Part X

128 5 18
                                    

Third Person's POV

"Itutuloy pa ba natin 'to?" Tanong ng isang lalaki sa kasama niya. Nandito sila sa tagong lugar ng paaralan kung saan malayo sa kanilang mga kaibigan.

Sinindihan ng lalaking kausap nito ang kanyang sigarilyo at tinapik siya sa balikat.

"Alam mo, para din naman 'to sa channel mo e. Diba, sabi mo gusto mo ng magandang content? Eto na 'yon." Lakas-loob na sabi ng nagyoyosing lalaki.

"E, para kasing mali e. Para kasing napapahamak na mga kasama natin." Nag-aalala nitong sabi sa kaibigan.

"Ano ka ba? Takot ka kang siguro." Hindi na nakapag-salita ang lalaki at pinakinggan nakang ang nga sinasabi ng kanyang kaibigan.

Sa loob naman ng AB building ay nag-uusap ang dalawang magkaibigan.

"Tol, hindi mo naman siguro sinabi kay Erin na gawin 'yon, diba?" Isang di makapaniwalang reaksyon ang ginanti ni Vitto kay Kid.

"Alam mo naman na hindi 'yon ang plano." Hindi nakatulog ang dalawa kagabi sa kakaisip kung bakit nangyari ang biglaang pagwawala ni Erin.

"Pero 'tol... paano kung minumulto na tayo? Paano kung—," Hindi natapos ni Kid ang kayang sasabihin ng binato siya ni Vitto ng tissue.

"Tumahimik ka. Walang multo, ikaw. Masyado kang naniniwala sa mga sinasabi ng mga kaklase natin." Tumayo si Vitto at lumabas ng silid dahil sa takot na maiwan mag-isa ay sumunod na rin si Kid.

Hindi pa lang sila tuluyang nakakabas ay napansin nila ang ingay sa loob ng stock room, ang kwarto ni ginagamit ng nga babae. Sinilip naman ito agad ng dalawa at nagtaka ng makita nila si Mikee na nakasubsob ang mukha sa mesa.

"Psst," Inawat ni Vitto si Kid at sumenyas na pumasok sa loob ng silid.

"Hey! Mikee! Anong ginagawa mo?" Pasigaw na sabi ni Vitto at inikot ang tingin sa loob.

Nagkatinginan ang dalawa dahil hindi man lang csinagot ni Mikee na tila ba'y hindi sila narinig nito.

"Mikee! Anong bang nangyayari sa'yo?" Nang paharapin ito ni Kid ay laking gulat nila ng nagdurugo ang bibig nito.

"Hoy Mikee!!" Sigaw ni Vitto.

Parang asong gutom na kinagat-kagat nito ang mesa. Hindi makapaniwala ang dalawa sa nakita. Nagulat sila't natakot sa itsura ng kanilang kaibigan. Akmang aalis na ang dalawa ng paglingon nila sa pinto ay nakatayo ang kanina lang natutulog na si Erin.

"H-hoy," Takot na napaatras si Vitto.

"Teka lang, nananakot ba kayong dalawa?" Pangiti-ngiti na sabi ni Kid at hinila si Vitto papalapit sakanya. "E-effective ah, nakakatakot n-nga. S-sige, a-aalis na ka-ami.."

Pabalik-balik ang tingin ng dalawang binata sa dalawang babae na kung makatingin sakanila ay parang sinasaksak na sila nito hanggang sa mamatay.

"T-tumigil na nga kayo!" Nauutal na sabi ni Vitto.

Sinunggaban agad ni Erin si Vitto at natumba ang binata. Si Kid naman ay binato si Mikee ng maliit na kahon na panlalagyan ng chalk bago pa niya tinulungan si Vitto. Nang mabuksan ng dalawa ang pinto ay mabilis silang lumabas ng building at pinuntahan ang mga kasama.

"Anong nangyari sa inyo?" Nag-aalalang tanong ni Zeus sa dalawa. Hindi na nakasagot sina Vitto at Kid ng maipako ng iba ang kanilang mga mata sa nakatayo na sina Erin at Mikee sa paanan mismo ng pinto ng AB Building.

Lahat ng kaibigan ng dalawang babae ay kunot-noong nakatingin sa kanila. Ang mata ng dalawa ay nangingitim, buhaghag ang buhok, at naglalaway ng dugo. May mga kalmot at pasa din ang mga ito sa katawan. Ang mga kaibigan ng dalawa ay nnigas sa knilang mga kinatatayuan. Nakita nila kung paano ibuka ni Mikee ang bibig nito at isinubo ang maliit na kahon hanggan ito ay kanyang malunok. Si Erin naman ay binali-bali nito ang mga buto sa katawan. Naiyak ang ilang mga babae sa ginawa ng dalawa. Ang mga lalaki ay parang estatwang nakatayo lang habang nakabuka ang mga bibig. 'Di makapaniwala ang lahat sa kanilang nakita. Lalo ng biglang lumakas ang hangin at parang hinagip nito ang dalawang babae papasok ng gusali sabay ang malakas na pagsara ng pinto.

"Mikee!"

"Erin!!"

Lahat sila ay nagsitakbuhan papalapit sa pinto at pilit na binubuksan ito.

Vivoree's POV

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak at matakot matapos kong makita ang pangyayari kanina. Nandito kami sa kabilang gusali katapat ng Science Building matapos naming subukan na buksan ang pinto ng AB.

Habang naghihintay kay McCoy na humiwalay saamin para kumuha ng maiinom na tubig ay wala kaming ibang ginawa kundi mag-isip at umiyak nalang.

Humahagulhol sa kaliwa ko si Sammie at si Kamille. Si Chienna naman ay umiiyak din habang nakayakap kay Jessica na kanina pa tulala.

'Di makapakali na palakad-lakad si Maru at Ronnie. Si Ryle naman ay nakatingin lang sa bintana. Habang ang iba ay nakatulalang nakaupo sa upuan at ang ilan ay sa sahig na nakahilata.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" Nanginginig na tanong ni Jimboy. Pinakalma naman siya ni Jameson na katabi lang niya.

"Kailangan nating hanapin sina Mikee at Erin." Mahinang sabi ni Nikko. Napahilamos naman ng mukha si Jon at madiin na pinikit ang mga mata.

"P-paano?" Pilit na pinipigilan ni Sammie ang kanyang paghikbi. "Si T-om.. si Luke, sa ti-ngin mo ba buhay pa sila?" Naipikit ko ang aking mga mata ng maalala ang dalawa. Sila ang unang nawala sa amin at hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik.

"Ano ng ga–gawin natin?" Tinapik ko si Kamille sa balikat at pinapatahan. Lumapit naman sa amin si Paulo at kanyang niyakap si Kamille.

"CK!" Napatingin ako sa katabi ko na umiiyak na yumakap kay CK na tahimik lang na nakaupo sa sahig.

Nakita ko kung gaano kahigpit ang pagyakap ni Chienna kay CK. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng selos. Naiingit ako dahil malaya siya na yakapin ag taong gusto ko sa harap ng ibang tao. Iniwas ko naman kaagad ang aking tingin ng makitang nakatingin pala si CK sa akin. Niyakap ko si Sammie at pinatahan siya. Kagaya ni Kamille ay iyak pa rin ito ng iyak.

Tiningnan kami isa-isa ni Zeus. Napansin ito ni Rayt at tinanong siya kung anong problema.

"Nandito tayo lahat bukod kay McCoy..." Natigilan siya bago nya maituloy ang kanyang sasabihin. "W-walang ibang sumama sakanya?"

Tama. Kulang kami ng lima. Apat ang nawawala, si Erin, Mikee, Tom at Luke. Wala din dito si McCoy.

Mabilis na tumayo si Jon at naglakad patungo sa pinto. Napatingin si Ryle sakanya na kanina lang nakatingin sa labas ng bintana. Nagulat ang lahat ng may biglang bumagsak matapos buksan ni Jon ang pinto.

"Aaaaaaaaahhh!!"

Napatakip ako ng bibig ng makita ang wala ng buhay na si McCoy.

_______________________________________
Meet me at La Loma
Date written: July 7, 2018
Date published: July 7, 2018

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon