Chapter 25

1.2K 52 0
                                    


Julia's POV

Tahimik kaming nagaasaran sa kwarto ko habang kumakain ng Pizza na pinadeliver ni Seth.Nagutom sila sa kakaharot.

"Si Julia dati lagi yang nakabusangot lalo na pag mag yoyoga siya"- natatawang sabi ni Amber na ikinasingkit ng mata ko.

"Kasi ayaw na ayaw niya yun nabubugbug daw yung katawan niya"- dugtong ni Ace Ang sakit kaya sa katawan. Lalo na tuwing gagawin yung kailangan aabutin mo yung paa mo ng hindi nag bebend yung tuhod mo.

"Pinagtutulungan niyo kong dalawa ah"- napabusangot nalang ako.Inakbayan nalang ako ni Seth at pinisil ang pisnge ko.

"Seth inaaway nila ako"- pagpapa cute ko at nagpout.Binato naman nila ako ng unan na tumama talaga sa mata ko.

"Stop nagkakasakitan na kayo"- rinig kong sabi ni Seth.Hinawakan niya ang muka ko at inihipan yung mata ko.Napa kurap ako ng may magflash.

"Ang cute niyo!"- agad inagaw ni Seth yung Camera kaya Amber at tinignan namin ito.

"Na Elibs nanaman kayo ang ganda noh"- pagmamayabang ni Amber.Busy si Primo Zane at Ace.Naglalaro sila ng Pabg.Kanina ML ang nilalaro ngayon Pabg ano kayang sunod nilang lalaruin?

Tinignan ko yung ginagawa ni Seth.Pinicturan niya yung picture namin sa Camera ni Amber.Si Amber lamon ng lamon.

"Sinend ko sayo"- napairap nalang ako sa ginawa niyang pagkindat.

Nakisali na din si Amber sa paglalaro ng Pubg.Nagulat naman ako ng sumigaw silang apat.

"Chicken Dinner for today! wooh!"- sigaw nila.

Natawa nalang ako.Lagi nalang sana kaming ganto.Masaya.

----

Kinabukasan maaga akong ginising ni Kuya.Oh well! ngayon pala kami aalis papuntang Resort nila Seth.Andito naman na ang lahat ng kaibigan ni Kuya kaya wala ng problema susunduin nalang kami nila Seth.

Pagkatapos kong magayos ay kinuha ko na yung bag ko na naglalaman ng damit at bumaba na.Nadatnan ko naman sila na nagaayos na din sa baba.

"Umayos ka Mico! Walang maiiwan sumama ka"- pagpipilit ni Ate Serina kay Mirco.Ayaw niya kasing sumama.Napatingin naman siya sakin kaya nagiwas ako ng tingin.Pagkatapos kong marinig yun may mukha pa ba akong ihaharap?

Nagtungo na ako sa kusina at naupo para kumain.

"Mahaba haba ang byahe kaya Kumain kayo ng madami"- pasimple pang kumuha si Kuya ng Hotdog eh noh.

Natigil naman kami ng may bumusina sa labas.Here comes the morons.Napatayo na kami at nag ayos na.

"Manang alis na po kami"- paalam ni Kuya tumango lang si manang at ngumiti.

"Mag iingat kayo ha"- nakangiting sabi ni Manang.

Pagkalabas namin nasa labas ng Van sila Seth. Lumapit si Seth sakin at kuunin sana yung bag ko ng ngumisi aki at hinagis ko ito kay Zane na ikinatingin nila Primo at nila Kuya.

"Woy! ayoko mag drive!"- agad pinasa ni Zane yung bag kay Primo at pinasa naman ni Primo kay Ace at pinasa sakin na pinasa ko kay Seth.

Nagpapasahan lang kami ng patugtugin ni Amber yung lagi naming pinapatugtug pag nagpapasahan ng bag.Pag tumigil yung kanta at kung kanino tumigil yung bag siya ang mag dadrive lagi kaming naggaganto dahil pare parehas kaming ayaw mag drive.Laging kawawa sa ganto si Zane.

"Sali kayo?"- tanong ni Amber habang nagpapasahan kami.Babatuhin sana ni Seth sakin ng tumaas ako ng kamay.

"I'm out"- nakangiti kong sabi na ikinahinto nila.Tinuro ko yung speaker ni Zane na tumutunog kaya pinagpatuloy nila ang pagpapasahan.

"Bat ang bilis!"- angil ni Ace.natatawa ako sa mukha ni Ace.

"Naka twenty na ako"- natatawa kong sabi sakanila.Pero ang totoo nakaka sampung salo palang ata ako.

"Let her be.Lagot satin yan sa Van"- nakangising nakatingin sakin si Seth.

"I'm out!"- parang batang natutuwa si Amber.

"Hindi ako magdadrive yes!"- pumalakpak si Amber at nagtatatalon parang bata tong isang to.Apat na lang silang lalaki.

"Im out!"- sabay na sigaw ni Zane at Seth.

"Nakaligtas ako wooh! Yes!"- sigaw ni Zane.

"Pasensya na kayo sa mga to. Tamad silang mag drive kaya kailangan yan"- paliwanag ni Amber kila kuya na natatawa.

"Matatapos na yung kanta Haha"- tawa ng tawa si Zane.Palibhasa first time niyang hindi magdadrive.

Natapos ang kanta at si Primo ang magdadrive tawa kami ng tawa dahil nakabusangot na nga si Primo inaasar pa ni Ace.Pumasok na kaming lahat sa Van buti nalang at kasya kami.

Nasa driver's seat si Primo sa tabi niya si Seth.Sa likod nila ay Si Zane Ako Amber at Ace.Sa likod namin sila Kuya,Ate Serina,Cassy at Peyton,Sa likod ulit nila Sila Troy,Brian,Luhence,Cj at Mirco.Hindi sumama si Bea dahil may lakad daw sila ng Family niya.

Nagsimula ng magdrive si Primo.Napatingin naman si Seth sakanya at tumawa.

"Ayusin mo nga yang mukha mo Primo baka madisgrasya tayo"- natatawang sabi ni Seth na ikina tawa na din namin kaya mas lalo siyang napa simangot.

"Ang sama niyo kay Primo"- napatingin naman kami kay Zane na may earphones sa isa niyang tenga.

"Nababakla ka na? Para kang si Blake ah"- natatawang sabi ni Amber natawa ako pero nawala din yun.Kamusta na kaya sila Blake? Asan kaya sila? Kung andito sila makakasama din sila samin. Nilabas ni Amber yung DSLR niya at pinicturan si Primo.

"Stop it Amb"- saway ni Primo na ikina tawa lang ni Amber.

"Ehem!"- napatingin ako kay Seth na nginitian lang ako.

"Kayong dalawang babae kunin niyo to"- inabot samin ni Seth yung gatas na hawak niya.

"Paki abot sakanila Amber"- utos ni Seth at kinuha ni Amber yun.

"Kumain na ba kayo?"- tanong ni Amber kila Kuya sa likod tumango naman sila.

"Eto oh may junk foods,Biscuits at Coke jan"- sabi ni Amber sabay abot.Hindi ko mabuksan yung gatas ko dahil makalat ako magkabit ng straw.

"Akin na nga makalat ka magbukas baka langgamin yung Van"- biglang inagaw ni Seth yung gatas ko at binuksan ito.Pagkatapos niyang buksan binigay niya agad ito sakin.

Tahimik lang kami ng magsimula ng mag video si Amber.

"Pengeng snacks"- agad namang nagabot ng malaking Piatos si Seth sakin.

Binuksan ko ito at kinain namin ito ni Amber.Yung katabi ko kasing si Zane tulog habang naka earphone.Si Ace naman naglalaro.

"Ace"- tawag ko kay Ace.

"Don't disturb me,Badass"- agad ko siyang sinimangutan.

"Seth"- tawag ko kay Seth na nakababa na yung sandalan niya at nakapikit.Napadilat siya at tumingin sakin.

"Bakit?"- tanong niya sakin.

"Peram earphone"- agad niyang kinuha yung earphone niya at inabot sakin.

"Walang Thank you?"- tanong niya.Umiling ako at tumawa.

"Tama na landian"- napalingon naman ako kay Ace na nasa iphone ang atensyon.

"Maglaro ka nalang jan Ace"- sabi ko at sumandal kay Zane.

"Badass ang bigat ng ulo mo"- reklamo ni Zane. Tinanggal ko yung shades niya at pinitik ang noo niya na ikinatawa niya.

"Mas mabigat ka ungas"- sagot ko na ikinatawa niya ulit. Akmang hihiga ako sa lap niya ng paluin ni Seth at Ace yung paa ko.

"Umayos ko naka short ka! Sino nagsabing magshort kayong dalawa?"- tanong ni Ace samin. Inabot samin ni Seth yung kumot na nakapatong sa lap niya.

"Use that."- nakangiting sabi niya. Kinuha ko yun at kinumutan ang hita namin ni Amber.

Sinaksak ko yung earphone sa tenga ko at pinlay yung kanta. Nilingon ko muna si Zane bago sumandal sakanya.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon