Part VIII

144 6 13
                                    

Pumasok muna ako sa loob ng stock room. Kinuha ko ang aking cellphone at minessage si mama. Kinamusta niya ako at ganun din ako sa kanya. Dahil sa wala akong ginagawa ay tinawagan ko siya. Masaya kang kaming nag-uusap.

Mga ilang minuto lang ay naputol din uto dahil sa nawalan ng signal. Tumayo ako't lalabas na sana ng makita ko si Ck na nakatayo sa labas ng silid.

Yung kaninang normal na tibok ng aking puso ay napalitan agad ng mga rumaragasang pagtibok. Tila ba ilog na malakas ang pagdaloy ng tubig.

"Hi," Rinig kong sabi niya kaya nginitian ko siya.

"Pwede ba kitang makausap?" Tumango ako at sumunod sakanya patungo sa hagdan na pataas sa ikalawang palapag.

Hindi ako mapakali ng lingunin niya ako't tingnan. Nandito na kami sa ikalawang palapag, sa may malaking bintana na kita gilid na bahagi ng gusali.

"Anong pag-uusapan natin?" Agad kong tanong sakanya.

"Bat ka sumama." Nag-iba ang tono ng boses nito. "Ayaw ko na nandito ka."

Naguluhan ako kung anong gusto niyang sabihin saakin.

"B-bakit? Hindi ba ako pwede na sumama sainyo?"

"Hindi." Ikli nitong sabi at umiwas ng tingin saakin. Ano ba ang nagawa ko sakanya at ganito siya makaasta?

"Bakit naman? Sabi nila Rayt, okay lang?" Kunot-noo itong humarap saakin.

"Saakin hindi. Umalis ka na. Ayaw kitang makita dito." Aalis na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Ano bang problema mo? Bat ka galit?"

"Ikaw. Ikaw problema ko. At galit ako na sumama ka pa. Kabarkada ba kita?" Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya saakin. Pakiramdam ko sinapal niya ang puso ko.

Bakit ba siya ganito? Ano ba ang ginawa ko sakanya noong una? Hindi  pa nga ako nakapag-confess sa nararamdaman ko sakanya pero pakiramdam ko ni-reject na niya ako.

Iniwan niya lang akong nakatayo dito. Nagasgasan na naman niya ang puso ko. Bakit ba kasi nagkagusto pa ako sakanya e. Teka, kaya ba niya ako ginaganito kasi may feeling na siya na gusto ko siya o alam na niya na gusto ko talaga siya. Argh, nakakahiya naman 'pag ganun. 

"Hoy!" Dahil sa gulat ay muntik ko ng masampal si Vitto.

"Anong ginagawa mo dito? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Tanong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin tsaka sinipa.

"Aray! Grabe naman, nagtatanong lang naman ako e."

"Vitto.." Sabi ko humarap sakanya.

"Masakit ba ma-reject?" Malungkot na sabi at inilagay ang dalawang palad sa magkabilang-pisngi.

"Eh? Bat ako tinatanong mo? Sa pagkakatanda ko, 'di pa naman ako na-reject." Inirapan ko siya sa sinabi niya at sumadal sa bintana.

"Totoo." Sabi niya.

"Heh. Di ka pa na-reject kasi 'di ka pa naman umaamin." Nabigla ito sa sinabi ko kay napaharap ito saakin.

"Anong alam mo?" Tinuro niya ako at pinindot ang ilong ko.

"Ano ba. H'wag ang ilong ko!" Inalis ko ang kamay niya at umiwas. Pero dahil makulit siya at medyo pilyo ay sinusundan niya ako habang ako naman ay iwas ng iwas.

"Vitto kasi!" Sigaw ko sa kanya at sinubukang paluhin.

"Ck!" Natigilan kang ako ng banggitin niya ang pangakan ni Ck.

"Uy! Nakita ko kaya kayo! Hahahahaa. Akala mo ah." Agad ko siyang hinabol para yakpan ang bibig niya.

"Ck! May gusto siya kay C— oh, ano? Ano ka ngayon ah? Ck, ayiie~."

Pumasok ako sa stock room at nagpalit ng damit. Kasama ko si Erin at Kamille na nagbibihis din.

"Handa na ba kayo?" Tanong saamin ni Kamille. Tumango lang kami't ngumiti sakanya at sabay na lumabas ng silid.

Nakasalubong din namin ang iba namin na kasama. Nang makita ko si Vitto ay nanlaki ang mata ko ng inakbayan niya si Ck at ngumiti saakin.

Bwisit! Nanunukso ba 'tong kumag na 'to? Sarap tsinelasin e.

"Viv!" Pagkingon ko ay si Vitto pala ito na naka-akbay parin kay Ck.

"Sama ka na sa amin." Pakindat-kindat nitong sabi.

"Yoko!" Tunalikod na ako at naglakad papalabas ng building.

"Hoy! San ka ba pupunta?" Napatingin ako sa labas at wala ng tao. "Dito, dali!"

Inis akong lumapit sakanya at balak ko sanang lagpasan sikang dalawa ng hilahin ako ni Vitto at akbayan.

"Ikaw naman Viv, porket nandito si C—," Siniko ko siya kaya napa-aray ito at naalis ang pagkaka-akbay niya saaming dalawa ni Ck.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ck at alalang-alala ng makita namin na parang namimilipit na ito sa sakit.

"So-sorry, Vitto.." Akmang tutulungan na sana namin siya ni Ck ng bigla itong ngumiti at umayos sa pagkakatayo.

"Uy, concern." Sabi nito at may pabalik-balik pang tingin sa aming dalawa ni Ck. "Uy, sabay sila."

"Uy, bagay kayo!" Nahiya ako sa panunukso niya kaya tumalikod ako at ganun din si Ck.

"Uy, nahihiya sila. Hahahaha!" Patawa-tawa lang ito paakyat ng hagdan at naiwan kaming dalawa ni Ck na nagtatakang nakatingin sakanya.

"Tara na!" Sabi ni Zeus ng lumabas ito sa silid ng mga lalaki. Hindi ko na hinintay si Ck at sumunod na kay Zeus.

Ang AB building ay isa lamang sa mga nakakatakot na gusali ng paaralan. Lima ay noong 1923 pa nabuo at hanggang ngayon ay ginagamit pa rin bilang silid ng mga mag-aaral. Ang tatlo ay ay mga bagong gusali kapalit ng mga gusaling nagiba dahil sa kalumaan.

"Dalian mo." Sabi ni Ronnie kay Nikko na patuloy parin sa pagkalikit sa lock ng pinto para kami'y makakabas at makapunta sa kabilang gusali.

"Bat ka ba nagmamadali? Wala namang naghahabol satin. Take your time, Nikko." Saad ni Kamille.

Nang mabuksan na ang pinto ay kumabas na kami at naglakad sa tulay patungo sa kabilang gusali. Ang gusaling ito ay ginawa ng Science Building ngayon.

Patuloy kami sa paglalakad. Iba ang lugar, sobrang dilim na kung di ka mag-iingat baka madapa ka or pwede kang mabunggo sa anong bagay. Ang naiibang kulay na aking nakikita bukod sa itim ay ang ilaw sa aming mga dalang flashlight.

"Uy ano ba? H'wag n'yo akong hawakan. Ang lamig." Rinig ko mula kay Chienna.

Inis na inis si Chienna dahil sa may patuloy na humahawak sa balikat niya.

"Isa na lang ah, sasapakan ko talaga kayo." Wala naman ang may sumagot sakanya dahil sa hindi namin alam lahat kung sino ang tinutukoy niya.

*Blaaag*

Napahinto kaming kahat sa paglalakad at napalingon sa pinasukan naming pinto kanina.

"H'wag n'yo ng pansinin, sigurado ako hangin lang 'yon." Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa laboratory matapos sabihin iyon ni Luke.

Pero 'di pa man kami nakakahakbang ay biglang umilaw ang boung paligid.

_______________________________________
Meet me at La Loma
Date written: July 3, 2018
Date published: July 4, 2018

meet me at la loma • kierviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon