Part II

201 7 3
                                    

"Viv? Viv?"

"Vivoree, gising..."

"Gising, Viv..."

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Teka, nasaan ba ako?

"Vivoree.." Napatingin ako sa tao na nasa aking harapan. Ck?

"Viv, ayos ka lang..?" Tanong ni Sammie na halata ang kaba at pag-aalala sa mukha. Ipinahid din nito ang kanyang panyo sa aking noo. "Pinag-papawisan ka oh."

"Nasan ba ako?" Tanong ko at kumilos para ako'y makatayo.

"H'wag." Napatingin ako kay Ck at pinahiga ako. "Magpahinga ka na muna."

"Nandito tayo sa clinic," Dugtong nito.

"Bigla ka nalang kasi nahulog sa kinauupuan mo kanina. Ano bang nangyari? Nahilo ka ba?" Tanong saakin ni Sammie.

Kahit na hindinko alam ang dahilan at tumango na lamang ako. Sumasakit parin din kasi ang aking ulo at parang hindi ko pa kayang tumayo.

"Sige, iiwan ka nalang muna namin dito. Babalik na kami sa classroom," Tiningnan ni Ck ang kanyang relo. "Malapit na ang oras para sa next class."

"Sige Viv, babalikan ka nalang namin after class ah." Tumango ako kay Sammie at ng makaalis na silang dalawa ni Ck ay nakaramdam na naman ako ng kaba.

Dahil ba 'to sa napanaginipan ko? Hindi pala talaga 'yun totoo. Panaginip lang pala ang lahat ng 'yun.

Pero bakit parang totoo? Parang nangyari nga 'yun kanina.

Napabuntong-hininga ako at napabangon. Isinuot ko ang aking sapatos at nakalabas naman ako kaagad ng clinic dahil sa wala ang nurse at doctor na nagbabantay.

Dumiretso ako sa building kung saan ang classroom ko. Habang naglalakad ay napansin kong walang katao-tao. Oo, oras kasi ng klase pero parang kakaiba. Iba ang paligid. Iba sa pakiramdam.

Nang nasa hallway na ako ay binilisan ko ang aking paglalakad. Mabilis akong umakyat ng hagdan at tiningnan ang bawat silid na aking madadaanan. Gusto ko kasing siguraduhin na hindi ako nag-iisa.

Kinabahan ako ng makitang walang estudyante sa unang silid na aking nadaanan. Pati na sa pangalawa at pangatlo. Dahil nasa huli ang aming silid ay parang unti-unti na naman ako nakakaramdam ng kaba at takot.

Palingon-lingon ako, umaasa na baka may nakasunod sa akin na estudyante o kaklase ko. Hanggang sa makaabot na ako sa harap ng aking classroom ay nag-aalinlangan parin akong pumasok.

Nilakasan ko nalang ang aking sarili at agad na pumasok ng hindi lumilingon. Wala na akong choice kundi kunin yung phone ko na nasa loob ng aking bag.

Lumabas din ako kaagad at hinanap ang number ni Sammie sa aking contacts.

Muntik ko ng mabitawan ang aking cellphone ng marinig kong may parang nahulog. Napalingon ako sa likod at dali-dali na bumaba ng hagdan.

Nakalabas na ako ng building at tinext ko siya. Para akong sira na nakatayo lang sa labas ng building at palinga-linga sa paligid.

Maya-maya ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa aking kamay.

"Hello?"

"Vive, si Sam 'to. Hiniram ko lang cellphone ni Ck. Wala akong load e," Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko ng marinig ang boses ni Sammie.

"Nandito nga pala kami sa gym, kaya mo na ba? Punta ka dito, dali!" Napangiti ako matapos kong maibaba ang tawag.

Pagkapasok ko palang ng gym ay biglang nag-hiyawan ang mga tao. Kaya pala walang katao-tao ang mga classroom ay nandito lahat ng estudyante.

Ano bang meron at nandito sila lahat?

"Viv!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pangalan ko.

"Vivoree!" Namataan ko ang kumakaway na si Sammie na nakatayo sa bandang gitna ng bleachers.

Ngumiti ako at naglakad patungo sa kinaroroonan niya.

"Ano bang meron?" Tanong ko sakanya ng makaupo na kami.

"Duh? Teacher's Day kaya ngayon." Napatango nalang ako at binigay niya sa akin ang isang bote ng C2.

"Alam mo ba? Kakanta si Ck ngayon." Pakindat-kindat na sabi ni nito. Hindi ko siya pinansin sa panunukso niya at ininom nalang ang kanyang bigay na C2.

"Ano na ba ang real score ninyong dalawa, ah?" Tanong niya habang kumakain ng footlong. "Alam mo, maraming umaaligid sa asawa mo," Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo, sino naman kasi ang hindi hahanga sakanya e matalino na nga, magaling pa sa sports, marunong pa sumayaw at kumanta." Sabi niya habang ngumunguya.

"Bahala sila." Sa totoo lang ay crush ko si Ck noon pa. Schoolmate kasi kami noong elementary. Una ko siyang nakita sa may playground ng school namin. Dahil new student ako sa paaralan na pinapasukan niya ay wala pa akong kaibigan. Kaya ng makita ko siyang naglalaro ng jolens kasama ang nga kaklase niya ay nakisali na rin ako. Dahil medyo magaling naman ako sa larong yun ay natalo ko ang mga kaklase niya.

Nagalit sila saakin at kay Ck dahil bakit daw niya ako pinayagan na sumali sa laro nila. Pero pinagtanggol niya ako. Naging magkaibigan kami. Tuwing recess at lunch break ay sabay kaming kumakain. Kapag oras na ng uwian ay sinasamahan niya akong maghintay sa labas ng school hanggang sa dumating yung mama ko. Ganun siya kabait, kaya naging crush ko siya.

Hindi ko lang alam kung bakit hindi na niya ako medyo pinapansin ngayon.

"Huy!" Napatayo ako at na-out of balance tsaka muntikan ng matumba ng bigla akong ginulat ni Sammie.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko na parang magkadugtong na ang dalawang kilay sa inis.

"Sorry," Pangiti-ngiti niyang sabi. "Bakit kasi ngiti ka ng ngiti dyan? Kanina pa ako nagsasalita dito, 'di ka naman nakikinig."

"May iniisip lang ako." Sabi ko at napayuko. Sa gilid ng aking mga mata ay naramdaman kong may nakatanaw sa direksyon ko.

Itim ang kabuohan nitong kulay na parang anino lang ng tao. Inasahan ko na makita ito ng lumingon ako sa aking kaliwa pero wala, wala akong nakita.

Kahit na matagal na akong may nararamdaman sa paaralan na ito ay natatakot ako na umamin at sabihin sa iba. May naririnig na rin akong mga sabi-sabi sa lugar na ito pero hindi ako naniniwala.

"Kung may taong dapat na mahalin
Ay walang iba kung 'di ikaw
Walang ibang makakapigil pa sa akin.."

Nilingon ko ang stage kung saan siya lumabas. Kalakip ng kanyang kanta ay ang hiyawan ng aking mga schoolmates.

"Binuhay mong muli ang takbo
At tibok ng puso sa'yong pagmamahal
Ang buhay ko'y muling nag-iba
Napuno ng saya.."

Sa bawat linya ng kanyang kinakanta ay tila nagsisiliparan din ang mga paru-paro sa aking tiyan.

"Sa Lahat 'di maari, 'di maaring iwan
Wala ng makakapigil kahit na bagyo man. Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan? Paano ba?..."

Kung may gusto man akong paniwalaan ito yun. Naniniwala ako na may nararamdaman parin ako sakanya kahit na hindi ko aminin.

Alam ko na darating ang araw na malalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko sakanya pero sana ...sa araw na 'yon hindi pa huli lahat.






——————————————————
Meet me at La Loma
Date written: June 13, 2018
Date published: June 18, 2018

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon