang sigaw ni Wynter

"Sinong ama?" wala sa sariling tanong ko

Lahat sila napatingin sakin at parang sinasabing mali ang tanong ko. Pero sinagot naman ito ni Selena

"Yung lalaking mahal ko na kailangan ng ex niya" sagot nito at tumungo ulit na parang nahihiya

Nang makabawi sina Belle at Wynter na hindi nga ito nagbibiro ay niyakap na nila ito, hinila naman ako ni Wynter

"Okay lang yan Selena. Andito kaming tatlo para gumabay sa inyo ng bata" saad ni Wynter

"Teka! Eh may dugo ka nung isang araw diba?" Sigaw na naman ni Belle

"Oo. Nag-spotting daw medyo nastress pero okay na naman ang bata" sagot nito

Lover's Paradise 1: I Am HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon