37: The Plan

96 5 0
                                    

Hindi ako nakatulog sa ginawang yun ni Jeydon. Halos mag uumaga na pero naka upo parin ako sa kama at napapaisip.

What the hell was he thinking?! Bakit niya ako hinalikan ng ganon ganon lang? May fiancée siya at ako naman bakit hindi ko siya naitulak?!

Damn it. Mali yon. Sobrang mali.

Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang frustration.

Hindi pwedeng malaman ng mga pinsan ko to dahil ayaw na ayaw nila kay Jeydon.

They thinks that Jeydon is a bad person and even ordered me to stalk Jeydon around---

Wait.

They ordered me to follow Jeydon. We live in the same condominium, magkaharap pa ng unit.

The favor is on me. Mapapadali ang pinapagawa nila kuya sakin.

And I shouldn't be thinking about the kiss, it doesn't matter to me.

All I need to do is to follow and observe him.

Napakurap ako ng bigla kong maramdaman ang cellphone ko na nagva-vibrate sa tabi ko.

Love calling...

"Love?"

"Hey love, naistorbo ko ba ang tulog mo?"

"No. Not at all"

"Why are you still up?"

"Just doing some office works"

Narinig kong tumikhim si Jaxon sa kabilang linya kaya nag hintay ako ng susunod na sasabihin niya.

"Kakauwi ko lang from China, love"

"You must be tired. Ayaw mo pa bang magpahinga?"

"Can I see you? I'm still driving"

"S-sure. Pero wala na ako sa bahay. Lumipat ako love"

"What? You didn't tell me. Kailan ka pa lumipat?"

"Kahapon lang naman eh."

"Okay okay. Send me your location. Pupunta ako diyan, okay?"

"Okay"

"Aryt. I'll hang up now. Bye. Love you"

Napanganga ako sa sinabing yun ni Jaxon. Did he just told me that he love me?

Seriously?

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Sa sobrang lakas, bahagya ko itong pinalo pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Napatigil lamang ako ng maalalang kailangan ko pa palang isend kay Jaxon yung location kung saan ako nakatira ngayon.

Nag text ako sa kanya at hinintay na lamang siya sa entertainment are ng unit habang nanonood ng TV.

Maya maya lang ay may nag doorbell, dahil na rin sa kaba na baka si Jeydon yun, sinilip ko muna sa peep hole para malaman kung sino yun at napahinga ako ng maluwag ng makitang si Jaxon ang nasa labas.

Binuksan ko yung pintuan at pinapasok si Jaxon na may dalang back pack at isang paper bag ng isang sikat na kainan.

"Love"

Niyakap ako ni Jaxon at isinandal yung ulo niya sa balikat ko.

"May problema ba, love?" Tanong ko.

Umiling lang siya at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"I'm just tired from my flight." Sabi niya.

Niyakap ko siya pabalik at nang maging okay na ay siya na rin mismo ang tumapos sa yakap.

The FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon