Rhya's POV
Kung kahapon ay si Jacob ang halos maghapon na nag-stay sa unit, si Luke naman ngayon.
Maaga itong dumating kanina, and to my surprise ay ito pa ang nag-prepare ng breakfast na once in a blue moon lang nito gawin.
"Wala ka bang lakad today?" Ako
"Wala naman. Bakit? Magpapasama ka ba?" Luke
"Not really. Pero dahil di ka naman pala busy samahan mo na lang ako mamaya maggrocery." Ako
"Okay."
"How's Karen?"
"She's fine. Nasa out-of-town siya with her college buddies. Three days sila sa Bataan."
"Kaya pala nandito ka. Magmumokmok ka?"
"Mukha ba akong magmumokmok? Okay na nga din iyon, para kahit paano mamiss namin ang isa't isa."
"Dami mo talagang alam."
Tumawa lang si Luke.
"Nanggaling daw pala dito si Jacob kahapon? Dito ba siya nag over night?"
"Oo. Pero umuwi din siya after dinner. Magsisimula na yata para sa 'Oplan Win Helens Back' niya."
"Natauhan na din sa wakas ang loko."
"Yah. Buti naman."
Natawa kami parehas ni Luke dahil doon.
Of course, I, Luke and Troy knew all along that Jacob love Helen.
In denial lang talaga si Jacob nung una dahil di niya ma-accept ang katotohanan na tinamaan na siya ng totoong pana ni kupido.Finally, the cassonova fall in love.
"Ikaw nga yata ang nagmumokmok dito, Denise? Bakit di ka nagstay sa bahay ninyo?"
"Tinamad lang akong umuwi. Besides, okay na din. Kasi, kahit nandito ako di naman ninyo ako naiistorbo dahil busy kayo." Ako
Which is quite true.
Busy si Jacob sa pag-analize ng feelings nito.
Busy si Luke sa business at GF nito.
Same as Troy na halos four days na ring nasa Davao dahil sa nagpasama si Irene sa isang location visit na sinamantala na ring gawing bakasyon ng mga ito."Bakit lately parang ayaw na ayaw mo muna kaming makita? Bumalik lang iyang si Patrick nagka-ganyan ka na." Luke
"Sira. Hindi ah."
"Siguraduhin mo lang Denise." Luke
Natatawang napailing na lang ako.
"Hindi nga. Haha. O, magbibihis na ako ah. I-push mo na iyang kasipagan mo. Ikaw na rin ang maghugas. Thanks sa breakfast. Pero mas masarap pa rin magluto si Jacob." Ako
"Hindi na kita ulit ipagluluto.."
"As if? Narinig ko na iyan.. mga 50 times na yata."
"Kahit kailan ka talaga.. Sigi na. Bilisan mo ha? 30 minutes lang ako maghihintay." Luke
"Tse!"
Natatawa pa akong lumabas ng kusina.
May pagka-seryoso madalas si Luke kaya sinusulit ko ang ganung mood niya.***
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may kasama akong mamili ng groceries para sa unit.
Ito nga lang ang unang pagkakataon na si Luke lang talaga ang kasama ko.
Most of the time, it's Jacob who accompanied me.
Remember? Hari ng kusina ang isang iyon.
Si Luke at Troy kasi, sumasama lang.
At madalas, inihahatid lang ako at sinusundo.
BINABASA MO ANG
Knock. Knock. It's Love.
General FictionMinsan, 'yung taong nakalaan sa atin nakilala at nakakasama na natin. Iyon nga lang, hindi pa tama ang pagkakataon para kayo ay magkasama. O baka kasi kasalukuyang may iba pa kayong kasama. O marahil din, pilit ninyong itinatanggi sa sarili ninyo na...