Part XVII

98 3 2
                                    

Zeus' POV

Habang abala ang iba sa pagpa-plano kung paano nila hanapin sina Maru at ano ang kanilang gagawin sa oras na makita sila ng mg multo ay minabuti kong lumapit kay Ryle.

"Bakit mo sila dinala dito?" Bkong ko sakanya kaya napalingon siya saakin. Kapag nandito silang lahat mahirap at magiging boring ang palabas. Walang thrill kung ganito nalang.

Dumistansya munakami sa grupo tsaka sinagot ni Ryle ag tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba? Easy ka lang. Lalabas din ang ilan sa kanila dito kaya chill ka lang." Paniniguradong saad ni Ryle saakin pero naiinip na talaga ako.

"Siguraduhin mo na naka-on pa rin ang mga camera ah, tiba-tiba tayo dito 'pag maraming nanuod ng video na 'to." Sabi ko sakanya at tumango sa sinabi ko.

Pinagmasdan ko ang mga iba pa namin na kasama. Isang babae nalang ang kailangan at masisimulan ko na ang ritwal. Kailangan na walang makakita saakin maski si Ryle o si Wilbert. Hindi nila alam ang plano ko at wala naman din silang kinalaman sa mga nangyayari saakin. Ang kailangan ko lang ay anim na iaalay para matapos na ang aking pagdurusa.

"Anong ginagawa n'yo d'yan? Sumali muna kayo dito, kailangan n'yong malaman ang aming napag-usapan na plano." Lumapit kami ni Ryle ng marinig namin ang sinabi ni Vivoree.

"Ganito, hahatiin natin ang grupo na 'to sa tatlo. Jon, Paulo at Kid hahanapin n'yo sina Jameson. Bibigyan namin kayo ng mga flashlight.." Sabi ni Vitto habang nakatingin sa tatlo.

"..pero wala kaming flashlight," Ani ni Kid.

"Oo nga, dalawa lang ang meron tayo. Eto at yung isa na kay Jameson." Sabi naman ni Sammie.

"Oo, kaya kayo, Ryle, Rayt at Zeus pupunta kayo ngayon sa stockroom at tingnan ninyo kung may mga flashlight ba doon. Kung wala sa guardhpuse kayo pumunt—" Naputol naman ang sazabihin ni Vitto ng mag-react si Ryle at Rayt.

"What?! Ang layo ng guardhouse tapos isang flashlight lang dala namin oh." Hindi makapaniwalang sabi naman ni Ryle kay Vitto kaya napakamot nalang ito ng ulo.

"Hindi, teka lang.." Tumayo si Vivoree sa kanyang pagkakaupo at lumapit sa counter ng librarian. Sumunod naman sakanya si CK at inawan si Vivoree habang binubuksan ang mga drawer sa counter.

"Eto oh," Sabi niya at inilabas ang isang flashlight. "Kandila nalang ang meron dito e."

Lumapit siyabulit saamin at binigyan kami ng kandila at pati ang dalawang flashlight.

"Bakit kailagan pa namin pumunta doon? May dalawang flashlight naman pala tayo tsaka.. kandila," Saad ni Rayt kay Vitto.

"Hindi lang naman pang-ilaw ang ipapakuha ko sainyo e. Kumuha na din kayo ng makakin dahil gutom na kami," At pinapaalis na niya kami. Kita mo nga naman 'tong si Vitto oh.

"Ah kaya pala, ang sabihin mo, nagugutom ka! Dinamay mo pa ang iba." Natasa nalang kami sa sinabi Kid kaya umalis nalang din kami kaagad para makakuha na rin ng pagkain. Gutom na ata kasi ang lahat.

Third Person's POV

Walang ibang ginawa ang mga naiwan sa library kung hindi magbasa ng magbasa tungkol sa pinapaaukan nilang paaralan. Hindi lang pala ito naging paaralan ng mga kababaihan na gustong mag-madre, naging ospital din ito ng mga malubhang sakit hanggang sa maging ospital ng mga may sakit sa ulo.

Ang hinahanap nila ngayon ay ang mga picture ngvmgabtaong nandirito noon. Kagaya ng nasa libro na pinakita ni Vivoree sa kanila ng nasa stockroom pa sila. Sinabi ni Sammie na ang pangalan ng babaeng palagi nilang nakikita ay Cecilia. Ngunit may ibang tao din na nakita sila Jon.

"Hndi lang isa ang nandito," Singit naman ni Vitto. Kaya lumapit sakanya ang mga naiwang kasamahan niya. "Nandito pa oh."

Kinuha nila lahat ng nga litrato na nasa isang drawer. Halata na luma na ito dahil sa punit na ang iba at hindi na masyadong klaro. Ang ikinatakot nila ay may ilan sa mga litrato na may mga pugot ang ulo. Hindi nila alam kung ganito na ba 'to noon ng ma-derlop o nabura lang dahil sa kalumaan.

"The patients went insane. It is either because of the medicines, the environment or because of something paranormal. Some patients believe that someone is watching over them. Watching every single movement..." Natigil sa pagbabasa si Vitto dahil sa may kakaiba siyang nararamdaman. Bumibigat ito habang tumatagal kaya pinasa niya kay CK ang libro. Nag-unat-unat si Vitto tsaka tumayo pero sinigurado niya na hindi siya nalalayo sa mga kasamahan.

Habang nagbabasa si CK ay pumasok na muna si Vivoree sa comfort room ng library. Hindi makabasa si CK ng tuloy-tuloy dahil sa palagi siyang nakatingin sa pinto ng CR.

"Ano ka ba? Basahin mo na nga lang 'yan. O di kaya'y puntahan mo nalang doon kung hindi ka mapanatag. Nag-CR lang e. Akin na nga 'yan!" Kinuha naman ni Paulo ang librobat siya nalang ang nagbasa.

Hindi rin nagtagal ay nakahingabna rin ng maluwag si CK ng lumabas si Vivoree. Nababahala lang kasi siya at baka mapano ito.

Pagbalik nina Ryle, Zeus at Rayt ay kumain na muna sila. Kinuha ng mga 'to ang mga pagkain na nasa canteen at napag-desisyunan nila na sa library sila magkikita-kita. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sina Jon, Paulo at Kid para hanapin sina Jameson. Dala ang kanilang mga flashlight at pampalo. Hindi naman ito magagamit dahil hindi naman matatablan ang multo dito.

Lumipas ang dalawang oras at hindi pa rin nakakabalik ang tatlo kaya ang ilan sa kanila ay nakatulog na sa sahig. Si Sammie, Wilbert, Zeus at Ryle nalang ang hindi pa dinadalaw ng antok. Hindi mawala sa isipan ni Sammie ang mga nangyayari. Ilan sa kanilang mga kasamahan ay hindi pa nakikita hanggang ngayon. Mas lalo silang nanghina sa katotohanan na namatayan na din sila. Paano na nila ito sasabihin sa publiko ang tungkol dito? Makakalabas pa kaya sila ng buhay?

Ilang ulit na din na sinubukan ni Ryle ang matulog ngunit ang daming mga katanungan ang bumabagabag sa kanya kaya lumabas na muna siya ng library. Napansin siya ng mga kasamahan niyang sina Rayt at Vitto kaya sumunod na ang mga ito sakanya. Napalingon siya sa gulat ng may humawak sa kanyang balikat at ng malaman niya na sina Vitto pala ito ay nakahinga na siya ulit ng maluwag.

"Bakit ka andito? Baka may mangyari sa'yo. Mahirap na 'pag nagkawatak-watak tayo." Saad ni Vitto tsaka umupo sa tabi ni Rayt. 

"Sa tingin niyo makakalabas pa tayo dito? Kinakabahan kasi ako. Hindi pa bumabalik sila Jon at hahanapin pa natin sina Maru."Kunot-noong sabi ni Ryle sa dalawang lalaki na nakikinig lang sakanyang mga sinasabi. "...tapos, may mga namatay na din sa mga kasamahan natin, diba? H-hindi ba kayp nababahala o.. natatakot?"

"Parehas lang tayo ng nararamdaman, Ryle. Wala ni isa sa atin ang may gusto nito. Lahat tayo takot." Sagot naman ni Rayt sa kaibigan niya.

"Ito nalang ang isipin natin. Makakalabas tayong lahat ng buhay dito kapag magtutulungan tayo. Sama-sama tayong pumasok, sama-sama din tayong lalabas. Hahanapin natin ang mga nawawalang kasamahan natin. Okay?" Paniniguradong sabi ni Vitto sa dalawa. 

Habang ang tatlo ay nag-usap-usap, hindi nila alam na may isa palag taona nakikinig sa kanila. Napangisi ito ng malaman ang mga pinagsasabi ng tatlo kaya naisipan nito na iisa-isahin niya ang mga 'to. Walang nakakaalam na isa pala sa mga kasamahan nila ang lihim na gumagawa ng karumal-dumal na mga gawain. Isa sa kanila ang minsan ng nakagawa ng gawaing tanging ang mga may sakit o may problema sa pag-iisip ang gagawa. isang taong akala mo ay isang anghel na tila pumarito sa mundo para magbigay ng kabutihan ngunit lagim pala ang inaasam. 


Isang tao na papatay sa kanilang lahat.

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon