4: The Kiss

175 8 1
                                    

Hindi ko alam kung paanong naka-tagal pa ako ng dalawang oras sa loob ng van na yun. Bukod sa ang boring kasi ang tahimik, umiinit na rin ang pwet ko kakaupo. Kaimbyerna.

"Tsk"

Napa-tsk ako ng wala sa oras. Agad naman silang napatingin sa akin kaya napairap ako.

"Don't mind me" sabi ko.

Kung na-a-awkwardan sila sa isa't-isa pwede bang wag nilang ipahalata? Myghad! Napaghahalataang bitter sa isa't-isa eh.

Maya-maya naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito para makita kung sino ang tumatawag.

Diana, my secretary is calling me.

"What is it?" Tanong ko.

(Eh ma'am kasi po, may problema)

Napataas ang kilay ko sa narinig.

"And so? Bakit ako yung tinatawagan mo? Nasan si daddy? I told you he'll take care of everything while I'm away"

(Ma'am sabi po kasi ni sir na pag may problema po, kayo daw po yung tawagan)

Napaayos ako ng upo sa sinabi ni Diana.

"At bakit? Nasan ba si daddy?!"

Napalakas ang boses ko kasi bigla akong nakaramdam ng inis.

(Nag-out of town po sila ni Madam)

"Excuse me?! Anong out of town ang pinagsasasabi mo diyan?"

(Eh maam yun po yung sinabi ni sir eh. Aalis daw sila ni madam para mag out of town. Pag may problema daw po sa kompanya kayo daw po yung tawagan ko)

Napairap ako sa inis.

"Ano bang problema yan?!"

(May isang investor po kasing pumunta dito at hinahanap kayo. Sinabi ko pong mawawala kayo ng tatlong araw biglang nagreklamo. Bakit daw po nagagawa niyong magbakasyon at I cancel ang board meeting ngayong araw.)

Muli akong napairap.

"Ano bang pakialam niya? Buhay niya ba to? Sabihin mo magbakasyon rin siya kung naiinggit siya sa akin. At sinong investor ba yan ha?"

(Si Mr. Gomez po)

"Hah! Ang kapal ng mukhang mag reklamo. Akala mo naman kung gano kalaki ang share niya. Tsk. Nandiyan pa ba siya?"

(Opo ma'am. Panay sigaw po siya dito at pinapagalitan ang mga empleyado)

"Tss. Sabihin mong wag siyang magpapakita sa akin sa oras na makabalik ako. At sabihin mong i-pull out niya ang share niya ngayon din! Kapal ng mukha. At pwede ba Diana, I am on a trip! Wag ka nang tatawag ulit kung may problema. Si daddy ang tawagan mo!"

Inis kong tinapon ang cellphone ko sa dashboard ng kotse.

Grabe lang! Ayaw man lang akong pagbakasyunin mula sa stress!

And ghad. I can't believe my parents! Ngayon pa naisipang mag bakasyon kung kailan wala rin ako! Nakakainis eh!

Nag cross arms ako habang nakakunot ang noo na nakatingin ng diretso sa daan.

"Init ng ulo Nixx ah?"

Napatingin naman ako sa rearview mirror nang marinig kong magsalita si Caesar.

"Mukha bang gusto kitang makausap?" Tanong ko sa kanya kaya bigla siyang natahimik.

Inirapan ko siya bago ibinalik ang tingin sa daan.

The FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon