Chapter 18 - Serious Talk

4 0 0
                                    

Denise POV

Hindi ako umuwi sa bahay nitong weekend. At dahil aware naman ang parents ko na safe sa unit ay hindi na nila ako masyadong inuusisa.
Besides, hindi naman ako nakakalimot tumawag para magpaalam.

Three days na akong halos dito umuuwi pagkagaling sa office pero di pa kami ulit halos nagkakasama nang tatlong kuneho.

Nagkikita naman kami kapag dumadaan o sumasaglit sila, pero di nagtatagal dahil minsan ay paalis din ako o kung di naman ay patulog na.

Nagluluto ako ngayon ng tanghalian ng marinig ko na bumukas ang pinto.
Hindi na ako lumabas para salubungin ang kung sino mang dumating dahil sigurado naman ako na tatawagin/hahanapin ako nito.

"Denise?"

See what I mean?

"Nasa kitchen ako!" Bahagya kong sigaw

Nakangiting sumilip si Jacob bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina.

"Anong niluluto mo?" Jacob

"Beef with brocolli." Ako

"Good. Pakain ng lunch dito ah?" Jacob

"Seriously? Nagpapaalam ka na ngayon?" Ako

Bahagya lang natawa si Jacob bago binuksan ang ref at kumuha ng tubig.

"San ka galing?" Ako

"Meeting." Jacob

"Talaga ba? Saturday ngayon ah. I thought, di ka natanggap ng client kapag weekend?" Ako

"Kailangan eh. Ang kulit kasi nung bagong client ko. Gusto ako pa mismo ang makausap." Jacob

"Oh. Babae? Maganda?"

"Oo.." Jacob

"Baka type ka?" Biro ko

"Well.. Di ko naman type ang mga biyuda na at doble ang edad sa akin." Jacob

"Naks! Iba talaga ang charms mo. Imagine? Even an old widow woman?" Ako

I laugh.

Jacob stare at me blankly.

"Bakit sobrang saya mo yata lately? Are you inlove?" Jacob

Gusto kong mabilaukan kahit wala naman akong kinakain.

"Inlove agad? Hindi pwedeng stress free lang?" Ako

Again. He just stare at me.

"May ginawa kang dessert?" Jacob

"Wala. Pero may binili akong ice cream kagabi. May cake pa din dyan." Ako

"Okay." Jacob

This time, ako naman ang napatitig sa kanya.

Not a typical Jacob eh.
Dapat diyan, nagrereklamo na iyan sa mga oras na ito.
Dapat nga, nakikigulo na din iyan sa akin sa pagluluto ko.

"Okay ka lang Jacob?" Ako

"Ha?"

"I guess not." Ako

Umiling-iling naman ito.

"Dumaan na ba dito sila Luke at Troy?" Jacob

"Kahapon, oo. Pero hindi pa ngayon."

"Hirap talaga ng may love life." Jacob

"Wow. Nasaan na ang Jacob na laging nagsasabing masarap magmahal at may minamahal?" Ako

Bahagya naman itong natawa.

Knock. Knock. It's Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon