Part I

408 9 0
                                    

Binuksan ko ang closet ko at nakita ang pinakatatago kong bagay. Agad ko itong inabot pero naalala ko na nandito pa pala sa bahay si mama. Baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at may magawa akong hindi maganda sa kanya o sa aking sarili.

Tumayo nalang ako't sinara ang closet tsaka bumaba ng makita ko si Sammie na nakaupo sa sofa. Isa siya sa mga kaklase ko sa St. Augustine, ang paaralan na kasalukuyan kong pinapasukan.

"Nandito na pala si Vivoree," Rinig kong sabi ni mama at umupo din sa sofa. "Anak, nandito si Sammie para bisitahin ka."

Napalingon naman ako sa nakangiting kaklase ko. May dala itong bag at naka-uniporme pa.

"Sasabay ka ba sakin?" Agad kong tanong sakanya.

"Ah, oo," Napangiti naman ako sa sinagot niya kahit na lam kong naiilang siya. "K-kung ayos lang sayo.."

"Ayos lang, ano ka ba.. Bihis lang ako a." Kumaripas ako ng takbo mula sa sala patungo sa aking kwarto at dali-daling nagbihis.

Nagagalak ako na may isang tao na gustong maka-sabay ako sa pagpunta sa paaralan. Ito na ba ang araw na magkakaroon ulit ako ng kaibigan?

Nakalimutan ko na ang saya na hatid ng mga kaibigan. Yung tawanan, asaran, pikonan at brutalan. Hindi naman nawawala ang 'di pagkaka-intindihan at pag-aawayan pero sa kabila ng mga 'yan nanaig pa rin ang respeto at pagmamahalan.

Dahil sa wala ako lang ang nag-isang anak ng aking mga magulang ay itinuring ko ang aking mga kaibigan na mga kapatid.

"Ayos lang ba sa'yo na sumama kay Viv?" Narinig kong tanong ni mama ng pababa na ako ng hagdan.

Napalingon sila sa akin ng makita nila ako.

"A-ah, handa ka na ba, anak?" Ibinagay naman ni mama ang aking baon sa akin. Tumango ako sakanya at nalipat ang tingin ko kay Sammy at napansin ang hawak nito na paper bag. Napangiti nalang din ako dahil dun.

Nang palabas na kami ng gate ay pumara agad ako ng jeep. Kaya pagkatapos isara ni Sammie ang gate ay nakasakay na agad kami papunta ng school.

Papasok pa lamang ako ng gate ng St. Augustine ay napansin ko na ang mga tingin at bulong-bulongan ng mga estudyante.

"Alam mo ba kung saan ang classroom natin, Viv?" Tumango naman ako kay Sammie at kanya lang akong sinundan hanggang sa makaabot kami sa harap ng classroom namin.

Ang kaninang maingay at magulong classroom ay napalitan ng tahimik at tila hindi mahulugang karayom na silid.

Nauna akong pumasok at nakatingin pa rin sa mga kaklase ko. Bigla naman ako nakatamdam ng pagka-ilang at hinarap si Sammie na nakatingin din sa aming mga kaklase.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sakanya. "May nakalimutan ba tayo? Anong araw ba ngayon? Bakit nakatingin satin ang mga kaklase natin?"

Walang sinagot si Sammie sa sunod-sunod kong mga tanong at umupo nalang sa kanyang upuan na nasa pangatlong row. Kaya ako ay napalkad nalang din hanggang sa aking upuan na nasa pinakahuli.

Hindi ko alam pero parang nagiging awkward at creepy ang paligid. Bigla-bigla nalang nagsitahimik ang aking mga kaklase ng pumasok kami at ngayon ay hindi na sila nagsasalita  na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan.

Nang pumasok naman yung teacher namin ay agad siyang napahinto. Napahinto siya habang nakatingin sa akin. Pinilit ko ang aking sarili na huwag kabahan pero sa bawat segundo ng pagkaka-titig niya sa akin ay bumibilis ang tibok ng aking puso.

Mas lalong humihigpit ang aking hawak sa aking bag. Ang titig na nakikita ko sa mga mata sa aking guro ay may halong kaba at takot. Hindi ko man maintindihan ay parang nararamdaman kong may mali, may hindi ako alam. Para mabawasan ang aking kaba ay napaiwas ako ng tingin sa aming guro at napatingin sa aking kanan.

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon