Part XI

129 4 13
                                    

Bumabagabag parin sakin ang pagkawala at ang pagkamatay ng aking mga kaibigan. Ano ba 'tong pinasok namin? Hindi na 'to tama at jaikangan na namin 'tong tapusin bago pa mawala kami isa-isa sa mundong 'to.

Bakit ba hinayaan kong mangyari 'to? Sa aming lahat ako at si Sammie lang may sapat na kaalaman sa mga bagay na ganito.

Pasado alas dose na ng hatinggabi at 'di parin ako makatulog. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naglakad patungo sa pinto. Nilingon ko ang apat na babaeng mahimbing na natutulog. Dapat may gawin ako para mahanap ang apat at para malaman na rin ang misteryo sa bumabalot sa lugar na 'to.

Napayakap ako sa aking sarili ng umihip ang malamig na simoy ng hangin. Nakakapangilabot dahil sa katahimikan at sa katakot-takot na awra ng lugar. Kailangan ko gawin 'to para malaman ang lahat. Sapat na saakin para sabihin na may mga kalukuwang naninirahan sa paaralan naming ito dahil sa nangyari sa aking mga kaibigan. Bakit pakiramdam ko ay sobrang lakas nila? Simula noong gabing pumunta kami dito ay ibang pwersa na ang nararamdaman ko. Bakit sobrang bigat?

Paakyat na ako sa 2nd floor ng makita kong may tao sa hagdan. Nakatalikod ito saakin at dahil sa gulat ay napaatras ako't dali-daling bumaba.

"Paano na?"

"Sigurado ka ba na safe tayo dito? Baka may multo sa likod natin ah.."

Natigilan ako ng marinig ang mga pamikyar na boses.

"Gawin natin silang alay."

"Nasisiraan ka na ba? Anong alay pinagsasabi mo?"

"Anim. Anim na babae. Anim na babae ang kapalit para 'di na nila ako guluhin. T-tulungan mo 'ko..."

"P-pare, na-guguluhan ako sa'yo e. B-bakit anim? A-ang ibig kong sabihin, p-para saan 'yan? Ano bang gumugulo sa'yo?"

"S-sila.."

May malamig na ihip ang parang dumaan sa aking likod kaya napaatras ako dahilan para tumunog ang bakal na armchair at ako'y napaupo dito.

"A-ano 'yon?"

Sa takot na baka makita nila ako ay dali-dali akong tumayo at 'di pa man din ako nakakahakbang ay may tumambad na saakin. Tinakpan nito ang aking bibig ng muntik na akong mapasigaw sa gulat. Hinila n'ya ako papasok sa isang silid para magtago.

"May nakarinig kaya sa atin? O....baka minumulto na tayo?"

Nang makaalis na ang dalawang lalaki ay tsaka lang inalis ni Jameson ang kanyang kamay na nakatakip sa aking bibig.

"Anong bang ginagawa mo dito? Gabi na ah," Mahina niyang sabi saakin.

"'Di kasi ako makatulog." Napaupo kami pareho sa sahig.

Napatingin ako sakanya na tahimik lang na nakatingin sa kanyang sapatos.

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon