7: The Christening

150 5 0
                                    

"Hey Nixx. Gumising kana. We need to prepare"

Mas lalo ko lang ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng mga kaklase ko.

"Nixx cmon, get up now"

No. Kailangan kong matulog kahit mga 10 minutes lang.

"Hey Nixx. Ikaw na lang yung nakahiga---"

"DAMN IT!" Sigaw ko at bigla akong napaupo sa sobrang inis.

Tsk.

Biglang tumahimik ang buong kwarto at nakatingin sa akin ang mga kasama ko na parang nababaliw na ako.

Inirapan ko sila at muling nahiga.

"I'll prepare after you're all done" sabi ko nang nakapikit kaya nagsibalikan na sila sa mga ginagawa nila.

Buong magdamag akong gising dahil sa pinag-usapan namin ni Floiyd.

Tama ba talagang pumayag ako? Tsk. I must be crazy. Hindi gawain ng isang tulad ko ang basta basta na lang pumayag sa mga deal.

Pero naisip ko na rin ang benefit na makukuha ko. Hindi na ako maiinis pag may biglang lumapit sa akin at tatanungin ako kung naka move on na ba ako kay Jeydon.

Pero hindi eh, iba parin talaga. Magmumukhang panakip butas talaga ako nito.

Napamulat ako at inis kong kinamot ang ulo ko. Nababaliw na ako.

Nang mapansing mag-isa na lang ako sa kwarto ay tumayo na ako at nagsimulang mag ayos.

Para akong panda dahil sa mga itim na bilog na nakapalibot sa dalawang mata ko. Parang nagkaroon ako ng instant black eye.

Tsk. Kainis na Floiyd yun. Kung hindi ba naman niya ako hinalik-halikan! Haaaay nako.

Napapikit ako ng maalala ko na naman ang halik.

Ugh! Leche talaga.

Tinakpan ko ng concealer ang eyebags ko bago ako lumabas.

Napatalon ako ng makitang naka sandal sa hamba ng pintuan si Floiyd.

"What the hell?!"

"Good morning rin" sabi niya na ngiting-ngiti at lumapit sa akin.

He kissed the side of my head bago ako hinawakan sa kamay.

"T-teka nga. Anong ginagawa mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"You're my girlfriend right?" Sabi niya kaya napapikit ako.

"Ugh. Damn it. Hindi muna natin sasabihin kahit kanino. Kailangan pa nating mag-usap mamaya" sabi ko.

Sandali naman siyang napaisip.

"Aryt. After the ceremony then" sabi niya kaya tumango na lang ako. "Mauna kana dun" sabi ko.

Tumango siya. Lumapit siya sa akin. Aatras na sana ako ng hawakan niya ang bewang ko at ninakawan na naman ako ng mabilis na halik.

"You're beautiful" he said and winked at me before leaving me there dumbfounded.

I know Im always beautiful, but the kiss.

Ah! Tangina.

Maingay ang buong kabahayan ng bumaba ako. Makikita mong busy ang lahat dahil pabalik-balik sila sa loob ng bahay.

Dumiretso ako sa kusina at nakitang nandun na lahat ng mga kaklase namin.

"Nixx, kain na. Aalis na tayo mamaya" sabi ni Aida at nag-offer ng upuan sa tabi niya.

The FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon