Julia's POV
Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko ng magising ako. Nasanay akong maaga nagigising. Nanatili akong nakahiga habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
Nasanay akong maaga nagigising. Simula ng makabalik ako dito sa bahay lagi na akong nagigising ng maaga kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock ko. Sa tuwing gumigising ako nagaantay ako ng katok mula sa labas. Katok mula sa tatlong ungas na lagi akong pinapasaya. I closed my eyes when my tears came down. Lagi nalang akong ganto. Nauulila sakanila. Napamahal sakanila eh.
Tumayo na ako ng mag alarm ang alarm clock ko. Ngayon na ako papasok sa eskwelahan.
Agad akong naligo at nagtungo sa walk in closet ko. Napatigil ako ng madampot ko ang itim kong damit. Sa tuwing nagbibihis ako eto palagi ang nakukuha ko. Nasanay din akong gamitin ang itim na damit. Napangiti ako ng mapait at ibinalik ito.
Bahagya akong napatingin sa uniform kong suot. Sinadya ba to? Kung kulay itim lang ito aakalain kong uniform to sa D.U. Pero Black and white to. Black na black kasi ang sa D.U at walang blazer. Kulay itim na palda na may puting line sa laylayan, Puting long sleeve polo uniform na may itim sa may laylayan at black blazer na may logo ng Elite Academym.
Napaupo ako sa kama ko habang nakatingin sa suot ko. Hindi nalang sana kami lumabas kung ganto kalungkot ang buhay namin. Imiss D.U kahit na kakaiba dun. I miss them.
Agad kong pinunasan ang luha ko at agad nag ayos. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba.
"Goodmorning Julia!"- bati ni Yaya Sheila sakin. Personal Yaya ko simula bata pa ako. Ngumiti lang ako at bumaba na.
Nadatnan ko si Kuya na kakalabas palang ng kusina na may dalang fresh milk.
"Goodmorning Nics! ang aga mo ah. Nasanay ka bang gumigising ng maaga sa dati mong school?"- tanong ni kuya sakin. Iniwasan ko nalang siya at umupo na.
"Anong gusto mong almusal iha? Ipagluluto kita"- nakangiting tanong ni Manang Felly. Ang katulong namin simula bata pa kami.
"Pwede po bang Pancit Canton na may nilagang itlog?"- tanong ko na ikinatigil nila.
"At kelan ka pa natutong kumain ng pancit canton?"- hindi makapaniwalang tanong ni kuya.Nagkibit balikat nalang ako.
"Ay syempre naman! ano bang flavor?"- tanong ni Manang Felly.
"Sweet and spicy po"- nakangiti kong sabi na agad namang ginawa ni manang felly.
Napailing nalang si kuya.Napatingin naman kami ng dumating si CJ.
"Yow! almusal na tayo"- sabi niya pagka upo niya. Dito talaga nag aalmusal si Cj samin. Minsan nga dito pa siya natutulog. Lagi kasing umaalis si Tita.
Napangiti ako ng agad dinala ni Manang ang almusal ko.
"Ano yan?"- akala mo ngayon lang nakakita ng pancit canton.
"Pancit Canton. Ngayon ka lang nakakita? Ha Cloey?"- napasimangot siya sa tawag ko sakanya.
"CJ ho pangalan ko"- nakasimangot niyang sabi.
"How's your school year there Nics? parang busy ka dun umextend ka nga ng four months eh. Tas hindi ka man lang tumatawag"- tanong ni kuya.
"Sa may labas mo lang pala ako ihatid kuya"- pangiiba ko ng usupan. He's always asking me kung anong nangyari sakin.
"Bakit?"- tanong ni Kuya.
"Susunduin ako ng mga kaibigan ko"- sabi ko kay Kuya.Tumango tango nalang siya.
Nang matapos na kaming kumain nagtoothbrush na kami at lumabas na para intayin si Kuya na kinukuha ang sasakyan niya sa garahe.
"Wala ka man lang pasalubong sakin Juni?"- Juni nanaman! tawag niya sakin yan pag naagaasar. JUlia NIcole.
Babatukan ko sana siya ng natatawa siyang umilig. Bigla namang lumabas si Kuya at agad na kaming sumakay sa kotse ni kuya.
Tumigil kami ng makarating na kami sa labas ng Village.
"Dumiretso sa school Julia ah. Aantayin namin kayo sa Parking Lot"- bilin ni Kuya. Tumango lang ako at naglakad papunta sa kulay blue na kotse na nakaparada.
Naka crossed arm akong nakatingin sa tinted na salamin ng kotse ni Zane. Bigla naman tong bumukas at bumungad ang naka shades na si Zane na nakangiti.
"Goodmorning Beautiful"- nakangiti niyang bati na nakuha pang sumilip. Nairap naman ako at agad umikot para buksan ang pintuan sa backseat.
Bago ko buksan ang pintuan ay bigla namang bumukas ang pintuan sa may tabi ng Driver's Seat.
"Wag ka namang dumagdag sakanila. Mapagkakamalan akong driver niyo sa gwapo kong to"- parang bata niyang sabi. Napangiti nalang ako. Kahit na wala yung dalawa napapasaya padin ako ni Zane.
"Nagbreakfast ka na Julia?"- tanong ni Amber. Nilingon ko naman silang dalawa ni Primo na kumakain ng sandwich.
"Yeah. Pancit Canton pa nga eh"- pangiinggit ko sakanila.
"Namimiss ko ng kumain ng Pancit Canton"- parang batang sabi ni Amber.
"Ingat kayo sa school"- sabi ni Zane.
"Hay! wala yung kukulitin ko"- dismayadong sabi ni Amber.
"Wala ng magdadala ng pagkain ko"- kunwari malungkot kami para maawa si Zane.
"Ako lang tuloy ang nagiisang lalaki at magbabantay sa dalawang to"- dagdag ni Primo. Napa preno naman si Zane at humarap samin.
"Umayos nga kayo. Para namang lalayas ako. Nasa ibang school lang ako. Tawagan niyo lang ako at pupunta agad ako"- cool na sabi ni Zane na ikina "Tss" namin At sinimulan ng paandarin ang sasakyan niya.
Napangiti nalang ako while rubbing my Necklace. Yung ibinigay na kwintas ni Seth sakin.Nung una akala ko kung ano to inilagay ko kasi to sa Leather Jacket ko nung binigay to ni Seth. Kahit na wala si Seth ramdam ko padin na andito siya.
Napaayos kami ng upo ng papasok na kami ng parking lot ng school.
Agad kaming bumaba ng huminto na si Zane.
Nahagip ng mata ko sila Kuya na nagiintay sa may tapat ng kotse."Julia is here"- masayang sabi ni Bea. Beatrixe Agoncillo kapatid ng pinaka matandang member ng Dark Venom na si Kuya Lei
Nagsi lapitan naman sila Kuya samin.
"Walang pinagbago ang ganda mo padin Lia"- pambobola ni Troy pero nanatiling naka poker face ang mukha ko.
"Sana mapunta ka sa section namin"- nakangiting sabi ni Cassy. Natigil ako ng makita ko ang nasa kamay niya. Siya ang Dark Venom's Princess? I thought.....
"Mauna na kami"- walang gana kong sabi. Nawalan ako bigla ng gana sakanila.
Nauna na akong maglakad sakanila naramdaman ko namang sumusunod sila Amber.
Ano pang dahilan ng pagbalik ko? Tss.
--------
A/N: Please don't forget to Follow me mwah!
VOTE
COMMENT
AND SHARE THIS TO YOUR FRIENDS *wink*