20: The First Quarell

113 3 1
                                    

Quarter to 11 na ng makarating kami sa villa. Bahagya pang nagulat si Ivan at Trixzie kung bakit nauna kaming dalawa.

"Ahh ayaw kasing maghintay ni Nixx dun kaya nauna na lang kami" sabi ni Jaxon kaya napa-tss ako nang pabulong pero mukhang narinig ata nila dahil bigla silang tumingin sa akin.

"A-ahahaha. Ganun ba. Sige pasok muna kayo. Magpapahanda ako nang meryenda sa katulong" sabi ni Trixzie at pinapasok kami.

Si Ivan naman ang nagpasok nang maleta sa maggiging kwarto namin.

"Saan nga pala si Ivanna?" Tanong ko. "Oh. Kakatulog niya lang kasi eh. Nasa kwarto siya. Do you want to see her?" Tanong ni Trixzie.

Agad naman akong umiling.

"No no. Mamaya na lang siguro pag gising niya" sabi ko.

Maya maya lang ay dumating na yung meryenda naming biko at mango shake.

"Iwan ko na muna kayo ah? May inaasikaso pa kasi kami eh" sabi ni Trixzie at agad na lumabas.

"Champagne Monixx"

Napatigil ako sa pagsubo nang tawagin ako ni Jaxon sa buo kong pangalan.

Taas kilay ko siyang tinignan. Ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay agad na siyang nagsalita.

"Let's talk. Now" matalim ang tingin sa akin na sabi niya.

"You're not my boss" sabi ko kaya umigting ang panga niya.

"You're really trying me" pikon niyang sabi.

"Am I?" Kunwari kong tanong.

Inis siyang napapikit na para bang pinipigilan ang sariling sigawan ako.

Dhuh.

"Damn" rinig kong bulong niya.

"Ikaw ang may kasalanan dito Champagne ba't ikaw pa ang nagmamatigas?" Galit niyang tanong pero mahinahon parin ang boses.

Agad namang napantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Ako. Ang. May. Kasalanan?" Tanong ko saka sarkastikong natawa.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Jaxon Floiyd?" Bahagya pa siyang nagulat nang tawagin ko siya sa buo niyang pangalan.

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ako ang may kasalanan? Talaga lang ah?" Sabi ko saka tumayo at naglakad paalis dun.

"Hindi pa tayo tapos mag usap!"

"Kausapin mo sarili mo" sabi ko saka umakyat sa ikalawang palapag para magpahinga.

Pagkarating ko sa kwarto padabog kong kinuha ang maleta ko at inilagay sa tabi nang dating kama ko.

Maya maya lang din ay nagsidatingan na  ang iba pa naming mga kaklase kaya naman umingay na ang buong villa.

"Hi Nixx kanina pa ba kayo dito?" Energetic na tanong ni Kween. "30 minutes before you arrived" sagot ko kaya napatango siya.

"Ay kakain na raw pala nang lunch. Halika na" sabi niya at hinila na ako palabas nang kwarto.

Pagdating namin sa dining room ay dalawa na lang ang bakante. Isa sa tabi ni Aida at isa sa tabi ni Jaxon.

Agad namang kumulo ang dugo ko nang makitang nasa kaliwa lang ni Jaxon si Kimberly.

Agad ko namang tinulak sa tabi si Kween nang akmang uupo siya sa tabi ni Aida.

Kaya wala na siyang nagawa nang makaupo na ako sa tabi ni Aida.

Tumikhim naman si Ivan saka nagdasal.

The FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon