Part XIX

122 3 2
                                    

Maru's POV

"Ahhhh!" nagsitakbuhan kaming lahat na pilit makaalis sa lugar para lang maligtas ang aming sarili. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta ang importante ay makawala ako sa paningin ng nilalang na aming nakita. Hirap man sa paghinga dahil sa kaba ay pinilit kong humakabang pataas ng hagdan at magtago sa lugar na walang makakakita sa akin.

Madilim.

Sa sahig na aking tinatahak ay 'di ko na alam kung nasaan ako at kung nakalayo na ba ako ng tuluyan. Ang mga mata ko'y naluluha ng mapansin ko na ako nalang pala mag-isa. Makikita ko pa rin ba sila?

Walang ilaw at dama ko rin ang lamig ng hangin sa lugar. Hindi maaari na mawala nalang ako sa mundong 'to ng ganoon nalang kabilis. Kailangan kong mabuhay...

Ngunit ang akala kong nakatakas na ako ay hindi pa pala. Naramdaman ko nalang ang lamig ng matulis na bagay na bumaon sa aking tagiliran.

"Paalam....kaibigan."

Wilbert's POV

"Bakit hindi mo tanungin si Wilbert. Kung may kinalaman ba siya sa mga nangyauari sa'tin ngayon?"

Matapos kong marinig ang sinabi na iyon ni Jon ay alam ko na magtataka sila. Alam ko na dadaan ako sa mahaba-habang tanungan ng aking mga kaibigan. Alam ko na may alam ako sa nangyayari pero wala akong kinalaman sa mga bagay na kababalaghan.

"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita, Wilbert?" pansin ko ang inis sa mukha ni Jon. Alam ko na hindi rin ako titigilan ng iba naming kasama hangga't hindi nila marinig sa akin ang mga sagot sa kanilang mga tanong.

"Plano niyo 'tong tatlo. Plano ninyo na paglaruan kami. Mga putangina kayo!" sabay ng pagsigaw sa akin ni Jon ay ang kamao niyang tumama sa pisngi ko. "Tangina n'yo! Bitawan n'yo ako, papatayin ko 'tong gagong 'to!"

"Jon! Teka lang, kumalma ka muna!" pagtitigil na sigaw ni Ck. Isa pang pumipigil kay Jon ay si Kid na masama rin ang tingin sa akin.

"Wilbert, sabihin mo nalang sa amin kung ano ang nalalaman mo." pagmamakaawa ni Sammie.

"Silang tatlo ni Ryle ang may kagagawan ng lahat ng 'to, Sammie!" sigaw pa ni Jon.

Kunot-noo akong nakayuko lang. Hindi ko malaman kung saan magsisimula ngauong para akong natataranta kung sasabihin ko ba o hindi. Natatakot ako na hindi nila ako paniwalaan. Wala akong kasama na tetestigo sa mga sasabihin kong katotohanan. Hindi ko rin alam kung saan magsisimula.

Inaamin ko, kasalanan ko rin kung bakit humantong sa ganito ang kalagayan namin ngayon. Pero kasi, akala ko rin na wala lang 'to. Ibig kong sabihin ay tatakutin lang namin sila.

"H-hindi ko alam ang tungkol sa pagkamatay at pagkawala ng mga kasma natin... maniwala kayo.." nanginginig kong sabi na hindi nakatingin sa mga mukha ng aking mga kasama.

"Gago! Paano mo hindi alam, ah? Tinatarantado ko ba k-" inawat nina Paulo si Jon sa paglapit sa akin.

"Hindi ko nga alam ang tungkol sa mga pagkamatay ng ating mga kasama, h-hindi ko alam kung paano.. bakit nangyari 'yon." takot ako na dumistansya sa iba kong mga kaibigan habang nagsasalita. "Ang alam ko lang ay.. ang alam ko lang ay ang plano nina Zeus na takutin kayo. Takutin kayo para mas- para mas mayanda ang palabas.."

"Gago ka!" kinwelyuhan ako ni Jon na napilit na makawala sa kapit nila Ck. "Sabihin mo na balak n'yo kaming patayin!"

"Jon, tama na!" awat ni Sammie.

Hindi ko naman masisisi kung bakit galit na galit si Jon sa akin. Oo, may kasalanan din naman ako e. Kung sana hindi ko uinayaan sina Zeus na gawin o ipagpatuloy 'to ay hindi siguro mapuounta ang lahat sa ganito. Inaamin ko na kasalanan ko rin.

Naiyak nalang ako ng mapagtanto ko na wala rin akong pinagkaiba kina Zeus at Ryle dahil hindi ko sila inawat.

"Argh!"

Kung sakaling wala na ang ilan sa aming mga kaibigan ay kasalanan ko rin talaga. Ako dapat ang responsable sa mga nangyayari dahil alam ko na hindi tama simula pa lamang pero hinayaan ko pa rin na mangyari.

"Sabihin mo sa akin kung nasaan sila!"

Paumanhin na aking mga kaibigan. Hindi ko balak na humantong sa ganito!

Vitto's POV

Nanginginig.

Naiiyak.

At kinakabahan akong nakatago sa loob ng cubicle. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili dito o hanggang dito nalang talaga ako.

Nanginginig akong tinatakpan ang aking bibig upang 'di makagawa ng kahit na anong ingay. Wala ng ibang tumatakbo pa sa aking isipan ngayon kung hindi amg nakita ko kanina.

Tumambay lang kami sa labas ng library. Nagusap-usap sa lahat ng mga masasamang nangyari sa amin.

Ang aking mga kaklase...

Ang aking mga kaibigan...

Paano niya nagawa ang lahat ng 'yon?

Hindi ko alam kung ano ang motibo niya pero hindi pa rin ako makapaniwala na sa lahat ng tao ay siya ang makakagawa ng lahat ng 'to. Sa laht ng tao na pinagkakatiwalaan ko ay siya lang pala ang sisira ng lahat.

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Pinahiran ko ang aking mukha gamit ang kanan kong kamay. Sa lahat ng luha na pumatak mula sa aking mga mata ay ito na siguro ang hindi ko pinakagusto. Ang mga luha na sumaksi rin sa pagsaksak kay Rayt.. at Ryle.

God... please..

Please... help me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon