E (pilogue)

232 10 2
                                    

Feb 14 20xx

Nasa kwarto ngayon si seungcheol dahil nag aayos siya ng kanilang gamit dahil nga aalis sila nang biglang tumawag si minghao.

Minghao calling..

Call connected.

"H-hyung *huk*"

"Minghao? Anong nangyayari sayo?? Bakit ka naiyak??"

"C-cheol h-yung s-si m-mingyu *huk"

"P-puta?! Anong nangyari kay mingyu?!"

"H-hyung k-kelangan k-ko k-kayo n-nag-- *huk"
C

all disconnected

"Cheollie? Bat ka nasigaw? Tsaka anong nangyari kay mingyu?" Kakalabas lang ni jeonghan galing banyo dahil halatang pinupunasan pa niya ang kanyang mahabang buhok. Agad na binaba ni seungcheol ang tawag. Hindi siya makapag isip ng maayos.

"Hindi ko alam hannie pero naiyak si minghao! Kailangan niya tayo"

"Kalma cheollie. Tara na baka kung anong mangyari kay mingyu!"

Nang buksan nila ang kanilang pintuan nagulat ang dalawa dahil isang wonwoo ang unang bumungad sa kanila. Halata sa kanya na naguguluhan at the same time naluluha na rin.

"Seungcheol hyung? Jeonghan hyung? Anong nangyari kay m-mingyu?"

"Mahabang kwento wonwoo sumama ka na lang"

Dumiretso na sa ospital ang tatlo at agad nilang pinuntahan ang kwarto ni mingyu. Naabutan nila sa loob na umiiyak na minghao at ang mga doctor na kung ano ang ginagawa kay mingyu. Agad na lumapit si seungcheol at jeonghan kay minghao para pakalmahin ang nakababata

Napatakip ng bibig si wonwoo at napako sa kinatatayuan dahil sa nakikita niya ngayon. Ang pinakamamahal niyang lalaki ay nag aagaw buhay sa harapan niya.

Samantala, lumalaban si mingyu dahil alam niyang papatawarin pa siya ni wonwoo. Pero alam niyang ilang minuto na lang ay bibigay na siya. Napadilat siya ng mata at una niyang napansin si wonwoo. Tinaas ni mingyu ang kamay niya kahit nahihirapan na siya. Agad na lumapit si wonwoo kay mingyu.

"Mingyu lumaban ka"

Ngumiti lamang si mingyu at binigkas ang mga salitang sorry kahit wala nang nalabas na boses.

"H-hindi mo kailangan mag sorry. Lumaban ka"

Naiiyak na sinasabi ni wonwoo kay mingyu. Ngunit ngumiti lamang si mingyu at umiling.

"I love you"

Salitang lumabas sa bibig ni mingyu. Pinilit pa niya ito.

"I love you too mingyu"

Napangiti ng malawak si mingyu at tuluyan nang pumikit kasabay ng pagtunog ng kanyang lifeline at rumihistro rito ang isang tuwid na linya.

Humagulgol lahat ng taong naroon (pwera na lang sa mga doctor) dahil nawala sa kanila ang isang espesyal na tao sa kanilang buhay.

| Memo 》 meanie ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon