Denise POV
Katatapos lang na aming board meeting, I hurriedly go back to my office to settle important papers.
Tinanggihan ko nga ang pagyayang kumain ng lunch nila Luke at Troy.
Wala naman silang nagawa dahil hindi ako nagpapilit."Okay. Basta, kumain ka after." Luke
"Huwag mong kakalimutang kumain. Ugali mo pa naman iyan kapag busy ka." Troy
Iyan ang bilin nila sa akin kanina nang maghiwa-hiwalay kami sa elevator.
I sigh.
I beep the intercom.
"Joy?"
"Yes Miss Denise?"
"Kindly order me something for lunch."
"Sure. The usual po ba?" Joy
"Yes. Please. Thanks. You may have your lunch break also." Ako
"Sigi po. Salamat." Joy
After 20 minutes ay dumating na ang order. Matapos ipasok ito ni Joy ay nagpaalam na rin ito para makapag-lunch.
Inabala ko ulit ang sarili ko sa pagre-review ng bagong contract for our new clients.
Then suddenly, the buzzer from the office beep.
Dalawang beses pa ulit itong tumunog bago ako nagpasyang tumayo dahil wala nga pala ang secretary ko para magbukas ng pinto.
I went outside my private office.
Isang delivery boy ang napagbuksan ko ng pinto.
"Good morning Ma'am. Delivery po for Ms. Denise Evans." Delivery boy
I look at the pink box with a big blue ribbon na hawak ng lalaki.
"Kanino galing?" Ako
Nakangiting iniabot sa akin ng delivery boy ang isang card.
'Sweet day, for a very sweet girl that I know. Hope you'll like it Denise. 😄'
-PatNapatingin ako ulit sa box bago napangiti.
"I'm Denise. I-receive ko na ah."
Agad namang iniabot sa akin ng delivery boy ang resibo para ma-confirm ko ang item.
"Salamat."
"Salamat din po. Have a nice day Ma'am." Delivery boy
I smile as I open the box.
It's full of assorted sweets and chocolates.Then my phone ring.
Patrick is calling.
"Hi Pat."
"Hi Denise. So? Did you received my package?"
"Yes. Thank you ha? Pero, di ba ako magka-toothache sa dami nito?"
"Haha. Don't worry, hindi mangyayari iyon. Sorry ha? Late ko na naipadala. Naging biglaan kasi pagkikita natin eh."
"No, it's okay. Thank you. Nag-abala ka pa talaga."
"No big deal. I also sent some for Faith, alam mo naman 'yon. Matampuhin." Patrick
"Good thing. Para walang maiinggit kapag nagpost ako sa IG." Ako
We both laugh after that.
"Busy ka ba? Baka naabala kita?" Patrick
"Well, sort off. But it's okay. Manageable naman ang mga gagawin ko."
BINABASA MO ANG
Knock. Knock. It's Love.
Genel KurguMinsan, 'yung taong nakalaan sa atin nakilala at nakakasama na natin. Iyon nga lang, hindi pa tama ang pagkakataon para kayo ay magkasama. O baka kasi kasalukuyang may iba pa kayong kasama. O marahil din, pilit ninyong itinatanggi sa sarili ninyo na...