Chapter 51

800 30 0
                                    


Ngayon nag sisisi na ang dalaga kung bat siya nagsuot ng not fitted skirt. Kung alam niya lang na mag papractice na sila ng sayaw edi sana nagpants siya o kaya Jogging pants.

Napaupo siya sa Sofa doon ng matapos nila ang Apat na step. Mabilis siyang napagod dahil mahirap ang steps.

Nagulat siya ng abutan siya ni Mirco ng tubig. Tinignan niya muna ito bago tanggapin yung tubig. Pag ka abot niya ay mabilis ding umalis ang binata at bumalik sa pwesto nito.

"You look tired. Apat na step palang yun"- natatawang sabi ng Artistang si Robi. Siguro dahil hindi pa siya sanay kaya nahihirapan siya ngayon.

"Ganyan din ako dati hindi ko makuha ang steps kasi hindi pa ako sanay. I didn't know them kaya parang nakakatamad mag practice. But masasanay ka din"- dagdag ng binata. Wala pading ka emo emosyon ang mukha niya.

"Maiwan na muna kita. Magsisimula na din kami."- tumango lang si Nicole at hinayaan itong umalis.

Napabuga siya ng hangin ng tawagin na ulit sila para sa practice.

Isang oras ulit silang nag practice hangang sa matapos na ito at magsiuwian na. Habang lumalabas na ang iba at nagpapaalam kinuha niya muna ang telepono niya sa bag at tinext si Aric na sunduin siya pagkatapos ay lumabas na din siya. Kasabay niyang lumabas si Mirco at ang Driver nito. Napahinto siya ng tawagin siya ng Driver ni Mirco.

"Ms. Nicole? Pwedeng mag pa picture?"- tanong ng Driver ni Mirco habang hawak ang batok nito.

"Yeah sure." - pag payag ng dalaga na ikina ngiti ng Driver ni Mirco. Isang taon lang ang agwat nito sa amo niyang si Mirco kaya naman mukha pa itong binata.

"Thank you Ms-----Jay ano ba! Kanina pa kita hinahanap! I wanna go home!"- sigaw ng Amo niya na ikina simangot nito.

"Salamat ulit!"- pahabol niya at dali daling tumakbo.

Naglakad na siya hangang sa matigil siya ng makitang naglalakad papunta sakanya si Ace. Himala at ito ang nagsundo sakanya.

"Ikaw ba ang driver ko ngayon?"- tanong ng dalaga. Kahit naka shades ito kita padin ni Ace ang pagtaas ng kilay nito.

"Yes Ma'm ako nga po"- pormal na sagot ni Ace na ikina 'Tsk' ng dalaga. Nauna na itong naglakad at sumakay sa sasakyan.

"Saan ho tayo Ma'm?"- tanong ni Ace ng makapasok na siya sa sasakyan.

"Pag hindi ka tumigil sa kakatawag sakin ng Ma'm sisipain kita palabas ng sasakyan"- malamig na sabi ni Nicole na ikina ngisi lang ni Ace.

"Saan nga tayo?"- tanong ulit ni Ace.

"Satingin mo saan ako umuuwi? Try mo sa Korea"- napanguso si Ace sa naging sagot ni Nicole sakanya.

Hindi siya muling sumagot at pinaandar nalang ang sasakyan.

Nang makarating na sila sa Mansyon ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya at half bath. Nanlalagkit siya dahil sa pawis. Kahit naka aircon doon pinagpawisan padin siya.

Nagsuot lang siya ng maong na short at light violet na loose shirt. Lumabas siya sa kwarto niya at nagtungo sa dining area.

"Goodevening kamahalan"- nakangiting bati ni Mimi at Patrick sakanya.

"How many times do i need to tell you na don't call me Kamahalan"- parang batang sabi ni Nicole na ikina tawa ng dalawa.

"Kain na!"- sabay na sabi ni Mimi at Patrick.

"Si Aric?"- tanong niya sa dalawa.

"Maagang kumain at natulog."- sagot ni Mimi.

"Maagang natulog? Sa pagkakaalam ko hindi siya ang nagsundo sakin. Bat ang aga niyang matulog? Pagod siya? Saan siya napagod? Di kaya----Kumain ka nalang kamahalan."- putol ni Mimi sa pagsasalita niya.

"Baka kung ano pang masabi mo eh"- bulong ni Mimi. "Ikuha mo ng maiinom ang Princessa."- utos ni Mimi kay Patrick.

"Nga pala ba't hindi ko nakikita si Butler George? Wala siya dito?"- tanong ng dalaga.

"Andito siya. Hindi niyo lang ho talaga makita si Butler George dahil busy ito sa pagsasanay sa mga ibang bodyguards."- paliwanag ni Mimi. Dumating na din si Patrick na may dalang basong walang laman at basong may laman na gatas.

Nang matapos ng kumain ang dalaga ay agad siyang umakyat sa kwarto niya. Hindi niya pa sana gustong matulog pero inaantok na talaga siya.

--------

"Mirco! Gumising ka na! Late ka na sa rehersal mo!"- sigaw ng pinsan niyang si Serina sakanya.

Sa Bahay sa Gerlina Ville na kasi dumiretso ang binata dahil minsan lang naman siya sa Condo niya.

"Mirco ano ba!"- sigaw ulit ni Serina. Napa dilat na si Mirco at naupo sa sofa kung saan siya natulog kagabi.

"Anong oras na?"- tanong niya kay Serina. Umayos ng tayo si Serina at nakapamewang na tumingin kay Mirco.

"Thirty minutes ka na hong late! Bubungangaan ka nanaman ng Manager mo."- angil ni Serina. Si Serina at Mirco lang kasi ang andito. Mga pumasok kasi ang kaibigan nila lalo na ang Boyfriend niyang si Mark.

"Ayokong mag practice."- tamad na sabi ni Mirco habang nakatingin sa kawalan.

"At bakit nanaman?"- naka pamewang na tanong ni Serina sakanya.

"Imbis na makalimutan siya mas lalo ko siyang naaalala sa tuwing nakikita ko si Nicole"- malungkot na sabi ng pinsan niya. Naupo na si Serina sa Sofa at tinignan si Mirco. Alam niyang nasasaktan ngayon ang pinsan niya dahil mahal na mahal talaga nito si Julia.

"Una si Mina, sabi mo minsan pag naka side view o minsang humaharap si Mina hawig niya si Julia. Ngayon naman si Nicole, umayos ka Mirco. Princesa yun."- huminto saglit si Serina sa pagsasalita at huminga.

"Kahawig niya talaga si Julia. Lalo na pag nakaside view para na siyang si Julia."- sagot ni Mirco na ikina tingin niya kay Serina.

"Alam mo Mirco, kalimutan mo na si Julia. Hindi ko naman sinabing kalimutan mo talaga. Gayahin mo kami, wala sa alaala pero nasa puso. Wag mong laging dalhin si Julia, Mirco. Grow up. Lagi lang andyan si Julia. She never leaves you. Bestfriend ka niya diba?"- nakangiting sabi ni Serina. Bumahid nanaman ang lungkot sa mukha nila lalo na kay Mirco.

"Kung kelan kasi...ok na. Bati na kami. Nag kakausap na, chaka pa siya nawala. Hindi ko padin matanggap Ate Se"- malungkot na sabi ng binata. Hindi na napigilan ni Serina ang emosyon niya kaya lumapit siya kay Mirco at niyakap ito.

"Wake up Mirco. Wala na si Julia ha? Hindi sa lahat ng oras lalaban ka, minsan kailangan mo din sumuko at bumitaw kesa sa patuloy ka lang nasasaktan. Kalimutan mo na siya. Para ka ring si Mark. Hindi natatapos ang isang linggo na hindi kayo na dadrama. Sige na maligo ka na. Late ka na sigurado akong bubungangaan ka nanaman ng Manager mo."- natatawang sabi ni Serina.

Tumango lang si Mirco at sinunod ang utos ng nakatatanda niyang Pinsan.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon