Alas singko na ng makauwi ako sa bahay. Buti nalang at wala sila Kuya. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Loose cotton short at loose cotton shirt lang ang sinuot ko. Pagkatapos ay bumaba muna ako para kumuha ng tubig. Hindi pa uuwi si Kuya?
Dahil wala akong magawa nagpalit ako ng maong na denim short at nagsuot lang ako ng Jacket. Kinuha ko na ang cellphone ko at bumaba.
Saktong paglabas ko ng gate tumunog ang cellphone ko.
Amber...
"Yes?"- bungad ko sa kabilang linya habang nag lalakad.
"Where are you?"- tanong niya sa kabilang linya. Napansin kong malayo layo na pala ako sa bahay. San nga ba ako pupunta?
"Naglalakad lakad. Palabas na ako ngayon ng Village"- sagot ko narinig kong siyang nagbuntong hininga. May mga narinig din akong kung ano ano. Nasa HQ ba ang mga to?
"Go back to your house Julia. Now!"- nagulat ako ng sumigaw siya. Ano bang Problema ng isang to. Epekto nanaman ba to ng selos niya?
"What's your problem Amb. Epekto nanaman ba to ng selos mo. Sorry i can't go back. Masyado na akong malayo at chaka naka labas na ako ng Ville"- sagot ko narinig ko siyang nagmura.
"Ace! Puntahan mo si Julia!----Julia pumunta ka sa lugar na walang makaka kita sayo. Anywhere! Papunta si Santi jan sainyo. Siya na mismo ang kukuha sayo. Ju----"- naputol ang tawag ng mapindot ko ito. Bigla nalang akong kinabahan ng may itim na Van ang paparating. Fvck! Hindi na ako lumingon lingon pa. Mabilis akong tumakbo pabalik pero huli na ng may humarang na Van sa dadaanan ko. Fvck!
Buti nalang at suot ko ang relo pinindot ko ang tawag doon.
"Julia! Julia fvck! Where the hell are you?!"- rinig kong sigaw ni Seth.
"Im trapped here. Oh fvck!"- napamura ako ng namatay ang tawag at biglang bumukas ang pintuan ng Van. Lumabas mula doon ang nakangiting si Santi at Brenda.
"Long time no see, Julia"- nakangiting sabi ni Brenda.
"Kamusta ang buhay sa labas? Happy? Fun? Or mas Fun sa DU?"- nakangiting tanong ni Brenda.
"Kung ibinigay mo ang kailangan namin hindi tayo aabot sa gantong paraan Julia"- si Santi na ngayon ang nagsalita. Nanatili lang akong tahimik.
"Now. Where's the ring and the necklace? And the tape"- halatang galit si Santi sa huling sabi niya. Yun lang naman ang alas namin.
"Sinabi ko na sa kanang kamay niyo na wala saakin. Wala!"- sigaw ko. Bigla nalang lumapit si Santi at sinampal ako. Fvck! Sampal nanaman! Kelan ba to titigil kaka sampal.
"Ibigay mo na Julia kung ayaw mong bumalik sa DU"- pananakot niya.
"Wala sakin"- matigas kong sabi. Tatakbo sana ako ng hawakan ako sa magkabilang braso ng mga tauhan niya.
"Bitawan niyo ako!"- sigaw ko sakanila at pilit inaagaw ang kamay ko.
"Ipasok niyo na yan sa sasakyan. Gusto mo ng patayan? Sige pagbibigyan kita. Itatabi kita kay Erris gusto mo ba yun?"- nakangiting bulong ni Santi sakin. Bago pa ako masakay ng dalawang tauhan niya. Inapakan ko ng malakas ang isa at yung isa ay tinuhod ko kaya nabitawan nila ako.
Nang makawala ako mabilis akong tumakbo pero mabilis nanaman akong naharang ng mga tauhan ni Santi.
"Sige lang humarang kayo ng humarang para onti onti kayong maubos"- pagkasabi ko nun ay mabilis kong sinapak yung isang lalaki. Siniko ko naman sa mukha yung isa.
Maya maya ay pinalibutan na nila ako. Ano tingin nila sakin hindi handa? Tch. Kinuha ko sa suot kong jacket yung mga patalim at pinatama yun sa dalawang lalaki. 2down.
Nang tatlo nalang sila hindi na ako nag patagal hinila ko ang isa at pinaikot ang kamay niya at binalibag. Akmang sisipain naman ako ng isa ng mabilis kong makuha ang paa niya at pinaikot ikot yun ibinalibag ko din siya at tumama siya sa lalaking nasa likod niya.
Nang napatumba ko na sila chaka na ako tumakbo pero hindi pa ako nakaka layo ng bigla nalang akong naupo dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa binti ko. Naramdaman ko nalang na may tumutulo ng likido sa binti ko.
"Trying to escape? Nakabawi din ako sayo"- napa lingon ako sa nagsalita. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang kapatid ni Santi na si Celeste.
"Hello Julia dear. Miss me?"- nakangising bungad ni Celeste sakin.
"Ofcourse i miss you. Namimiss kong basagin yang mukha mo!"- mabilis kong inuntog ang noo ko sa ilong niya na ikina sigaw niya.
"Fvck! Mommy!"- tili niya na ikina ngisi ko. Tatayo na sana ako para tumakas ng may humawak nanaman sakin at pilit akong pinatatayo.
"Hindi na makakatakbo yan"- nakangising sabi ni Celeste sa mga tauhan nila. I raise my middle finger on her na ikina inis niya.
Ipinasok nila ako sa itim na Van at may kung ano nanamang itinurok sakin. Fvckers!
-------
Nagising ako ng may malakas na sampal akong natanggap.
"Wake up sleepyhead. How's your sleep?"- nakangiting bungad ni Celeste sakin.
Nasan ako? Inilibot ko ang paningin ko. Puro pader lang ang nakikita ko. Nasa isang napaka dilim na silid ako na tanging dalawang ilaw lang ang nakabukas.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas yun at pumasok ang mag ina.
"How's your sleep dear?"- tanong ni Brenda sakin. Inirapan ko lang siya at pilit tinatanggal ang taling naka tali sa mga kamay ko.
"Hindi ka makaka takas Julia. Hinding hindi."- nakangising sabi ni Brenda. Napadaing ako ng igalaw ko ang kaliwang binti ko na binaril ni Celeste kanina. Teka? Anong oras na nga ba? Hinahanap na ako ni Kuya.
"Ilabas niyo na nga ako dito! Wala kayong makukuha sakin!"- sigaw ko sakanila.
"Isa lang naman ang kailangan namin Julia. Hand over the tape and that ring and we'll set you free"- nakangising sabi ni Brenda. Ngayon ko pa ba isusuko yun kung kelan alam ko na ang lahat lahat.
Kung kelan alam ko ng kapatid niya ang Presidente at alam kong sila ang may pakana ng eskwelahang yan. At alam kong may ginawa sila sa mga estudyante. At sigurado akong sila ang nangidnap sa apat na menor de edad na nawawala nung nakaraan.
I can't give that freaking ring and necklace. Hindi pwedeng mapasakanila yun lalo na't kasabwat nila ang Presidente.