Chapter 22 - Planning Session

5 0 0
                                    

Faith POV

Ang tagal naman ng mga VIP?

Ay. Hello nga pala sa inyo.
Kilala na naman ninyo ako diba?
For sure na introduce na ako sa inyo ng beautiful but sometimes slow and a bit manhid kong besh diba?

Haha! Don't tell her about my description about her ah.
Pero sa totoo lang naman, medyo totoo naman ang sinabi ko.
Mapapatunayan ko iyan sa inyo... Soon! 😁

Teka.. bago ang lahat.. Salamat muna kay very mabait na author sa pagbibigay ng pinakahihintay kong POV. Yiie!

*Ms.REJ - Welcome.*

Nice! Hope it won't be the last!

*Ms.REJ - Pag-iisipan ko pa..*

Haha! Grabe. Ang moody.

Naku, mabalik na ako sa role ko sa kwentong ito..

So, eto na nga. Hihintay ko lang naman ang BFF ko, ang three Kings at si Mr. Dream Boy ni besh.

Ngayon na namin kasi pag-uusapan ang aming nalalapit na out of town trip.

Yes thanks! Now here comes Patrick.

"Hi Faith."

Bahagya pa itong yumakap sa akin bilang pagbati.

"Sorry, I need to drop by somewhere just to fetch an important thing kaya medyo late ako." Patrick

"It's okay. Hindi ka naman late. 3pm naman ang usapan natin. You're still 10 minutes earlier." Ako

"How about the others?" Patrick

"On the way na din daw." Faith

Tumango-tango naman si Patrick.

Then after another few minutes, natanaw ko na ang pagpasok ng three Kings along with my bestfriend Denise.

Ang alam ko magkakasama na talaga ang mga ito kaya nagsabay-sabay na.
Sa unit daw kasi nagpasayang mag-stay ng mga ito this weekend.

My poor besh.. may mga alaga na namang kuneho..

"Hello Faith. Gumaganda ka lalo ngayon ah. Kamusta?" Jacob

Kahit kailan talaga itong chickboy na ito.
Naku, buti na lang hindi ako na-fall sa charm nito.. Si Besh lang talaga ang sandaling nabulag nito eh. Haha!

"Salamat Jacob. Heto, sabi mo nga, mas lalo akong gumaganda.." Ako

Natawa naman si Jacob.
Nginitian at bahagyang kinawayan naman ako nila Luke at Troy bilang pagbati.

"Hindi kami late ha?" Luke

"Just on time." Troy

"Good." Ako

Agad naman ding bumeso sa akin si Denise at tsaka ito ngumiti at tumango kay Patrick.

Agad tinawag ni Jacob and waiter pagkaupo nilang lahat.

Isang round table for 6 person ang pina-reserve ko na nasa medyo private part ng restaurant.
Best location for a small meet-up and gathering.

Ang pwesto namin..
Jacob | Troy |Luke | Denise | Me | Patrick

"So? What's the plan?" Jacob

Naka-order na kaming lahat ng magtanong ito.

"Well, I sent six destination to Pat last time. Then he narrowed it down to two. At iyon ang pagbobotohan natin." Ako

"And the places?" Luke

"Baler, Aurora and Puerto Galera. Both package deal." Pat

Ipinakita ni Patrick ang mga dala nitong information about sa dalawang beach resort.

Knock. Knock. It's Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon