Chapter 8 - Love

21 1 0
                                    

Pinilit kong maalala ang nangyari kagabi. Suddenly memories flashing again in my mind.

Napaiyak ako sa mga naalala ko. Lumabas ako, tumakbo ako papuntang Promise Place. Doon ko nilabas lahat ng lungkot na nadarama ko.

Kinalma ko ang aking sarili tinawagan ko ulit si Gab

"Hello?" sagot nito

"Gab? Si Adriel nasan?" tanong ko

"I think by now he's on his way back here?" nalungkot ako sa sinagot nito

"Okay. Pasensya sa na to disturb you" paalam ko, nagpaalam din ito at sinabing okay lang  pagkatapos ay binaba na ang tawag.

Malapit nang gumabi. Dilim na nang magpasya ako na maglakd lakad. Nakakita ako ng service papunta doon sa subdivision nila Selena.

Nakita ko ang bahay sa panaginip ko na bahay ni Adriel. Bumaba ako kahit na alam kong wala siya dito.

Pumasok ako sa gate dahil bukas naman ito, nakapasscode lang ang pinto nito. Alam ko ang code kaya agad ko itong tinipa.

Agad na bumukas ito at pumasok ako. Napaiyak ako dahil nakita ko ang picture naming dalawa na magkasama sa Promise Place.

Naglibot ako hanggang sa itaas. May iba akong mga damit dito. Yung kama naming dalawa na hindi namin pwedeng tulugan noon, dahil ayaw pa ng magulang namin.

Narinig kong tumunog ang pinto  sa baba. Natakot ako dahil sabi ni Gab na pabalik na ito ng Manila. Sinong papasok sa bahay nya gayong wala naman siya dito.

Dahan dahan akong bumaba. Sumilip muna ako, there I saw the man who makes my heart beats faster, nakaupo sa sofa pero yung ulo nya ay nakasandal sa sandalan at nakapikit ang mata.

Dahan dahan akong bumaba, hanggang sa makarating ako sa tapat niya.

"Love?" tawag ko rito

Nagmulat ito ng mata at napatayo

"Celine? Paano ka nakapunta dito?" biglang tanong niya

"Love?" humagulhol na ako ng iyak

"Love? Naaalala mo na?" tanong niya

Tumango lang ako at niyakap ko ito. Sinalubong din ako nito ng mahigpit na yakap. Ramdam kong umiiyak din ito.

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako. Damang dama ko sa halik na yon kung gano niya ako namiss, kung gano niya ako kamahal.

Naghiwalay lamang ang mga labi ng pareho kaming kapusin ng hininga. Nang makabawi ako ay bigla akong humiwalay sa kanya.

Kitang kita naman sa mukha nito ang pagtataka.

"Sabi mo mahal mo lang ako bilang kapatid!" maktol ko rito

Humagalpak naman ito ng tawa

"I just said that so you would stop. At ginawa ko lamang ang inutos sakin ng doctor mo" sagot nito at hinila na lang ako nito palapit sa kanya at saka niyakap

"Effective naman, mas lalong napadali ang pagbalik ng alaala mo" saad ulit nito

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw.

"Love?" tawag ko dito

"Hmm?" sagot nito

"Pwede mo ba akong ihatid sa cabin ko?" tanong ko

Inalis nya ang yakap namin at iniharap ako sa kanya

"Why? I mean you can sleep here" sagot nito

Lover's Paradise 1: I Am HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon