Chapter 21 - The Best ka talaga

5 0 0
                                    

Denise POV

Hindi ko na inabala si Troy kahit sinabi nito na puntahan lang sa kwarto anytime.

Alam ko naman kasing pagod pa ito mula sa biyahe.
At hindi nga ako nagkamali dahil ng bahagya akong mag-check sa kwarto nito ay natutulog na ito.

I have prepared everything.
Gumawa na rin ako ng brownies.

Nagpasya akong magpahinga na din muna sa kwarto bago pa dumating sila Luke at Jacob.

I'm reading a book when I suddenly heard a knock outside my room.

"Denise? It's Jacob. Nandito na din si Luke."

Agad naman akong napatayo at binuksan ang pinto.

"Whoah." Jacob

"Miss Nerd is back." Luke

"Ngayon na lang ulit kita nakitang naka eye glass." Troy

Bakit kailangang tatlo pa talaga sila sa labas?

Inalis ko ang reading glass ko.
Nakalimutan ko kasing hubarin dahil sa lakas na rin ng katok ni Jacob kaya agad akong napatayo na kanina.

Nakita ko naman na nakangiting umiling ang tatlo?

"Why?"

"Your looks awhile ago reminded me of our good old days.." Luke

Maka-old days si Luke akala mo naman ang tatanda na namin.

"Yan yung looks mo nung crush na crush mo pa ako." Jacob

Tssh. Whatever Jacob.

"You are always that Denise..."

Uhm. 'that' what Troy?

"Alam ninyo. Gutom lang iyan. Sigi na. Go and change. Lalabas na din ako para makapag dinner na tayo."

Bahagya ko pang itinulak ang mga ito para umalis na sa tapat ng kwarto ko.

***

As usual, kapag ang tatlong kuneho ang kasama ko, dinaig ko pa ang may alagang bata.

"The best talaga ang caldereta mo Denise." Troy

"Salamat."

"Lahat naman ng luto mo the best." Luke

"The best para sa mga ang puro kain lang ang alam." Jacob

"Bakit? Ikaw nga may favorite sa luto ni Denise eh." Luke

"Speaking of that. Next time 'yung favorite ko naman na Potchero iluto mo ah." Jacob

"Tapos 'yung next yung beef with brocolli naman." Luke

"Ano ako? Personal cook ninyo?"

"Madaya. May favoritism ka na ngayon ha? Bakit si Troy ipinagluto mo ng caldereta?" Jacob

"Kasalanan ko ba na late kang umuwi ngayon ha? Mr. Chef?" Ako

Si Jacob naman kasi dapat ang magluluto ngayon. Nagkataon na may imporanteng meeting ito.

"Kahit pa." Jacob

"Basta, the best ka talaga Denise." Troy

Napatingin kaming tatlo dito.

"Brod? Anong konek?" Luke

"Saya mo eh? Naipagluto ka ng favorite mo?" Jacob

Natatawang tumango at nag thumbs up pa sa akin si Troy.

I laugh shortly.

"Naku. Ewan ko sa inyo. Kumain na lang kayo." Ako

Nang-iinis naman na inilayo ni Luke ang lagayan ng ulam at itinaas naman ni Jacob ang lagayan ng rice nang akmang kukuha ulit  ng pagkain si Troy.

At nagsimula na naman silang maging bata sa paningin ko.

Gosh. Kailan ba sila magma-matured?

"By the way rabbits.."

Natigil naman sila sa pag-iinisan at takang napatingin sa akin.

"Ano iyon?" Luke

"Inaayos na ni Faith iyong out of town trip na plano before." Ako

"Good. Saan naman daw?" Luke

"No idea. Si Pat pa daw muna kakausapin niya then i-update na lang niya ako."

"Kasama nga pala natin doon si Domingo." Troy

"Kasi siya po ang isa sa original na nag-suggest nung plano. Remember?"

Troy sigh.

"Siya nga pala. Buti ipinaalala mo." Jacob

Inirapan ko naman ito.

"May iba pa ba tayong kasama?" Luke

"Wala naman. Bakit? May mga balak ba kayong isama?" Ako

Nagkatinginan muna ang tatlong kuneho. Parang hinihintay nila na may maunang mag-react.

"I-invite ba ninyo mga girlfriend ninyo?" Ako

"Hindi. Kasi, wala naman akong yayayain na gf." Jacob

Si Bitter naman..

Tiningnan ko naman si Troy at Luke.

"Hindi na siguro." Luke

Oh.

"Hindi na din." Troy

"Sure?"

Tumango-tango naman ang mga ito.

"Okay."

"Tsaka mas okay na din iyon. Parang bonding lang ng tropa. Exclusive sa atin." Jacob

"Iyan din ang sabi ni Faith. Tsaka nga pala, magkakaroon daw tayo ng meeting regarding sa trip para masettle na."

"Okay." Luke

"Call." Jacob

"Sure." Troy

"I am glad. You guys are now accepting the fact na part na ng friendship natin si Patrick." Ako

"Kung pwede lang talagang hindi.." Jacob

"As if we have a choice." Luke

"Uh-uh." Troy

"Pero hindi ko pa rin siya gusto para sayo Denise." Luke

"Wag na si Pat. Iba na lang." Jacob

"I agree." Troy

Natawa naman ako.

"Ano bang pinagsasabi ninyo?"

"We all witnessed how you cried because of him. Ayoko na ulit makita iyon." Luke

"Masasapak ko na talaga si Domingo kapag nagkataon." Troy

"Count me in." Jacob

Napailing na lang ako.

Oo. Umiyak ako noon dahil nasaktan ako.
But that's not the whole story they know.

Kasi naman, mag-explain sana ako dati pero di na nila ako pinakinggan dahil galit sila. At kahit ano pa daw ang ipaliwanag ko, the point is, pinaiyak ako ni Patrick.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa pagiging caring at protective nila.
O, maiinis sa pagiging OA nila.

"Past is past, rabbits." Ako

"But flashback do exist." Luke

"Yeah. Pero okay na talaga ako. Okay na kami. No need for you guys to worry. Okay?"

"Good thing masarap talaga ang caldereta mo." Troy

"Basta, ipagluto mo din ako ng Beef with brocolli." Luke

"Don't forget my Potchero." Jacob

"Hmp."

Ayan na naman sila.
Ayaw nilang seryosohin ang sinabi ko.

"Is that a yes?" Jacob

"No." Ako

"Thank you Denise." Troy/Luke/Jacob

Knock. Knock. It's Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon