42: The Wedding

8 3 0
                                    

Nang maihatid ako ni Jaxon, agad din siyang pumunta sa kompanya niya.

Ako naman ay hindi muna dumiretso sa opisina, instead ay pumunta ako sa fitting room ng kompanya.

Napangiti ako ng makitang tapos na ang wedding gown ni ate Flair at ngayon ay nakasuot na ito sa isang mannequin.

Nangingiting lumapit ako dito para tingnan ang details nito.

Beach wedding ang gusto ni ate Flair at Kuya Xav, pero kahit na ganon, ay gusto ni ate mag wedding gown, bahala na raw na mahirapan siyang maglakad sa buhangin.

Ang kakaibang theme na naisip nila ay sunset, kung paanong magagawan ng paraan yun ng magdedesign ay hindi ko alam.

Dahil nga sunset ang theme, ang kulay ng damit na isusuot ng mga bridesmaid ay amber, samantalang ang mga groomsmen naman ay azure.

Iisang klase ng damit lang ang susuotin ng mga babae, pero ginawan ko ng paraan yun para magkaroon ng iba't-ibang style.

Days have passed and now we are here at the airport para sabay sabay na magpunta sa lugar kung saan ikakasal si Kuya Xav at Ate Flair.

Alaminos, Pangasinan. Where hundred islands is located.

May sariling Isla at resort si kuya Xav doon na kailan niya lang binili kaya hindi pa namin napupuntahan ang lugar na iyon.

Wearing my prada shades, agad akong tumayo ng makitang hinihintay na ako ni Jaxon sa pintuan ng eroplano.

Kakalapag lang namin sa airport at kailangan pa naming bumiyahe ng 30 minutes bago makarating sa port at sasakay sa mga yateng pag mamay-ari nila Jaxon.

Bukas pa naman talaga ang kasal, pero kailangan na rin naming pumunta ngayon dahil nga sa preparations.

Ang hirap naman atang mag inarte kung bukas pa kami aalis diba?

"Love? What are you doing there? Let's go" napatingin ako kay Jaxon ng bigla itong magsalita.

Dala niya ang pareho naming bag at tanging hand bag ko lang ang dala ko kaya agad na akong lumapit sa kanya.

"Shit! Is that Champagne?!"

Agad napantig ang tenga ko ng marinig ang maganda kong pangalan.

Bago pa ako makalingon ay agad akong pinasuotan ng cap ni Jaxon.

"Yes it's her! Oh my god. What is she doing here?"

Nagpatuloy sa pag-uusap ang kung sino mang nakasunod sa amin ni Jaxon. Sila mommy naman ay nauna ng lumabas.

Madami ngang tao ang napapalingon kapag napapadaan ako. Hindi naman kataka-taka yun, dahil nga madalas din akong maging cover ng mga magazines when it comes to fashion. Naiimbitahan rin ako sa mga talk show kapag may bakante akong oras.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng airport, ay agad sumalubong sa amin ang magkakasunod na van, ng makita kami nila mommy ay agad na silang nagsipasukan sa van.

Last week pa sila kuya Xav at ate Flair sa resort. Nauna silang pumunta dun kasama na ang ibang kailangan para sa preparations.

Nang makarating kami sa port, agad kaming iginaya ni Jaxon sa yate nila. Kaming family na lang at ng mga tito ko ang magkakasama ngayon, ang parehong parents kasi ni ate Flair at kuya Xav ay nandun na rin sa resort.

Habang sakay ng yate, mag isa akong nakatayo dito sa deck at sinasalubong ang mainit na sikat na araw.

Hindi naman ako pinagpapawisan dahil sinasalubong ng mukha ko ang hangin.

The FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon