Part XII

110 4 6
                                    

Third Person's POV

"Sammie! Bilis!" Tumakbo palabas ng laboratory sina Ronnie. Hinawakan na din nito ang kamay ng dalaga para mabilis silng makaalis sa lugar. Ang sigaw na may halong takot at kaba ang maririnig mula sa kanilang dalawa.

Hindi na nil nagawang tapusin at magpaalam sa kanilang nkausap na kaluluwa dahil sa kanilang nakita. Nataranta sila pareho at nadala sa sobrang takot na baka sila ang sumunod sa iba nilang nawawalang mga kaibigan.

Palapit na sila sa pinto ng bigla naman itong sumara. "Shit!" Sigaw ni Ronnie at hinila si Sammie pababa ng hagdan. Takbo nalang sila ng takbo hindi alam kung saan patungo.

Nakita ng mga kasamahan ng dalawa ang nangyari at sila ay 'di makapaniwala. Lahat sila ay natulala.

"Sammie! Bilis!"

"Aaaah!"

"Shit!"

Tutok na tutok ang lahat sa monitor at inaabangan ang mga susunid na mngyayari.

"Ka-kailangan natin silang tulungan." Kinalabit ni Jon ang nakaupong si Zeus na tutok parin sa monitor.

"Paano?" Tanong naman ni Ryle sa mga kasamahan. Hindi nakasahot ang iba at makikita mo na nag-iisip sila kung paano nila matutulungan ang dalawa sa kanilang mga kaibigan.

"Shit!" Sigaw ni Rayt.

"Bakit ba nangyayari 'to?" Kunit-noo na sabi ni Jon.

"Dapat nung una pa lang, kumilos na tayo. Tsk, bwisit!" Sigaw ni Nikko.

"Ssh!" Suway ni Wilbert sa mga kasama at lahat sila ay napatingin ulit sa monitor.

"Aaaah! Sam! Sam, tulungan mo 'ko!!"

Rinig na rinig sa loob ng silid ng mga kalalakihan ang sigaw ni Ronnie. Nakita nila kung paano tumilapon ang binata. Habang si Samie ay 'di makagalaw sa takot at pinapanuod na lamang si Ronnie na palipad-lipad sa ere.

"Tulong! T-tulungan ninyo kami!!"

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga lalaki at agad na tumakbo patungo sa kinaroroonan ng dalawa.

Tinulak-tulak at tinatadyakan nila ang pinto ng Science building ngunit bigo sila na mabuksan ito. Dahil sa takot na baka mawalan naman sila ay 'di nag-aksaya ng panahon ang grupo at naghiwa-hiwalay para mabuksan at matulungan ang dalawang kabigan.

Magkasama sina Nikko, Jimboy, Jon, Ryle, Paulo at Maru na tumakbo sa isa pang entrance ng building. 'Di pa nama sila nakakalapit sa pinto ay napatigil na sila. Nakita nila ang kaibigang si Tom na nakabitay ng patiwarik. Nakagapos ang mga kamay nito at nakasuot ng puting bestida na bumagay din sa mukha nitong pagkaputi-puti. Napatakip ng ilong ang magkakaibiga dahil sa amoy nito. Ganun nakang din ang pagkagulat nila ng biglaang binuka nito ang mga mata at bibig at nagsilabasan ang mga langaw.

Tumakbo pabalik ng AB building ang anim sa sobrang takot ng makita ang itsura ni Tom. 'Di na nila alam kung anong susunod na gagawin ng pagkabalik nila ay wala na rin ang dalawang naiwan sa silid na sina Zeus at Wilbert.

"Tangina! Ano ng gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Maru.

Napaatras sila ng biglaang sumara ang pinto kasabay ng mga bulong na kanilang naririnig.

"A-ano yun?" Takot na takot na sabi ni Jimboy.

Accerso alius sententia ut mihi, phasmatis of interregnum ego dico, solvo meus mens mei, ego dico phasmatis audite meus placitum meus mens quod iacio .....

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon