Dapat pala nag pa late din ako. Sabi ni Nicole sa kanyang isip. Kanina pa siya nakaupo dahil iniintay nila si Mirco. Nagsimula ng mag practice ang ibang artista. Hindi kasi pare parehas ang sasayawin nila.Tinignan ni Nicole ang sarili niya sa salamin na nasa harapan niya. Pagsuma sayaw sila jan sila humaharap para makita nila ang pag galaw nila.
"Mirco! Your Late! Ano nanaman ang nangyayari sayo! Umiiral nanaman ang pagka pasaway mo! Kahapon ka lang sumeryoso?!"- napalingon siya sa may kurtina doon kung saan natatakpan ang kabilang side kung saan andun ang pintuan.
"Can we start? Baka mawalan nanaman ako ng gana nito sa kakasigaw mo."- napalingon ulit si Nicole ng marinig niya ang sagot ni Mirco sa manager nito.
"Ganon ba siya kabastos?"- bulong ni Nicole at nailing na humarap sa salamin at tumayo.
Inayos niya ang suot niyang maong na short at naka tack-in niyang white shirt. Nasanay siyang, skirt at short ang sinusuot niya. Sa Korea kasi yun ang madalas nilang suotin lalo na pag may Dance Practice sila. Sakanila kasi hindi pang aakit ang ibig sabihin ng pagsuot ng Short.
"Mag s-start na daw kayo Nicole."- nakangiting sabi ng Manager niya. Inayos niya ang buhok niya at tumayo ng maayos.
Nagsimula na silang magpractice kaya naging busy na muna sila. Minsan nagtatawanan sila sa tuwing may nagkakamali o kaya naman ay nagkakamali mg turo ang choreograper nila.
Sa araw araw ni Nicole ay onti onti niya ng nakikilala ang iba sakanila except kay Mirco na laging naka poker face. Minsan lang siya kausapin nito.
Kasalukuyang sumasayaw sila ng bigla silang tawagin para mag pahinga na muna.
"Goodjob guys! Isang linggo na kayong nag papractice dito at onti nalang ok na."- masayang sabi ng Manager ni Mirco sakanila.
"At dahil jan...may pa pizza ako!"- napahiyaw ang iba ng may pumasok at nilapag sa lamesa ang ilang box ng pizza.
"Pizza! Pizza! Pizza!"- natatawang sigaw ng ilang Artistang kasama nila. Nanatiling tahimik at nakangiti lang si Nicole habang naka tingin sakanila.
"Ngayon lang to dahil bawal to sainyo. Masisira ang pag dadiet niyo especially girls."- sabat ng isa sa mga Manager na andito.
Napangiwi si Nicole ng makita kung ano ang nakalagay na toppings sa Pizza na nasa harap niya.
"Isa nalang kasi ang Hawaiian kaya yang bagong flavor nalang nila. Masarap naman daw yan. Try it!"- paliwanag ng Manager ni Mirco. Nicole hate's lalo na pag nakalagay sa Pizza at hindi ganon ka luto.
Balak niya sanang tanggalin nalang ang Onions pero sobrang dami pala nun halos wala na nga atang space na walang Onion.
"Nicole ayaw mo ba?"- tanong ng Manager ni Nicole.
"Hindi kasi ako kumakain ng Pizza na may Onion."- nahihiyang sabi ng dalaga. Baka kasi isipin ng mga yun ay maarte siya. Minsan kasi pag kumakain siya ng hindi ganon kalutong Onion ay namumula ang leeg niya kaya ayaw niya ng kumain ng hindi ganon ka lutong Onion.
"Ganon ba? Nako anong kakainin mo. Ah---oo nga pala may hawaiian pizza pa."- kinuha ng Manager niya ang Box ng Hawaiian Pizza at nilapag sa harap niya. Nginitian niya ang Manager niya ng mailagay yun doon.
Bigla siyang napalingon kay Mirco na nakatingin sakanya. Hindi kaya naaartihan na ang isang to sakin? Tanong ng dalaga sa kanyang isip.
"Ayaw mo niyan Nicole?"- tanong ng isang Manager na ikina lingon niya.
"Hindi naman sa ayaw. I just...don't eat onions. Huling kain ko kasi niyan ay namula ang leeg ko."- paliwanag ng dalaga sa mga kasama. Napatango tango naman ang mga to. Tumayo ang mga Manager at lumabas na muna dahil pinatawag sila sa kabilang Studio kaya sila sila lang ang naiwan.