Chapter 36

1.1K 39 0
                                    

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo ko. Naramdaman ko nalang na naka sunod na pala si Mirco sakin. Fvck! Ano bang nangyayari kay Seth?

Nakarating ako sa Parking Lot na pinag pipyestahan na ng mga tao ngayon.

"Anong meron?"- rinig kong tanong ni Mirco.

"Julia? Mirco andito pala kayo"- bigla nalang sumulpot at lumapit si Kuya samin.

"Anong meron?"- tanong ulit ni Mirco kay Kuya.

"Yung kaibigan mo Julia may kaa---

Hindi ko na pinatapos si Kuya at mabilis akong sumingit sa mga tao para makita sila Ace.

Nang maka punta na ako sa gitna ay nagulat ako dahil sa nakikita ko. Fvck! Kailangan mapakalma si Seth.

"Seth!"- sigaw ko sakanya pero wala siyang naririnig. Tuloy padin siya sa pakikipag sapakan. Mas madaming tama ang kaaway niya.

Hinanap ng mata ko sila Ace. Buti nalang nakita ko agad sila kaya mabilis akong naka punta doon. Nagulat ako ng katabi na nila sila Kuya pati si Mirco na nakatingin na sakin.

"Why did you let him! Kanina lang kausap ko siya at kasama niya kayo"- singhal ko kila Tyler.

"Pinigilan ko siya. Tignan mo ang ginawa sakin oh"- pinakita ni Tyler yung siko niyang may sugat.

"Prim may pampakalma ka ba jan?"- tanong ko pero mabilis siyang umiling.

"Mapapatay na ng kaibigan niyo yung lalaki!"- sabat ni Troy na ikina lingon namin sa gawi nila Seth.

"Oh my god! Pigilan niyo na si Seth! Ano ba!"- sigaw ni Amber. Nasa ilalim na yung lalaki at panay suntok na ni Seth dito.

"Seth Stop!"- sigaw ko pero hindi niya padin ako naririnig. Lumapit na ako ng kaunti.

"Seth!"- sigaw ko ulit. Lumapit na si Ace,Primo,Tyler at Zane kay Seth at pinipigilan ito pero masyadong malakas si Seth kaya natulak sila. Halatang nang gigigil si Seth dahil ang lakas niya.

Tumulong na sila Kuya samin. Sila ang humiwalay sa lalaki samantalang sila Ace naman ang kay Seth. Tumulong na si Troy at Luhence sa pag hawak kay Seth. Lumapit na din ako kay Seth para pakalmahin siya.

"Seth. Seth. Hey look at me. Wag mo siyang tignan"- pilit kong pinapatingin si Seth sa mga mata ko pero galit padin siyang nakatingin sa lalaki. Dahil sa inis ko nilapitan ko yung lalaki at kinweyuhan. Lumapit si Tyler at sasapakin sana yung lalaki ng pigilan siya nila Mirco.

"What did you do?"- mahinahong tanong ko sa lalaki. Ngisi lang ang isinagot niya sakin.

"Hindi ka maka intinde ng English? O sige tatagalugin ko at pag hindi mo sinagot hindi ako magdadalawang isip na saktan ka. Hindi mo ako magugustuhang magalit....Ngayon tatanungin ulit kita. Anong ginawa mo. Hindi magagalit ng ganyan ang kaibigan namin ng wala kang ginagawa"- tanong ko ulit.

"He crash Seth's side mirror. At siya ang dating Commander sa unit natin"- bulong ni Tyler sakin. Napangisi ako sa narinig ko. Na iinsecure ang isang to.

Binitawan ko siya at lumapit kay Seth. Nasa gilid na siya ngayon ng kotse ng kung sino. Naka sandal. Biglang tumunog yung kotse kaya hinanap ko yung may ari. Nagulat ako ng makita ko si Mirco sa harap ng kotse.

"Hey Seth...Drink this"- inabot ni Zane yung tubig kay Seth na mabilis niya namang kinuha at ininom. Tulala padin si Seth at nag iigting bagang padin.

"Seth. Look at me. Calm down. Hayaan mo na yun. Napuruhan mo na siya"- pag papakalma ko. Bigla nalang siyang tumingin sa mga mata ko at kitang kita sa mga mata niya ang lungkot.

"I--I'm a Monster"- naiiyak niyang sabi at yumuko.

"No your not. Um Yeah your being a Monster pero hindi ka yan Seth. So please calm down. Ililibre mo pa ako"- natatawa kong sabi sa sinabi ko sa dulo. Sumulyap siya sakin at ngumisi.

"Thanks for always being there"- nakangiting sabi niya.

"No. Ako ang dapat mag pa salamat. Tumayo ka na jan at gagamutin ko ang sugat mo sa kotse mo. Lagot ka sakin"- napangisi siya sa huling sinabi ko. Tumayo na ako at tinulungan siyang tumayo. Inintay ko pa siyang tumayo dahil masakit ang katawan niya. Makipag bugbugan ba naman kasi eh.

Buti nalang at andun si Troy kaya tinulungan niya ako.

"Thanks Troy"- nakangiting pasalamat ko. Ngumiti lang siya at pinat ang balikat ko pati ang balikat ni Seth. Close sila?

"Ako na ang magdadrive. Nakipag bugbugan kasi ang driver natin"- natatawang sabi ni Tyler. Nasa backseat kasi kami ni Seth. Sa likod namin andun si Amber at Hailee na inaasar si Seth.

"Ang lakas lakas ni Seth hahaha"- tawa ng tawa si Amber.

"Buti wala si Tatay Primo Haha hindi niya maririnig ang mga pang asar ko"- napapreno si Tyler ng mag evil laugh si Amber.

"Ta**ina naman Amber oh! Nakakagulat ka!"- bigla nalang kaming nag tawanan sa Reaction ni Tyler. Kahit si Seth na masakit ang tyan ay natawa.

"Ayan ang nagiging epekto ng selos"- biglang sabat ni Hailee na ikina tahimik namin. Napalingon ako kay Amber at kumurap kurap. Selos? Kanino?

"Nagseselos ka Amber?"- tanong ko.

"Kanino?"- tanong ni Tyler.

"Samin ni Seth?"- tanong ko ulit na ikina lingon ni Seth sakin.

"Hindi sainyo Julia"- nakangiting sabi ni Hailee. Nag kibit balikat nalang ako at sinimulan ko ng gamutin ang mukha ni Seth.

"Ty idaan mo muna sa may Fella banda dun sa may carinderia dun yung sikat na sisigan"- paliwanag ni Seth. Nagets naman agad ni Tyler yun dahil sikat nga na sisigan yun.

"Uy! Mag papa sisig si Seth"- mahinang napasigaw si Seth ng hampasin ni Amber ang braso niya.

"Tinotorture moko Amber"- mahinang sabi ni Seth. Umiling lang ako at ginamot na ang sugat ni Seth.

Mabilis kaming nakarating sa sisigan at nag pa order si Seth ng Sampung Order ng sisig. Ganyan talaga ang mayaman. Tch.

"Napano ang mukha mo iho?"- tanong nung matandang babae na kakilala ni Seth. Nakalimutan ko na kasi ang pangalan.

"Wala ho to. Napaaway lang"- nakangiting sagot ni Seth. Oo nga pala asan ang bag ko. Omy!

"Nadala ba ni Amber ang bag ko?"- tanong ko kay Seth. Napa isip pa siya at chaka umiling. What the fvck! Amber Chen! Bat mo iniwan ang bag ko?!

"Kiddin' nasa kotse ko ang bag mo"- natatawang sabi ni Seth. Hinampas ko siya sa braso na ikina daing niya.

"Woah! Masarap ba dito?"- manghang tanong ni Amber. Napagkakamalang ignorante ang isang to.

"Hoy yang epekto ng pagkaselos mo ah. Tigil tigilan mo. Para kang ignorante"- nawala nalang bigla ang ngiti sa labi ni Amber at inirapan si Hailee.

"Doon ba ang Condo mo Seth?"- tanong ni Tyler habang nakaturo sa may mataas na building doon. Tumango lang si Seth sakanya.

"Kunin mo ang Order Amber tutal nagseselos ka diba. Luma love life ka ah. Lagot ka kay Primo"- huling sabi ni Seth at nagsipasukan kami sa sasakyan at iniwan siya doon.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon