Part III

169 6 5
                                    

"Kailangan na natin matapos 'to bago pa magsimula ang 3rd quarter." Sabi ko sa mga kasamahan kong sina Rayt, Paulo at Sammie.

Friday ngayon at obviously, walang pasok bukas. Binili na namin ang lahat ng mga materyales para sa aming school project. Kahit na last day na ngayon ng 2nd quarter at next week na ang semestral break ay napag-desisyunan namin na gawin nalang agad ang pinapagawa saamin.

"Uh, Viv, matatapos kaya natin 'yan? It's almost 3 pm na." Sabi ni Rayt na nakatingin sa kanyang relo.

Magsasalita na sana ako ng magsalita si Paulo.

"Dalhin nalang natin sa bahay. Doon nalang natin 'yan tapusin kung sakaling hindi talaga tayo aabot sa oras."

"Oo nga, hanggang 5:00 pm lang ang school ngayon. Isasarado nila 'to at uuwi din sa kani-kanilang lugar ang mga guards kaya bilisan na natin!" Sabi ni Sammie at agad naman kaming nagtulungan sa paggawa ng project namin for the Science Fair.

"Ayaw gumana e," Sabi ni Paulo ng sinubukan niya paganahin ang aming ginawa na Water Turbine.

"Siguro masyadong makapal 'tong ginawa nating wheel," Ani ni Sammie. "Mabigat siya."

"Hindi pa naman 'yan tapos e. Gagana 'yan, tiwala lang." Sambit naman ni Rayt.

"Sige, sige." Kinuha ko ang mga pinutol na kahoy at sinubukang gumawa ng maliit na bubong na maaayon lng din sa laki ng aming proyekto.

"Viv, ako na d'yan." Sabi naman ni Rayt at kinuha ang hawak kong martilyo at pako.

tok tok

Napatingin kami sa pintuan ng marinig namin na may kumatok. Ilang segubdo din ng magsitinginan kaming apat.

"Narinig n'yo yun, diba?" Gulat na tanong ni Sammie saamin bago niya tiningnan si Paulo na katabi lang niya.

Si Paulo naman ay napalunok na tiningnan si Rayt. Napahawak ng mahigpit si Rayt sa martilyo bago tumingin sakin.

"Hangin lang siguro 'yun." Pangiti-ngiti kong sabi at sinubukan na kunin ang pako na hawak ni Rayt.

"Oo nga," Napalingon kami kay Sammie. "H-hangin lang siguro 'yun. Bilisan na natin?" Nginitian lang namin ang nangyari. Nag-uusap din kami habang nagtatrabaho para mawala ang kaba na ang nararamdaman.

"Uy guys, 5 mins nalang para mag-6 pm. Bilisan n'yo na!" Sigaw ni Sammie saamin.

"Wow ah, kung makapag-utos ka. Ang dami mo ring ginawa no?" Sabi ni Paulo.

Tinatawanan lang namin ni Rayt sina Paulo at Sammie sa mga sinasabi nila sa isa't-isa ng marinig nman nmin na may kumatok.

tok tok tok

Napatayo na silang tatlo at ako naman ay binilisn ang pagliligpit ng aming mga gamit at nilagay sa bag.

"S-siguro oras na para umalis ta'yo." Tumango lang silang tatlo at kinuha ang kanilang bag.

Unang lumabas si Rayt tsaka Paulo. Habang dala-dala ko ang aking mga libro at nakita ni Sammie na ang dami kong dala ay kanya akong tinulungan. Si Paulo na rin ag nagdala sa project namin at dali-dali kaming naglakad sa hallway.

Medyo madilim na ang lugar dahil alas sais na ng gabi. Kalmado lang kaming naglalakad sa halkway ng biglang may humila saamin ni Sammie. Sa sobrang gulat ay napasigaw kami pareho pero agad nama natakpan ang aming bibig at pinatago kami.

Dikitan kaming nagtatago sa baba ng pinto at masamang pinagtitinginan ang mga humila saamin.

"Wala na ata," Sabi ni Maru ng sumilip ito sa maliit na salamin sa pinto kung saan makikita ang labas na itsura ng silid.

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon