Part XVIII

149 6 6
                                    

CK's POV

Ng maimulat ko ang aking mga mata ay napalingon ako kagad sa aking mga katabi. Nakita ko si Wilbert na nakatalikod na nakahiga sa akin. Ngunit si Zues ay wala na kaya napabangon ako at napatayo. Si Sammie ay mahimbing din na natutulog sakabilang banda kaya nataranta akong hindi ko man lang makita si Vivoree. Lalabas na sana ako ng hinihingal na pumasok sina Jon, Paulo at Kid. 

"Anong nangyayari?" Tanong ni Wilbert ng makabangon ito at nakita ang tatalo sa pinto. Pati si Sammie ay nagising din.

"Nasaan sila?" Tanong ni Jon. At isa-isa ng nagsilapitan silang tatlo habang binibigyan nila kami ng mga kagamitan na para bang makikipag-rambolan kami. "k-kailangan na nating lumabas d-dito..."

Halos hindi magkaundaugaga ang tatlo sa kakahanap sa aming mga kasamahan. Nakampante lang ako ng lumabas si Vivoree galing sa cr at natahimik din ang tatlo. Palipat-lipat ang aking tingin ng mapansin ko ang kanilang mga reaksyon ng makita si VIvoree. hindi nila ito matingnan ng diretso at panay ang pagkautal ni PAulo ng tanungin sila ni Viv. Anong nangyayari sa tatlong 'to?

"Teka, teka. Nasaan ba sina Vitto?" Tanong ni Sammie ng nagmamadali itong tumabi kay Vivoree at humawak sa kamay nito. "Tawagin mo sila, dali!"

"Oo nga, teka lang." Akmang lalabas na sana si Wilbert ng pinigilan siya nina JOn at Kid. "Bakit? tatawagin ko lng sila. Tsaka si Zues,"

Hindi na naawat ng dalawa si Wilbert kayasinamahan ko nalang ito na lumabas. Sumunod naman saamin sina Sammie at Vivoree. Nagulat nalang kami ng ang una naming nakita ay ang guhit ng dugo na nasa sahig.

"Aaaah! Oh my gosh!" Rinig kong sabi ni Sammie na yakap-yakap ni Vivoree.

"A-ano to? N-nasaan na sila uy!" Sigaw ni Wilbert na umalingawngaw sa boung lugar. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa kaba at sa hindi ko maintindihan kung ano ng ang nagyari sa iba naming mga kasamahan.

"Ano na ang gagawin natin? Isa-isa na tayong nawawalan at namamatayan.... ano.... ano na ... ano ng gagawin natin...?" Nanginginig na saad ni Wilbert. Hindi ko man gustong sabihin ang posibleng nangyari kina Zeus, Rayt, Vitto at Ryle ay parang hindi rin malabo na wala na sila. Sino ba ang may kayang gawin ang mga 'to?

Napatingin nalang ako sa sahig na para bang pininturahan ng pulang likido. Nangangamoy bakal ang boung paligid at hindi ko lubos na maisip na baka patay na rin ang apat sa amin habang may anim pa na nawawala.

"Hindi ko na kaya 'to." Sabi ni Kid na tumabi saakin.

Naalala ko naman sina Jameson kaya itinanong ko kay Kid kung bakit hindi pa nila ito kasama na bumalik.

"H-hindi namin sila nakita.."

"Lumabas na tayo dito,"Sabi ni Jon at naglakad na papalayo saamin. Sinundan naman siya nina Kid at Paulo kaya tinawag namin sila.

"Sa-saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Sammie sa tatlo habang umiiyak.

"H-hindi ba natin hahanapin ang iba? Aalis lang kayo ng hindi sila kasama?" Sabi ni Vivoree pero hindi siya pinansin ng mga 'to kaya minabuti ko na papasukin nalang muna sila sa loob ng library at doon nalang maghintay bago ako lumabas at sundan ang tatlo.

"Kid! Paulo! Teka lang!" Huminto lang sila ng kinalabit ko si Paulo at napalingon ito saakin. "Ano ba? Bakit kayo aalis ng hindi tayo magasama? Hanapin na muna natin sila."

Huminga ng malalim si Jon at nilapitan ako. Dala nito ang flashlight at bakal na dala din niya ng sila'y lumabas para hanapin sina Jimboy.

"Aalis na kami kasi wala namang kwenta ang pamamalagi namin dito." Sabi niya tsaka tumalikod. "Ayaw na namin CK. Ginagawa lang tayong gago ng isa saatin."

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon