11: The Reason

129 4 0
                                    

"Floiyd"

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako ng matagal.

"Cmon Floiyd. What is it?" Tanong ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay lumapit siya sa akin. He cupped both of my cheeks. Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko.

"I'm sorry" sabi niya kaya bahagyang kumunot ang noo ko. "What?" Naguguluhan kong tanong.

"I'm sorry. Hindi ko alam na may ganung nangyari" seryosong sabi niya.

Hindi ako sumagot at tinignan lang siya.

"I should have known. Hindi ko alam na nangyari sayo yun. Kaya pala bigla ka na lang nawala five years ago. No one bothered to tell me kung ano ba talagang nangyari" sabi niya kaya napangiti ako.

"Don't be sorry. Im glad that you didn't know what happened." Sabi ko sa kanya.

"You should be thankful. Hindi ako papayag sa deal na to kung may alam ka sa nangyari" dagdag ko pa.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita. "Im here if you need a friend" sabi niya kaya tumango ako.

"Pasok na tayo?" Aya niya sa akin pero umiling lang ako.

"Hindi ako makakatulog sa nangyari. I want to relax" sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at bahagyang ginulo ang buhok ko kaya tinignan ko siya ng masama na ikinatawa niya.

"Come. I know a place" sabi niya at hinila ako.

Dinala niya ako sa right wing ng villa. Nilampasan namin ang playground at naglakad pa ng ilang metro bago kami nakakita ng isang rattan na duyan.

Umupo siya dun bago ako hinila paupo sa tabi niya.

Napahinga ako ng malalim at tinignan ang bilog na buwan.

Masyadong masakit lahat ng nangyari 5 years ago. It haunts me every night when I go to sleep.

Sumisikip ang dibdib ko tuwing naaalala ko lahat ng yun. Yes. Sobrang tagal na nga nun at dapat ng kalimutan. But the pain. It's still here, buried at the bottom of my heart.

Labag man sa kalooban ko pero kaibigan parin ang turing ko sa kanilang lahat kahit na sinaktan at nagsinungaling sila sa akin.

Napatingin ako kay Floiyd ng maramdaman kong hinihimas niya ang kanan kong braso. Nakatingin lang siya sa kalangitan habang ginagawa niya yun.

"The pain" sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Is it still there?" Tanong niya at humarap sa akin.

Dahan-dahan akong tumango bago muling ibinalik ang tingin sa kalangitan.

"Nixx, you have me now" sabi niya kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

"We both know that all of this is just part of our deal" sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Kahit na! Im your boyfriend now Nixx" sabi niya kaya napailing na lang ako. "Don't mind me. Im fine. Dapat mas bigyan mo ng pansin ang pag move on mo jan sa hindi mo kagandahang ex" sabi ko.

Napatingin ako sa kanya ng maramdaman kong tumigil siya sa paghimas sa braso ko.

Bahagyang nakatagilid ang ulo niya habang naka kunot ang noo na nakatingin sa akin.

"Ano na naman?" Tanong ko sa kanya. "You just mentioned my ex" sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.

"Kasama sa conditions na bawal siyang pag-usapan" sabi niya. "I know. But, dahil nandito na. Let's just talk about her. Sulitin mo na. It's your last night talking about her" sabi ko at sumandal sa duyan.

Narinig ko siyang nag buntong hininga. "What do you want to know about her?" Tanong niya.

Sandali akong nag-isip bago nagsalita. "Paanong nagkakilala kayo? We are three years older from her" sabi ko.

"Nakilala ko siya nung pinakilala sa akin ng isang barkada ko yung girlfriend niya na kaibigan ni Kimberly. Dun nag umpisa yun. Nung mapansin yun ng kaibigan ko, gumawa sila ng paraan ng girlfriend niya para mapalapit kaming dalawa" sabi niya kaya napatango tango ako.

"Di rin nag tagal, naging kami rin. I love her and she loves me. Everything is so perfect" dagdag niya.

"If everything is perfect then why did you two broke up?" Tanong ko.

"That's when I realized na there's no such things like perfect relationship. Habang kami, unti-unting lumalabas ang totoong pag-uugali ni Kimberly." Sabi niya kaya napangisi ako.

"I know right. Ang two-faced kaya nun" sabi ko at nag cross arms pa. "So what kind of attitude does she have?" Tanong ko.

"Madalas uminit ang ulo niya. Laging galit. Spoiled brat. Sadista rin siya. Minsan nga pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko dahil sa mga pasa ko sa braso. Lagi niya akong kinukurot oh di kaya sinasapak" sabi niya kaya napanganga ako.

"What?! Tapos wala ka man lang ginawa para tumigil siya sa pananakit?" Tanong ko. Umiling siya. "Wala. Mahal ko eh" sabi niya kaya napairap ako. "Tsk. Idiot" sabi ko na lang.

"Nung minsang nahuli ko siyang may kasamang lalaki, I confronted her kung kaano-ano niya yun, imbes na sagutin ang tanong ko ay sinapak niya ako. She even asked me who am I to ask her. Nag sorry ako, kasi nga mahal ko siya. Pero hindi niya ako pinansin, I swallowed my pride and kneel infront of her----"

"T-teka. Lumuhod ka sa harapan niya?!" Gulat kong tanong. Mapait siyang ngumiti bago tumango.

"Sa public place?" Tanong ko pa. "Mall" sabi niya kaya napanganga ako. "And then?! Anong ginawa niya?" Tanong ko saka kinagat ang labi ko sa sobrang inis kay Kimberly.

"Iniwan niya ako dun. Tapos hinila niya yung kasama niyang lalaki" sabi niya pa kaya inambaan ko siyang sasapakin.

"Your ex-girlfriend is a psychopath. So anong nangyari pagkatapos nun?" Tanong ko.

"Three weeks pa siyang hindi nagparamdam sa akin. And I decided to end our relationship. Alam ko namang wala nang patutunguhan yun" sabi niya.

"Mabuti naman at naisipan mong gawin yun! Myghad. I can't believe it. Nananakit pala ang babaeng yun. Akala ko simpleng bitchesa lang siya eh. Well don't worry. I'm your girlfriend now" sabi ko pa kaya natawa siya.

Inirapan ko lang siya. "Anyways, where's your phone?" Tanong ko at inilahad ang palad ko sa harap niya.

Inabot niya yung cellphone sa bulsa niya saka inabot saakin to.

"Pin?" Tanong ko. "Uhm, anniversary namin ni Kimberly" sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya at inirapan siya.

Alam ko yung anniversary nila, kasi kasabayan lang namin sila ni Jeydon! Naku.

Una kong pinalitan ang pin niya ng combination ng birthday naming dalawa. 2-2-3-0. November 14 and 16.

Agad akong nainis ng makitang picture pa nilang dalawa ni Kimberly ang wallpaper. "Paanong makakalimutan eh wallpaper mo pa? Hay nako" sabi ko.

"Sorry. I forgot to change it" sabi niya kaya napa-tss na lang ako.

Agad akong nagpunta sa gallery niya at napanganga ng makita ang 1,375 na pictures nilang dalawa. Dinelete ko ng walang pag-aalinlangan.

Nakasilip lang si Floiyd sa ginagawa ko. Muli niyang hinimas ang braso ko.

Nagpunta naman ako sa messages at agad na binura ang conversation nila ni Kimberly.

Pagkatapos nun ay ni-block ko siya sa contacts at agad na binura ang number niya.

"Oh ayan. Wala ng toxic sa phone mo" sabi ko at binalik sa kanya ang cellphone niya.

Nginitian niya ako bago kinuha saakin ang phone niya.

"Now" sabi niya kaya napataas ang kilay ko. "Ano?" Tanong ko.

"I clearly told you not to bite your lips ayt?" Sabi niya kaya bigla akong napaisip.

Kailan ba yun?

Agad akong napatingin sa kanya ng maalala ko yun. Bigla siyang ngumisi bago nagsalita.

"Now you just tempted the hell out of me" he said and kiss me.

The FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon